Unedited
Chapter 5
"Hmm, since the day you left..."
"W-What?"
"Maniwala ka man o sa hindi, he also left Philippines the day when you left..."
"I don't get it..." I said confusedly.
"Bakit ba kasi hindi muna kayo nag-usap bago ka umalis?"
"Para saan pa? Para muling marinig ko na naman mga kasinungalingan niya? No, thanks!" Mariing tanggi ko.
"Paano ka nakakasiguro na totoo iyong sinasabi ni Monica sa'yo?"
"Hindi ko alam..."
"See? You didn't even know. You are not sure if... totoo ba mga pinagsasabi ni Monica but you just believed on her so easily na dapat kay Tres mo ginawa kasi kayong dalawa iyong magkarelasyon!"
"Sana nga gano'n lang iyon kadali Roxanne," tiningnan ko ito. "Pero noong nalaman ko iyon, ang hirap... Parang ang hirap ng paniwalaan ulit siya. Gustong-gusto kong maniwala kay Tres that time but how? Paano? Kung nasa harapan ko na iyong mga ebidensya na nagpapatunay na niloko niya lang ako?"
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kung hindi lang pinunasan ni Roxanne ang aking pisnge.
"That time, nasa harapan ko Roxanne ang mga ebidensya na nagpapatunay sa mga kasinungalingan niya sa akin. Ipinakita sa akin ni Monica iyong pregnancy test niya. And it has a two lines which means positive. At hindi ako gano'ng kamamgmang para hindi ko malaman kung anong ibig sabihin no'n..."
Lumipat sa katabing pwesto ko si Roxanne.
"Ayokong maniwala noon kasi ang daling peke-in ng pregnancy test, e. Kasi baka hindi naman talaga sa kaniya iyon but once she showed me the other evidences, doon na talaga ako tuluyang nanghina at nanlumo. Doon ako tuluyang gumuho..."
"Shh...it's okay, Niccola..." pag-aalo sa akin ni Roxanne habang yakap-yakap niya ako.
"No...it is not okay. Still not okay... Ang tagal tagal na noon pero still, iyong sakit, nandito pa rin..." itinuro ko ang dibdib ko kung nasaang parte ang puso ko. "Hanggang ngayon, dala dala ko pa rin 'yung sakit kahit saan ako magpunta. At 'yon ang mas masakit kasi bakit ako pa iyong napili niyang saktan?"
"Shh..."
"Bakit ako pa na wala namang ibang ginawa kung hindi ang mahalin lang siya..."
"Hush now, Niccola."
"I still can't believe na nangyari 'to sa akin. Na umabot kami sa ganito." Tuluyan na akong bumigay.
Parang bumalik lahat nang mga nangyari rati. Parang bumalik akong muli nang araw na 'yon.
Nakikinita ko sa isipan ko ngayon ang nangyari sa akin dati. Kung gaano ako nasaktan nang araw na 'yon. Kung paano niya ako winasak at dinurog.
Kung paano ko hiniling na sana...hindi na lang 'yon nangyari sa amin- sa akin. Na sana...isang malaking panaginip na lang 'yon. Isang masamang bangungot.
Buong-buo ako nang minahal ko siya pero bakit tila kay bilis niya akong winasak no'ng araw na 'yon? Gano'n ba ako karupok pagdating sa kaniya?
Siguro nga gano'n ako karupok pagdating sa kaniya. Hindi na rin naman kataka-taka 'yon lalo na at talagang minahal ko 'yung tao.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...