Chapter 39

580 18 0
                                    

Dedicated to: @AkosiFeiry Tanyaismy_name @GladysTenorio7 @Dangerous_Flame @epiexies

Unedited

Chapter 39

Lumapit na rin sina Jake at Rox sa amin. Ipinatong ni Jake sa table ang hawak-hawak niya. Mapapansin na parang hindi sila okay. Ewan, napapansin ko lang kasi hindi sila masyadong madikit ngayon sa isa't-isa.

Nag-away ba ang dalawang 'to? Pero kung nag-away nga, ano naman ang pinag-awayan nila?

Nakaka-curious tuloy...

Naglagay si Tres ng mga upuan palibot sa table. Uupo na sana si Tres sa tabi ko nang bigla itong tinulak ni Rox at siya ang umupo sa tabi ko.

"Hoy, umalis ka nga riyan!" Tres hissed at Rox but she just rolled her eyes.

Tinanggal nito ang mga pagkain sa loob ng paper bags.

"Paalisin mo nga 'to rito Jake!" Baling nito kay Jake habang nakapamewang.

"Hayaan mo na..." Pakinig kong sagot ni Jake sa kaniya. Umupo na rin ito, kaharap ni Rox.

"Anong hayaan? Hindi pwede! Gusto ko kay Aurora ako tatabi!" Napangiwi na lang ako sa narinig.

Ano ba 'yan, para namang bata!

Hindi ko na lang siya pinansin. Tumingin ako kay Rox at nakita kong nakatingin lang ito sa pagkain na nasa harapan niya.

I squeezed her hand. "Are you okay?" She just answered me with a small smile.

Hindi na ako nagtanong pa. Mukha kasing wala siya sa sarili niya. At mukhang wala rin siyang gana na pag-usapan pa ito.

Hindi bale, sa bahay ko na lang siya kakausapin.

"Are you full na, baby?" Tanong ko kay Uno pero nagulat ako at si Tres ang sumagot.

"Not yet, baby. I'm starving..."

"Ha? Hindi naman ikaw ang tinatanong ko..." Naguguluhang sagot ko. Nabigla ako nang bigla itong sumimangot sa akin.

"But I'm your baby!" Maktol nito sa akin. He even crossed his arms over his chest.

Para namang bata, e!

"Umayos ka nga! Hindi ikaw ang tinatanong ko at si Uno. Besides, you are not my baby anymore," sinabayan ko pa ito ng pagngisi.

Maasar lang. Makaganti man lang sa mga araw na hindi siya nagparamdam sa akin...sa amin.

"No! I'm still your baby!" Muling maktol nito.

"Well, you're not," nang-aasar na tugon ko.

"Umayos ka nga, bro!" Natatawang sabi ni Jake sa kaniya.

"Para ka namang bata, Tres!" Singhal ni Rox sa kaniya.

"I'm full na po..." Inabutan ko ng juice si Uno. He just smiled at me so I smiled back at him.

He drank the juice that I gave to him.

"Stop looking at my love like that, bro!" Jake hissed at Tres.

"Look, baby, inaaway ako ni Jake, oh." He even come near me just to complained.

Para talagang bata 'to ngayon!

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon