Dedicated to: @jnllblms @illegirr @bubbly_roses @alyrepys @XianOranto
Unedited
Chapter 30
Pagkatapos nang nangyari 'yon ay hindi na ito umimik para magbigay ng kaniyang reaksyon.
Masyado ata akong naging feeling close sa part na 'yon kaya gano'n.
Katabi pa rin nila ako ngayon. Pinapanood ang paminsan-minsang kulitan nilang dalawa. Masaya silang tingnan sa totoo lang. Masayang panoodin ang reaksyon ng anak ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Nasa hita pa rin ni Tres si Uno at nanonood pa rin sila sa tablet. Nanonood sila ng Mr. Bean. Kaya naman pala gustong-gusto nitong manood. Paborito kasi nito si Mr. Bean.
Nang nasa Canada pa kami, mahilig itong manood ng mga videos ni Mr. Bean sa YouTube gamit ang cellphone ko. Mabuti na nga lang at hindi niya masyadong nagagaya si Mr. Bean, e.
"Mama..." napatingin ako sa anak ko at nakita kong nakanguso ito sa akin habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan.
Mukhang alam ko na kung bakit ito ganito ngayon.
"Gowtum, Mama..." sabi na, e.
"Gowtum ka na?" Panggagaya ko rito.
"Mama, gowtum na." Napatawa ako nang mahina sa sinabi nito.
Kawawa naman ang baby ko.
"What do you want?" Nakangiting tanong ko rito.
"Carbonara!" Itinaas pa nito ang kaniyang kamay. Wala na ang pagnguso nito na kani-kanina lang ay halatang-halata.
"Okay, baby." Aalis na sana ako nang may humawak sa kamay ko.
Ramdam ko ang init mula sa palad nito. Napatingin ako sa kamay ko at sa taong humawak nito.
Nakita ata nito ang tingin ko kaya agad nitong binawi ang kamay niya.
"Pinapatawag ka sa akin ni Uno," mabilis na paliwanag nito kaya biglang napataas ang kilay ko.
"Why baby?" Tanong ko sa anak ko. He just pouted his lips.
"Balik ka agad, Mama."
"Copy, boss!" Pinanggigilan ko muna ang pisnge nito.
"Lapit ka, Mama." Sumunod ako sa tinuran ng anak ko.
Hinalikan nito ang pisnge ko. Hindi lang pisnge ko pati noo ko pa.
Such a sweet kid.
"So sweet naman ng baby ko..." I kissed his forehead then his nose.
"How about Daddy?" Inosenteng turan ng anak ko kaya napatigalgal ako.
Hala, ano...
Nagulat ako nang maramdaman kong may malambot na bagay ang dumampi sa parteng sentido ko. Hindi naman ito nagtagal pero nagdulot naman ito sa akin ng kakaiba.
Pati sa puso ko, nagdulot din ito ng kakaiba. Kakaibang bilis ng pagtibok.
Gusto kong lumingon at 'yon nga ang ginawa ko. Lumingon ako para malaman kung ano ang dumampi sa sentido ko at sumalubong sa akin ang mukha ni Tres. Nakatingin din ito sa akin habang bahagyang nakataas ang pareho niyang kilay.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...