Chapter 37

552 17 0
                                    

Dedicated to: Miss_Failfection @tidussora0 SanaJhanz Akachanmo12 @Sanaxia

Unedited

Chapter 37

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rox.

Nandito na ito sa bahay ngayon. May trabaho raw si Jake ngayon kaya wala silang lakad ngayon. Dalawang araw na itong nasa bahay lang.

"Oo, gano'n ang sinabi niya, e." Sinabayan ko pa ito ng pagkibit ng balikat ko.

Nakwento ko kasi rito ang mga nangyari no'ng wala siya at aksidente kong nakwento sa kaniya ang nangyari nang gabing 'yon kaya 'yan, alam na niya.

Nadulas kasi ako at hindi ko 'yon sinasadya. Plano kong hindi isama 'yon sa pagkukwento pero wala, nadulas ako, e. Hindi ko namalayan na nakwento ko na rin pala.

Pinapanood ko si Uno na maglaro ngayon. Nasa may carpet na ulit ito rito sa loob ng kwarto ko. Nagkalat sa carpet ang mga laruan niya.

Puro mga cars at mga robots. Tipikal na laruan ng mga batang nasa edad niya.

Nadagdagan pa nga ito dahil binilhan din pa siya ni Zedrick tapos idagdag pa 'yung mga binili rin ni Tres. Nang nalaman kasi nitong binilhan ito ni Zedrick ay bumili rin ito agad. As in agad takaga. Doble sa bilang na bigay ni Zedrick ang binili niya.

Ewan ko ba roon, wala namang kompetensya pero parang nakikipagkompetensya siya kay Zedrick. Pansin ko lang naman, 'yon ang napansin ko.

"So, may kayo na ngayon?" Curious na tanong nito ngayon sa akin.

"Sabi niya," maiksing sagot ko, pinapanood pa rin si Uno.

Suot nito ngayon ang biniling damit sa kaniya ni Tres. Masasabi kong bagay ang nabili nito para kay Uno.

Sino kaya ang pumili, siya o si Uno?

"Weh?" Ewan ko ba kung nang-aasar ba si Rox o ano. At ewan ko rin ba kung bakit parang nagpapaasar din ako sa kaniya.

Ang dami naman kasing tanong. Daig pa si Tito Boy Abunda, e.

Siya na lang kaya ang pumalit kay Tito Boy. Mukhang pwede naman siya, e.

"Oo nga!" Medyo naiinis na sagot ko.

Kanina pa kasi akong paulit-ulit sa pagsagot ng mga tanong niya sa kadahilanang paulit-ulit din naman siyang nagtatanong.

Take note, paulit-ulit lang din naman ang tanong niya kaya medyo nakakainis na.

I-record ko na lang kaya ang sagot ko tapos ibigay ko na lang sa kaniya para matigil na siya. Doon na lang niya pakinggan, kahit ilang beses pa niyang gawin.

Ngayon, alam kong inaasar na niya ako at alam kong tuwang-tuwa itong makitang naaasar ako sa ginagawa niya.

"Why are you inis na?" Natatawang tanong nito.

"Kasi nakakainis ka!" I rolled my eyes at her.

There, nasabi ko na.

She tilted her head as she watch my reaction while laughing.

What's funny, ha?

"So, kayo na pala tapos simula no'ng gabing sinabi niya 'yon ay hindi na siya nagpakita sa'yo. Miski mag-text sa'yo ay hindi niya ginawa. Gan'yan ba ang may 'kayo'?"

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon