Chapter 26

532 16 0
                                    

Dedicated to: @denetneciv @pine2003 @volumetwo @nicsqt15 DewyDemoiselle

Unedited

Chapter 26

"Uno," tawag ni Rox kay Uno. Kinukuha ang atensyon nito. Tiningnan naman ito ng anak ko.

"Anong day ngayon?" Ngumuso lang ang anak ko sa kaniya. Marahil ay hindi alam ang isasagot sa tanong ng kaniyang Nanang.

"Birthday mo ngayon, 'di ba?" Pinanood ko ang reaksyon ng anak ko nang sabihin ito ni Rox sa kaniya. Nakita ko ang panlalaki ng mata nito at tumingin agad sa akin. Tumango naman ako para kompermahin ang sinabi ni Rox.

"Birthday! Birthday! Birthday!" He was chanting.

"Gusto mo ba bongga birthday mo?"

"No po. Want ko simple lang po, Nanang." Napangiti naman ako sa naging turan ng anak ko. Bata pa lang naman siya pero alam na niya ang gusto niya.

Starting today, he's now 4 years old. Can't still believe na lumalaki na siya. Parang kailan lang ay pinagbubuntis ko pa siya at namomoroblema pa ako kung paano ko siya palalakihin at kung paano namin malalagpasan ang mga araw na dadating sa buhay naming mag-ina.

Hindi naging madali para sa akin na buhayin siyang mag-isa. Wala naman naging masyadong problema in terms of financial. Nagamit ko rin naman kahit papaano ang natapos kong kurso na education sa Canada.

Pinapadalhan din naman kami nina Mom ng ibang pangangailangan namin. Minsan ay hindi ko na lang tinatanggap kasi gusto ko ngang tumayo sa sarili kong paa at medyo nahihiya rin ako. May sarili na akong pamilya kaya kailangan ay ako ang gumawa para sa aming mag-ina. Ayokong iasa sa kanila ang kaya ko namang gawin para sa aming dalawa.

Gusto kong buhayin ang anak ko mula sa sarili kong hirap at pawis. Gusto ko ay ako talaga ang gumagawa ng mga bagay para sa amin.

"Maybe, ito na ang time mo, Nic..." Napatingin ako kay Rox nang sabihin niya ito.

Nakangiti naman ito sa akin. Tila sinasabi sa akin na 'kaya mo 'yan, Nic. Nandito lang ako sa tabi mo'.

Siguro nga ito na ang panahon para magkausap kami ni Tres.

Pagkatapos naming kumain ay balak na naming dumiretso sa bahay nina Tres. Doon daw kasi gaganapin ang birthday celebration nito. Medyo kinakabahan tuloy ako. Baka kasi makita ko roon sina Tita. Almost five years ko ring hindi sila nakita.

Baka galit sila sa akin dahil sa ginawa ko. Okay lang, tatanggapin ko na lang ang galit nila sa akin. Kasalanan ko rin naman.

Lalong-lalo na ang galit ni Tres, tatanggapin ko 'yon. Tatanggapin ko ng buong puso.

"Where are we going, Mama?" Tanong ng anak ko habang inililibot ang paningin niya sa mga nadadaanan naming mga gusali.

Pinaharap ko ito sa akin. Kapwa nakataas ang dalawa niyang kilay sa akin. Tila inaabangan ang sunod kong gagawin. "I made a promised, right?" Uno nodded. "And what is it again?"

"Kita si Papa..." nakangusong sagot nito sa akin at bahagyang humilig sa bandang tiyan ko.

Pansin ko na naghihikab na ito. Inaantok na siguro. Hindi na rin naman nakakapagtaka 'yon lalo na at malayo ang ibinayahe nila ni Zedrick.

"Right. So, now, we will meet him together."

"Yehey!" Umalis ito sa pagkakahilig sa akin at humarap. Pumapalakpak ang kamay nito habang may ngiti sa kaniyang labi.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon