Chapter 31

540 19 0
                                    

Dedicated to: @willajim @batojesa @BACCARDIGLAMS @zavier_travis @rierie2004

Unedited

Chapter 31


Hindi ko maitatanggi na kabado ako ngayon. Nananaig ang kaba na aking nararamdaman ngayon kaysa sa ibang emosyon ko.

Pero kailangan ko itong harapin lalo na at ito na ang pagkakataon at oras naming dalawa ni Tres para pag-usapan ang tungkol sa nakaraan namin. Kung ano ba talaga ang nangyari. Para malinawan na kaming dalawa. Para siguro, matuldukan na rin ang nangyari.

Wala ulit si Rox ngayong araw. Kasama niya ulit si Jake. May inaayos daw sila. For sure, sa wedding nila 'yon. Nagpaplano na rin sila, pero wala pa ring date kung kailan ang kanilang kasal.

Hindi naman daw sila nagmamadali.

"Mama..." bumaba ang tingin ko sa anak ko.

Kagigising lang nito, nandito pa rin sa kama ko. Sa katunayan niyan, para ngang hindi ako nakatulog, e.

"Hmm?" Hinalikan ko ang noo nito.

"Papa?" Parang mas lalo akong kinabahan nang hanapin niya sa akin ang Papa niya.

"Pupunta raw siya later."

"Yehey!" Tumayo na ito at hinawakan na ang kamay ko. Hinila na ako nito paalis sa kamang hinihigaan namin.

Nagpatianod na lang ako sa hila niya. Dinala nito ako sa banyo at nagpahilamos na sa akin. Gusto niya raw mag-brush ng teeth niya kaya inabutan ko siya ng kaniyang toothbrush. Nilagyan ko na rin ito ng kaunting toothpaste.

May stool naman dito kaya rito siya tumungtong. Pinasadya ko ito dahil hindi niya abot ang sink dito sa loob ng banyo.

Sinabayan ko siya sa pagto-toothbrush. Hindi maiwasan na hindi kami magkulitan habang nakatingin kami pareho sa harap ng salamin.

Pagkatapos ay bumaba na kami. Medyo nagulat pa nga ako dahil nandito pala sina Mom and Dad. Pero mukhang paalis din naman sila base sa suot nila ngayon.

"Hi po, Grandpa, Grandma!" Masayang bati sa kanila ng anak ko nang makita niya sina Mom.

Kaagad namang ngumiti sa kaniya ang mga ito.

"Uno!" Bati sa kaniya ni Mom habang nakamasid lang sa kanila si Dad.

Lumapit na rin ako sa kanila at umupo malapit sa kanila.

"Aalis po ulit kayo?"

"Yes, Nic, business..." napatango lang ako sa sinabi ni Dad.

"We will go ahead na, Nic. Ingat kayo rito ni Uno, okay?" Paalam sa akin ni Mom habang nasa kaniya pa rin si Uno.

"Parang ayoko na tuloy umalis..." Napatingin ako kay Dad at nakita kong nakatingin ito sa anak ko.

"But you need to, Dad."

"Right!"

Humalik si Mom kay Uno bago ito lumapit sa akin. He kissed the top of my head.

"We are always here for you, Nic. Always remember that..." I just smiled at her.

I'm so lucky because I have them.

Bago sila tuluyang umalis ay yumakap muna si Dad kay Uno pati na rin sa akin. Pinanood muna namin silang makaalis ni Uno bago kami nagtungo sa kusina.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon