Chapter 41

742 14 0
                                    

Unedited

Chapter 41


Nagpaalam na sina Mom na aalis daw muna sila. Napapansin ko nga na panay ang alis nila ngayon. Kinuha nga nila sa akin si Uno at isasama raw nila ito. Hindi naman umangal si Uno bagkus ay tuwang-tuwa pa ito.

Pati si Rox ay wala ulit dito sa bahay.

Punta ka sa bahay ko ngayon. Doon sa bagong bahay ko, ha?

Bakit? Anong meron sa bahay ni Tres ngayon?

Nag-ayos na lang ako para makapaghanda na. Pinapapunta ako, e. Alam ko na naman ang bahay na tinutukoy niya. Pinagsama na niya kami ni Uno noong nakaraan.

Maganda ang bahay niyang 'yon. Simple lang pero ewan, nagagandahan talaga ako.

Hindi naman ito gano'ng kalayo sa bahay nina Mom kaya nag-taxi na lang ako. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong sariling kotse.

Hindi naman nagtagal at nakarating na rin ako.

Sigurado ba siya rito? Mukha namang walang tao, e. Pumasok na ako sa loob. Nagulat pa nga ako at hindi ito naka-lock. Paano kung bigla itong looban, ha?!

I'm here na.

Nilibot ko muna ang tingin sa loob. Nadagdagan ang mga paintings na nakasabit sa wall.

Punta ka sa may garden sa likod.

Nasa garden ba siya?

Pagkarating ko roon ay nakita kong may naka-set up na mga pagkain sa maliit na table roon. Hindi lang 'yon, may nagkalat ding mga petals ng sunflower sa palibot nito.

Magde-date ba kami ngayon? Pero maghahapon na, ah. So, dinner date?

Ang ganda ng nakikita ko ngayon at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kilig ngayon.

Siya ba ang gumawa nito? Grabeng effort naman ang ginawa niya.

Nahigit ko ang hininga ko nang may biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Amoy pa lang ay alam kong si Tres na ito.

"Ang effort naman natin, ah..." Nakangising asar ko.

"Syempre." Mukhang hindi naman ito naasar sa ginawa ko.

Kumalas na ito sa akin at marahan niya akong hinila palapit sa maliit na table. Ipinaghila niya ako ng upuan kaya umupo ako. Umupo ito kaharap ko.

"Anong meron?"

"Wala lang..."

Hindi na ako muling nagtanong pa. Baka trip niya lang magganito.

"Wala ka bang trabaho?" Tanong ko habang sumisimsim sa juice. Nagsimula na kasi kaming kumain.

"Wala na. Tinapos ko na." Napatango-tango na lang ako sa sagot niya.

Hanggang sa matapos na kaming kumain ay hindi na ito umimik at talagang nakakapanibago ito.

"Okay ka lang ba?" I asked.

"Yeah."

"E, bakit ang tahimik mo naman diyan?"

"Kinakabahan lang..." Doon kumunot ang noo ko.

Bakit?

"Saan naman?"

"Dito..." Nagulat ako nang tumayo ito. Naglakad papunta sa akin.

Hinila niya ako patayo at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. Huminga muna ito nang malalim.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon