Dedicated to: @cedricknunez AedrickJohnPagcaliwa @Nica_sky15 @feoBela @eternityvane
Unedited
Chapter 28
Kung ano ang nararamdaman ko ngayong sandali na 'to, tanging kasiyahan lang ang aking nararamdaman.
Masaya ako at sa wakas, kasama ko na ngayon si Uno. Nadagdagan pa ito nang makita ko ang saya at galak na nakalarawan sa mukha ng anak ko nang makita at makilala niya ang sarili niyang ama.
Hanggang ngayon ay na kay Tres pa rin si Uno. Kung saan man ito magpunta ay karga karga niya ito. Wala ata itong balak na pakawalan miski bitiwan ang anak namin.
Napapansin ko rin ang pagpapapansin ng babaeng kasama ni Tres kanina kay Uno. Nakakatawa nga at hindi siya pinapansin ng anak ko.
"Nic, nakakatawa naman 'yung babaeng kasama ni Tres kanina. Look, oh!" Itinuro pa talaga nito sina Tres kasama 'yung babaeng kasama nito. "Panay ang pagpapapansin sa inaanak ko pero hindi naman siya pinapansin!" Natawa ako sa sinabi ni Rox. May punto naman kasi.
Sige lang, papansin ka lang diyan. Tingnan lang natin kung hindi ka manigas diyan sa ginagawa mo!
Sinusubaybayan ko lang sila ng tingin. Hindi ako nalapit sa kinaroroonan nila kasi sino ba naman ako para gawin 'yon? Ina lang naman ako ni Uno at wala ng iba pang dahilan.
Aminado ako na may nararamdaman pa rin ako kay Tres at sa tingin ko ay hindi naman ito nagbago. Nanatili pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya kahit na sinaktan niya ako dahil 'yon ang akala ko. Matagal man kaming hindi nagkita pero hindi naging hadlang 'yon para mawala ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Gano'n talaga siguro kapag talagang mahal mo ang isang tao...
Napaayos ako sa kinauupuan ko ngayon nang makita kong lumapit sa pwesto nila ang magulang ni Tres. Hindi ako kinakabahan para sa sarili ko. Kinakabahan ako para sa anak ko.
Paano kung hindi siya tanggap ng magulang ni Tres? Paano ang anak ko? Ayokong masaktan ang anak ko.
Gusto ko mang tumayo para lumapit sa kanila pero hindi ko ito ginawa. Nanatili lang akong nakaupo sa kinauupuan ko ngayon habang pinapanood sila.
Nakita kong nakakunot ang noo nila sa batang karga ni Tres. Nag-uusap sila habang nakatingin lang sa kanila ang anak ko. Marahil ay pinapanood sila at kinikilala ang mga mukha na kausap ng ama niya.
Nagulat ako nang biglang napatingin sa pwesto namin ang magulang ni Tres. Takte, kinakabahan na nga ako para sa anak ko tapos parang kinakabahan na rin ako ngayon para sa sarili ko.
Parang hindi ako makahinga ng maayos ngayon. Ramdam ko rin ang panlalamig ng kamay ko na nakapatong lang sa hita ko.
Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanila kaya nakasalubong ko ang tingin nila. Mas lalo akong kinabahan dahil basta lang silang nakatingin sa akin.
Para ngang hindi kumukurap, e.
Mas lalo akong hindi mapakali sa kinauupuan ko nang makita kong naglalakad na sila patungo rito. Sa likod nila ay kasunod nila si Tres habang karga pa rin si Uno. Nakita kong nagbubulungan silang mag-ama.
Medyo nawawala naman ang kaba ko kahit papaano kapag nakikita ko ang nakangiting mukha ng anak ko habang kausap ang ama niya.
Nahigit ko ang hininga ko nang makitang nasa harapan ko na sila. Nasa harapan ko na ang magulang ni Tres.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...