Chapter 24

465 22 4
                                    

Dedicated to: @ell_55 @lucky_tyson @MasterMistyy @nearsocio @snowbellaaaas

Unedited

Chapter 24

"Hindi mo ba pupuntahan si Tres ngayon sa Batangas?" Salubong na tanong sa akin ni Rox nang makita niya ako rito sa salas.

Tumabi ito sa akin ng upo at kahit hindi ko pa siya inaalok ay dumampot na ito ng pizza na nakapatong sa lamesang nasa harapan lang namin.

Ano pa nga bang bago ro'n? Hindi pa ba ako nasanay sa pagiging ganito niya?

Humarap ito sa akin habang puno ng pagkain ang bibig niya. Hinihintay siguro ang sagot ko sa naging tanong niya sa akin.

"Bakit naman ako pupunta ro'n?" Kumuha ulit ako ng panibagong slice ng pizza at kumagat roon.

Nilunok niya muna ang kinakain niya at tinaasan ako ng kilay. "Hindi ba mag-uusap kayo?"

"Oo," maikling sagot ko sa kaniya.

"Oh, e bakit nandito ka pa at wala sa Batangas?"

"Hindi ko na lang muna siya pupuntahan para kausapin. Saka na lang kapag pwede na."

"E kailan naman 'yang pwede na?"

"Ewan ko..."

"Kita mo, you don't know naman pala e."

"Busy 'yung tao, Rox. Ayokong makaabala."

"Ayaw mong makaabala pero ano 'yung ginawa mo no'ng nakaraan? Hindi ba at inabala mo rin naman siya? Pumunta ka ro'n ng walang permiso niya. Kaya bakit hindi mo na lang lubusin tutal nagawa mo na rin naman," mahabang sabi nito pagkatapos ay uminom na ito ng juice.

Jusko! Juice ko na naman ang ininuman niya.

"Kahit na. Ayoko ng ulitin 'yon. Atsaka, mayroon pa namang ibang pagkakataon para mag-usap kami. Kapag hindi na siya busy, kakausapin ko na siya."

"Ibang pagkakataon? At kailan naman 'yon? Kapag nandiyan na si Uno?"

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Kailan nga ba ang ibang pagkakataon? Kapag nandiyan na si Uno?

Magagawa ko pa nga bang kausapin siya kapag nandiyan na si Uno?

Maiintindihan naman siguro ni Uno kapag sinabi ko sa kaniya ang rason ko. He's smart plus, he's also understanding.

"Anyways, change topic na tayo!" She exclaimed habang hawak niya pa rin ang juice ko at sa kabilang kamay naman niya ay ang panibagong slice ng pizza.

She really loves food.

"Looks like medyo na-i-stress ka na kapag ang usapan ay tungkol kay Tres so better yet, change topic na lang us. You know, dapat hindi ka magmukhang stress kapag dumating na si Uno here."

She has a point. I don't want to get stress.

"What's your plan pala kapag dumating na si Uno here?"

"Wala pa, e..."

Her lips parted in shock. "Seriously?" I nodded. Sumandal ako sa inuupuan namin ngayon.

"You should plan na!"

"Kahit hindi na..."

"But—" I cut her off.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon