Chapter 23

475 21 0
                                    

Dedicated to: @Gorg_kittyy _sleepyyhead  @Rachel_Punzalan @piepeachy  @kezellketh

Unedited

Chapter 23

Napapadyak na lang ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa nangyari.

Aba't?

No'ng aalis na dapat ako kanina, pinigilan ako tapos ngayon, siya pa ang naunang umalis sa akin! Hindi ko naman siya inaano tapos gano'n pa  ang reaksyon niya.

Ang gulo niya. Hindi ko siya maintindihan.

Hindi ko pa rin maiwasan na hindi gapangan ng kaba nang banggitin niya si Uno kanina. Paano niya nalaman na si Uno ang tumawag sa akin? Paano niya nakilala si Uno?

Napakagat na lang ako sa aking labi dahil sa mga naiisip ko. Ghad, hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam kung paano o saan ko makukuha ang mga sagot sa naiisip ko.

Kung hindi ba naman siya umalis agad, edi sana, natanong ko na siya.

Hindi niya man lang ako inalok ng makakain man lang o ano, e. Ang layo kaya ng pinanggalingan ko. Ang layo ng binayahe ko. From Laguna to Batangas.

Nakakapagod kayang bumayahe ng matagal.

Tutal, wala na rin naman akong mapapala rito, mas mabuting umuwi na lang ako kaysa manatili pa rito. Naglakad na ako sa kotse ni Rox. Bubuksan ko na sana nang may biglang humawak sa balikat ko. Dala ng gulat, hinawakan ko ito at ipinilipit.

"Aray! Aray! Aray!" Natigil lang ako sa aking ginagawa nang makilala ko ang boses nito. Itinigil ko ang aking ginawa at hinarap ito.

Napangiwi ako nang makita itong nakahawak sa braso niyang ipinilipit ko.

Tumingin ito sa akin ng masama kaya nag-peace sign ako sa kaniya. Nang makita niya ang ginawa ko, inirapan niya lang ako.

Tae, mahirap talaga kapag nahawaan ni Rox ng kaartehan itong si Jake. Parang nakikita ko tuloy si Rox sa kaniya kahit hindi si Rox ang kaharap ko ngayon.

"Sorry, Jake. Nagulat lang talaga ako..."

"Sorry? Mawawala ba ng sorry mo na 'yan ang sakit na nararamdaman ko ngayon?" Napayuko ako sa narinig mula sa kaniya.

Damn, bakit ba kasi automatic na gano'n ang ginagawa ko kapag may humahawak sa akin ng biglaan.

Hindi sana mangyayari ito kung hindi nangyari 'yon, e. Hindi ako magiging ganito kung hindi ko 'yon naranasan.

"H-Hoy, Niccola, okay ka lang?"

Bakit ko ba kasi naranasan ko pa 'yon?

"Okay ka lang?"

Bakit ba kasi sa akin pa nangyari 'yon?

Natigil lang ako sa aking pag-iisip nang maramdaman kong may tumama na kung ano sa bandang noo ko kaya napaangat ang tingin ko. Nakita ko ang daliri ni Jake na kung saan ay kapantay ang aking noo.

Ibinaba nito ang kaniyang kamay at namulsa. "Sorry kung pinitik kita."

Pinitik niya pala ako? Baka 'yon ang tumama sa bandang noo ko?

Tumango lang ako sa kaniya. Iginala ko na lang ang tingin ko sa paligid. Wala na kasi akong masabi sa kaharap. Nagu-guilty pa rin ako sa ginawa ko sa kaniya.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon