Dedicated to: alianaaaaaaaaaa @msdreamery @Angiecuns @RosebieAbaigar2 Ddeemmiiggooddss
Unedited
Chapter 25
"Hello, Uno!" Magiliw na bati ni Rox kay Uno. Bahagya rin itong yumuko para maging kasing pantay si Uno.
Humarap naman sa kaniya si Uno at binati siya ng may ngiti sa labi. "Hi po, Nanang Rox!"
"Did you miss your Nanang Ganda?" Uno shook his head that made Rox frown for a moment.
"Hindi mo ako na-miss?" Nagdadramang tanong ni Rox kay Uno. "Kasi ikaw, miss na miss ko," nakahawak pa ito sa kaniyang dibdib na animo'y nasasaktan talaga.
"Na-miss din naman po kita, Nanang Rox!" Masayang sabi ng aking anak sa kaharap.
"Pero sabi mo, hindi ko ako na-miss?" Kunot-noong tanong ni Rox sa anak ko.
"Kasi po 'di ko kilala kung sino si Nanang Ganda..."
Tumingin sa akin si Uno. "Mama, sino si Nanang Ganda? Isa ko pa pong Nanang?"
Muntik na akong matawa sa kainosentehan ng aking anak. Pft. Sabagay, he's still young.
"Uno, ako si Nanang Ganda." Sa pagkakataong ito, kay Rox naman ito tumingin na tila naguguluhan sa sinabi nito sa kaniya.
"Pero ikaw po si Nanang Rox ko."
"At Nanang Ganda mo rin," sabi ni Rox habang may ngisi sa kaniyang mga labi.
"Ah," tanging nasabi lang ng aking anak habang tumatango-tango pa. Ang kaniyang kanang kamay ay nasa bibig niya kaya tinanggal ko ito.
"Don't subo, baby," Uno just pouted his lips.
"So... Nanang Rox and Nanang Ganda ay iisa lang, Uno, okay?" Uno nodded his head while roaming his eyes around.
"So, call me Nanang Ganda, Uno!" Excited na sabi ni Rox sa anak ko.
Tiningnan ako nito ng nakataas ang kilay niya. Parang sinasabi sa akin ni Rox na mauuto niya ang anak ko.
Para namang magpapauto sa kaniya ang anak ko.
"Ang tatawag ko lang po sa'yo, Nanang Rox."
"Ha?" Naguguluhang tanong ni Rox sa anak ko.
"Tatawagin ka lang daw niyang Nanang Rox," paliwanag ko.
Bata pa ang anak ko kaya medyo hindi pa ito magaling sa pagsasalita. Mabuti na nga lang at naiintindihan ko pa rin kahit na papaano.
Gano'n lang talaga siguro kapag anak mo. Pagdating sa anak mo ay kaya mong intindihin lahat.
"Bakit Nanang Rox lang? Bakit hindi Nanang Ganda?"
"Si Mama ko lang po ang pwede kong tawag na maganda, Nanang Rox. Sorey po, Nanang." Lumapit sa akin ang anak ko at yumakap sa binti ko. Marahang ginulo ko ang buhok nito.
"Why so unfair naman? I'm pretty din naman, ah!" She mumbled.
"Sorry, Rox. Ako raw ang maganda sabi ng anak ko," pang-aasar ko.
Umayos ito ng pwesto at inilagay niya ang pareho niyang kamay sa magkabilang bewang niya.
"Hindi naman totoo!"
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...