Dedicated to: @triciacerillo @mersiiigb @TaeSaJinBwii07 @shgrcvll @petal17
Unedited
Chapter 16
Parang kailan lang, first anniversary lang namin noong first year college kami pero ngayon, third year college na kami tapos third anniversary pa namin.
Kay bilis talaga ng araw.
Medyo excited na rin ako sa gagawin ni Tres. Lagi akong nasusurprise sa nga surprises niya sa akin. Very unexpected lang ng mga surprises niya sa akin.
After all, he's not Tres for nothing.
Malapit na siyang maging isang engineer habang ako, malapit na rin maging isang teacher. Yes, soon to be teacher ako. Hindi ko rin in-expect na magiging isang teacher ako. Hindi ko naman talaga ito ginusto, even in my dreams.
Pero nagising na lang ako isang araw at gusto ko na lang bigla maging teacher.
Expect the unexpected talaga.
Wait mo ako diyan mamaya sa room mo. I love you, baby!
From: Tangi
I automatically smiled when I read his message. Walang palya ang mga 'I love you's' niya at hindi naman ako nagsasawa. Never ko ata pagsasawaan 'yon.
Last period na namin ngayon at saktong vacant din namin kaya okay lang gumamit ng cellphone. Wala rin naman kaming magawa kaya halos lahat sa amin ay nagamit ng cellphone.
Itatago ko na sana ang cellphone ko nang bigla itong nag-vibrate. There's a new message so I opened it. Baka si Tres ulit ang nagtext.
Hi, Niccola! Pwede ba kitang makausap? I need to tell you something lang. Btw, this is Monica.
Bigla akong kinabahan sa nabasa ko. Bakit naman bigla ako gustong kausapin ni Monica? At bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang ayaw kong malaman 'yung gusto niyang sabihin? Pero hindi pwede. Kailangan kong malaman para maliwanagan ako.
Ayokong isipin nang isipin ang gusto niyang sabihin. Hindi ako patatahimikin ng isip ko hangga't hindi ko ito nalalaman.
Wala naman sigurong masama na makipagkita sa kaniya, hindi ba?
Sige, saan ba tayo magkikita?
Hindi naman nagtagal at nagreply agad ito sa akin. Tinext niya sa akin kung saan kami magkikita kaya hindi na ako nagreply pa. Wala na naman akong sasabihin, e.
"Pasaan ka, Niccola?" Tanong ni Xyra. Kaklase ko ito at katabi pa.
"Lalabas lang."
"Bakit? Nandiyan na ba sa labas ang tangi mo? Ang aga naman."
"Sira! Wala pa. May kikitain lang ako sa labas, okay?" Tumango-tango naman ito sa akin kaya nagpaalam na ako.
Nagpunta na ako sa lugar na sinabi ni Monica kung saan kami magkikita. Wala rin daw siyang klase kaya ngayon na lang daw.
"Hi..." hindi makatinging bati nito sa akin.
Wala naman akong dumi sa mukha, ah!
"Hello!" Ganting bati ko sa kaniya. "Bakit mo nga pala ako gustong makausap?" Agad na tanong ko sa kaniya. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa dahil 'yon din naman ang pinunta ko rito.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...