Dedicated to: Mikuvy_harmony @phattywanne @shinstellar @Veeloorah @pugnaeyP. S. share ko lang po ito. labis lang po talaga akong natuwa nang mabasa ko ito kanina. mas na-motivate pa po ako. thank you po! 💛
Unedited
Chapter 13
Naguguluhan ako sa nangyari. Okay lang naman sigurong maguluhan ako, hindi ba? Lalo na kung gano'n pa ang nangyari.
Hanggang sa makapasok ako sa bahay at sa mismong kwarto ko ay parang wala ako sa aking sarili. Pati nang nagbihis ako ay parang wala pa rin ako sa aking sarili.
Natagpuan ko pa ang sarili kong nakahawak kung saan ako hinalikan ni Tres. Takte, bakit parang uminit?
Nakakatuliro kasi 'yung ginawa ni Tres, amp!
Kakaupo ko pa lang sa aking kama nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at may pumasok sa loob. Nakita kong si Rox ito na may ngiti sa kaniyang labi.
Nakasuot pa rin ito ng suot niya kanina no'ng umalis kami. Siguro ay kadadating niya lang base sa itsura nito. Umupo ito sa aking kama kaharap ko.
Pusta, magkukwento na naman ito sa nangyari sa kanila ni Jake ngayong araw. Naging gawain niya na rin naman ito simula no'ng unang lumabas sila ni Jake hanggang ngayon. Masaya ako para sa kaniya kasi nakikita ko talagang masaya siya sa ginagawa nila ni Jake.
Basta masaya siya, masaya na rin ako. Mas masaya ako para sa kaniya.
"What's with your look, Nic?" She asked while looking at me.
Bakit? Anong mayroon sa itsura ko?
"What's with your face?" She asked me again.
Bakit? Anong mayroon sa mukha ko?
"Are you blushing?" I was about to shook my head when she clapped her hands. "No need to deny because I know na. You are really blushing..."
"N-No." Takte, nautal pa nga.
"Yes," giit nito na animo'y tama ang hula niya. Well, tama naman talaga pero ayokong umamin.
"No nga."
"Yes nga, e," she even rolled her eyes.
"Ah, bahala ka! Basta hindi nga, e," mariing tanggi ko rito habang nakakunot ang noo ko para magmukhang hindi talaga.
Pinaningkitan ako nito ng mata. "What happened ba?"
"Wala nga!"
"Hindi mo sasabihin sa akin? So, should I call Tres instead?" She was about getting her phone inside of her bag when I stopped her.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...