Dedicated to: DauntlexxGray @aloeverafa @marypatrono @eishleykim WeirdMaknae
Unedited
Chapter 10
"I like your cousin!" Natatawang sabi ni Tres habang naglalakad kami.
Sabi na e, may gusto ito sa pinsan ko.
Iniwan na namin ang dalawang 'yon na magkasama. 'Yon din naman ang rason kung bakit kami nandito, e. Itetext na lang daw ako ni Rox kapag uuwi na siya para raw sabay na kami.
Huwag ko raw siyang iwan kasi lagot daw ako sa kaniya. Oh diba, masyadong bossy!
"She's funny!" Funny din naman ako, ah! You said, you like my vibe pa nga e.
"Hmm..." tanging nasabi ko na lang. Wala akong masabi, e.
Baka kapag binuka ko pa ang bibig ko ay may masabi pa akong hindi maganda na maaaring maglagay pa sa akin sa alanganin. Tapos, baka mapahiya pa ako. Naku, hindi pwede!
"But you are more funny..." literal na napahinto ako sa paglalakad ko nang marinig ang sinabi niya.
Tama ba ang narinig ko? More funny daw ako?
Yieee, improving ka na, self! Congratulations!
"Hehehehe..." awkward na tawa ko sa kaniya. Pero deep inside, jusko, grabe na ang tibok nitong puso ko dahil sa sobrang bilis.
Parang may nagkakarera na nga sa loob dahil sa sobrang bilis.
Hindi ako makatingin sa kaniya kasi baka makita niya na namumula ako. Nakakahiya kapag nagkataon.
"You know what..." agad akong napatingin sa kaniya. "Let's have a date..." bumaba ang tingin nito sa akin habang may munting ngiti sa kaniyang labi.
Napanganga naman ako sa narinig ko mula sa kaniya. Date raw? Magde-date rin kami? Waaaaaah!
"Is it okay?" He asked as he smiled at me.
Damn his smile! Nakakarupok pagmasdan.
"Hey!" He snapped.
"Y-Yeah, it is okay!" Okay na okay nga, e.
Tumigil ito sa paglalakad kaya tumigil din ako. "Are you okay?" He asked while he's frowning.
"Oo naman 'no! Bakit naman hindi ako magiging okay, diba?" Wala talagang rason. I'm more than okay knowing that we're dating right now.
"Sigurado ka?"
"Uh-huh," sinabayan ko pa ito ng pagtango ko.
"Okay," he simply said as he lead our way to our destination.
Actually, wala naman talaga kaming pupuntahan. Kagaya nang una naming pagkikita rito, lakad lang kami ng lakad kahit walang eksaktong pupuntahan. Okay na rin naman sa akin basta kasama ko siya.
Nagulat ako nang maramdaman kong may humawak sa kaliwang kamay ko habang kami ay naglalakad. Bumaba ang tingin ko rito at nakita kong hawak ito ng katabi ko.
Magkadaop ang palad naming dalawa habang naglalakad kami. Pinilit kong hindi ngumiti sa nakita dahil sa kilig na aking nararamdaman ngayon.
Pasimpleng ngumuso na lang ako para hindi ako mapangiti nang husto. Ganito pala ang pakiramdam kapag kahawak kamay mo ang taong gusto mo. Ang sarap pala sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...