Dedicated to: @IshyKin @kimayedia @salveanne @blythe_rusco @lebaaaay
Unedited
Chapter 15
We are both graduating. Grade 12 kami pareho pero magkaiba ang strand. Ang strand niya ay STEM samantalang ang akin naman ay GAS.
Gusto kasi ni Tres ang maging isang engineer kaya STEM ang kinuha niya habang ako, heto at hindi alam kung ano ba talaga ang kukuhaning kurso pagdating ng college kaya GAS ang kinuha ko. Gano'n din si Rox, GAS din siya kasi nga magkaklase kami.
Ewan ko ba roon kung bakit GAS ang kinuhang strand, e alam na naman niya ang gusto niyang kurso. Kung saan ako magpunta o magsuot, laging nando'n at nakasunod sa akin.
Okay lang naman sa akin kasi sanay na rin naman ako sa kaniya. Kumportableng-kumportable ako kapag nasa tabi o nasa paligid ko lang si Rox pero alam ko namang dadating at dadating din ang araw na hindi na magiging ganito.
Pagtungtong namin ng college, sigurado ako na hindi na kami madalas na magkakasama lalo na kung magkaibang kurso ang aming kukuhanin. Medyo nalulungkot na nga ako kapag naiisip 'yon kasi nga sanay na akong nandiyan siya. Pero okay lang, gano'n naman talaga ang buhay.
Naisip kong magiging isang sikat na engineer si Tres, someday. Sigurado ako na magiging matagumpay siya at isa ako sa mga taong unang magiging proud sa kaniya.
Well, he's my engineer...
Gusto ko rin sana maging isang engineer kaso iniisip ko pa lang, ewan ko ba at parang nagiging komplikado na. Baka kasi hindi ko kayanin gan'yan tapos mauuwi lang din sa pagshi-shift ko ng course, e ayoko ng gano'n.
Kung ano ang nasimulan, dapat gano'n din ang magiging katapusan.
Kaya hindi na lang ako mag-e-engineer kasi mag-aasawa na lang ako ng engineer hehehe.
Ibinalita nga rin pala sa amin no'ng nakaraan ni Rox na sila na raw ni Jake and I am happy for them.
Nainis pa nga sa akin si Rox kasi bakit ko raw siya inunahan na magkaroon ng boyfriend. Pft!
"Aray ha!" Daing ko nang maramdaman kong may kumagat sa hintuturo ko. "Bakit mo kinagat, ha?" Tanong ko kay Tres habang inaagaw sa kaniya ang kamay kong hawak niya.
Hindi raw clingy pero clingy naman pala.
"Ano ba, akin na nga, e!" Naiinis na sabi ko. Ayaw kasing bitawan ang kamay ko e masakit nga 'yung kagat niya sa hintuturo ko.
Medyo mapula ang bahaging kinagatan niya. Medyo bakat din ang ngipin niya roon. Tae, talagang pinanggigilan pa ang hintuturo ko.
"Sorry, baby," nakangiting wika nito sa akin kaya mas lalo akong nainis. "Bakit gan'yan ang itsura mo, baby? 'Di ba nagsorry na ako..."
"May nagsosorry bang nakangiti pagkatapos saktan ang isang tao?" Sarkastikong sagot ko rito.
Siya kaya ang kagatin ko para maramdaman niya ang sakit!
"Ang cute mo kasi, baby. Talagang nakakagigil..." saad nito at marahang hinaplos ang bahaging kinagatan niya. Dinampian niya rin ito ng kaniyang labi kaya napaiwas ako ng tingin.
Tae, dapat naiinis ako, e. Bakit parang kinikilig na ako ngayon? Nasa'n ang hustisya ro'n?!
"You said, you are not clingy pero clingy ka naman pala." Maasar nga. Makaganti man lang kahit kaunti lang.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...