Chapter 11

448 24 0
                                    

Dedicated to: @duaneyyy @jmmanalansan @Miss_emandem @AngelBryan03 PatriciaCandol

Unedited

Chapter 11

Nasundan nang nasundan ang date 'kuno' namin ni Tres dahil sa sunod-sunod na date nina Jake at Rox. Sa tuwing magde-date sila ay kasama nila kami ni Tres. 'Yon nga lang, nakahiwalay lang sa kanila kaya nagmumukhang nagde-date rin kami ni Tres.

At sa sunod-sunod na pagkakataon na 'yon, hindi mawala-wala ang kakaibang tibok ng puso ko. Samahan pa ng kung anong naglulumikot sa loob ng tiyan ko.

Hindi ko alam kung normal ba 'yung nararamdaman kong ganito kahit na wala namang masyadong nangyayari sa aming dalawa. Wala namang kakaiba na nangyayari sa aming dalawa pero ganito kung mag-react ang aking sistema sa kaniya.

Nag-uusap kami, oo. Hindi naman mawawala 'yon lalo na at medyo may pagkamadaldal din siya. Hindi naman nakakairita 'yung paraan ng pagiging madaldal niya.

He talks a lot but in a nice and funny way. He's easy to be with also.

I can say that somehow, I'm more comfortable with him right now.

"Are you hungry?" He asked me as he clung my arm to his arm again.

Yes, it's more like his habit na. Whenever na lalabas kami gan'yan kasi nga gawa nina Jake at Rox, he's somehow being clingy but he always tend to deny it.

'He's not clingy because that's so gay' daw pero kabaligtaran naman ang kaniyang ipinapakita sa akin.

"Hmm...not really."

"Are you sure?" He asked me again as he gently touched my hand. Well, lagi niya rin naman itong ginagawa.

"Uh-huh..." I replied as I smiled a little.

Hindi na medyo gumagana ang palusot ko sa kaniya na 'nangangalay' ako gan'yan. Lagi siyang nagawa ng paraan para mahawakan lang ang kamay o kaya e braso ko kapag nangangalay ako.

One time pa nga nang sinabi ko sa kaniya na nangangalay na nga ako gan'yan, binitiwan nga niya pero lumipat naman siya sa kabilang kamay o braso ko at 'yon naman ang kaniyang hinawakan.

Medyo nasasanay na nga ako sa mga ginagawa niya sa akin. Minsan, parang hinahanap-hanap na ng katawan at mismong sistema ko.

Normal pa ba ang gano'n?

Sa tuwing naiisip ko na hindi na mangyayari ang ganito, may nararamdaman na akong kakaiba. Nandiyan 'yung bibigat ang pakiramdam tapos, sasabayan pa ng parang may kumukurot o tumutusok na kung ano sa bandang dibdib ko. Ewan, hindi ko na alam. Basta ang alam ko, masakit...

Sa isip ko pa lang 'yon, pero grabe na agad ang nararamdaman ko. Paano pa kaya kapag nangyari na talaga? Kapag dumating na talaga 'yung araw na 'yon? Makakaya ko kaya? Anong mangyayari sa akin?

Palaging maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit nasasaktan na kaagad ako.

Gano'n ba talaga sadya kapag sobrang nasanay ka na sa isang tao?

Naglakad-lakad na lang ulit kami habang nakaangkla ang braso ko sa braso niya. Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa kaniya.

Hahanap-hanapin ko kaya siya? Siguro? Nasasanay na ako sa kaniya, e.

Parang nakakatakot kapag nawala siya. Nasasanay na ako na nandiyan siya, e. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag bigla na lang nagkagano'n.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon