Chapter 18

438 22 4
                                    


Dedicated to: AngelicaGlayRepollo @syntax_writer @CuteeIssMee @Manelportero @sarangshim86

P. S. Ang mga nagdaan pong mga chapters ay flashbacks po sa kung anong nangyari sa past nila. Simula po sa chapter 6 to chapter 17. So, pasensya na po kung naguluhan kayo hehehez.

Unedited

Chapter 18


"Tulaley ka na diyan, Nic.." gano'n ba kahalata?

"Hindi naman."

"Hindi raw pero obvious naman!" Kita ko kung paano umikot ang mata nito sa akin.

Ang taray, ha!

"Masyado ka lang maraming napapansin!" Inismiran lang naman ako nito.

Nandito kami sa bahay. Dito na ulit ito natutulog kasi 'namiss' niya raw ako at isa pa, 'sinusulit' niya raw ang mga araw na nandito pa ako sa Pilipinas kasi for sure na matagal na naman daw niya ulit akong hindi makikita kapag umalis na naman ako.

Ilang araw pa lang akong nandito sa Pilipinas pero naaalala ko na kaagad ang mga nangyari sa amin dati. Kung paano kami nagsimula at kung paano rin kami natapos.

Kung paano rin ako nasaktan...

Kumusta na kaya siya ngayon? Isa na kaya siyang ganap na engineer?

Napailing ako sa aking naisip. Ano bang tanong 'yon, Niccola? Walang duda na isa na siyang ganap na engineer ngayon. Sigurado ako na matagumpay na siya ngayon at masaya na.

Masaya na siya kasi may sarili na siyang pamilya.

Basta masaya siya, masaya na rin ako kahit hindi na ako. O kailan man ay hindi talaga naging ako...

Kumusta na kaya sila ni Monica? 'Yung anak kaya nila, kumusta na rin? Kamukha kaya niya 'yung anak nila? Kung nagkataon na lalaki ito tapos kamukha pa niya, tiyak na kasing gwapo niya rin 'to. Habulin din siguro ng mga babae 'pag laki nito.

Naku, huwag sanang magmana sa ama na nananakit ng damdamin ng babae.

Ayoko namang magtanong kay Rox tungkol kay Tres. Siguro dahil ayokong malaman kung ano na ang nangyari sa kaniya. Na siya, masaya na habang ako, heto at parang nakalugmok pa rin sa nakaraan namin.

Hirap naman kasing makaahon kapag gano'ng kalunod ka sa pagmamahal na binigay niya nang mga panahon na kami pa. Kung talaga bang pagmamahal 'yung binigay niya sa akin.

Ang hirap kapag lunod na lunod ka sa nakaraan. Ang hirap iahon ang sarili lalo na kung minahal mo talaga ng sobra 'yung tao.

Pero sadly, hindi niya ako minahal.

Ito ba ang epekto kapag namimiss 'yung tao? Hindi naman ako ganito sa Canada, ah. Naiisip ko rin pero hindi kasing dalas tulad dito sa Pilipinas. Siguro dahil dito nangyari sa Pilipinas ang kung anong namagitan sa amin.

Napangiti naman ako ng walang buhay. Hindi maiwasan na hindi makaramdam ng kirot sa aking dibdib. Parang naging mapait bigla ang aking panlasa.

Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. Siya kaya? Nasasaktan din kaya siya?

Patawa ka, Niccola. Malamang hindi. Ni hindi mo nga alam kung minahal ka ba talaga no'n, e.

Basta ako, alam kong minahal ko siya. Minahal man niya ako o hindi, okay lang. Wala, e. Gano'n talaga kalupit ang mundo kaya tatanggapin ko na lang kahit kabaligtaran ito sa gusto ko.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon