Chapter 6

853 37 6
                                    

Dedicated to: @steppy26  @neynelle @xXINNOCENTHEAXx  @brilioni leivity

Unedited

Chapter 6

"Tara na, Rox. We'll be late kapag hindi ka pa nagmadali diyan!" I shouted as loud as I can.

Bumaba ang tingin ko sa relong pambisig ko. Kasabay nang pagtingin ko rito ay ang pag-tap ng kanan kong paa sa sahig. Binabakayan ko talaga ang oras kasi kaunting oras na lang ay male-late na kami. Grabeng pagmamadali ang ginawa ko para hindi ako malate pero mukhang male-late pa rin ako dahil sa kasabay ko.

Ang bagal kasing kumilos!

"ROXANNE!" I shouted again by calling her name.

Hindi rin naman nagtagal pa ang aking paghihintay dahil lumabas na sa pintong aking tinitingnan ang aking hinihintay na tao. Iimik pa sana siya nang higitin ko siya bigla.

"Slow down, Nic!" Hindi ko siya pinakinggan. Panay pa rin ang imik nito habang hila-hila ko ang kanang braso niya pababa ng hagdan. Parang naging bingi ako dahil ang nasa isip ko lang ngayon ay makaabot kami sa unang klase para hindi malate.

Pagkasakay na pagkasakay namin sa kotse naming ay kaagad ko ng sinabihan si Manong na umalis na at kung maaari ay medyo bilisan niya sa pagmamaneho.

"Why so taranta ba, Nic?" Inosenteng tanong sa akin ng katabi ko. Hindi ko na lang ito pinansin. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Pilit pinapakalma ang sarili sa nangyari.

Hindi maaaring malate kami ngayon. May exam kami kaya bawal talagang malate at kapag hindi ka nakakuha ng exam, wala ng chance para matake mo yung exam na 'yon dahil 'yon ang isa sa policy namin. Ayoko pa namang magkaroon ng kulang.

Ayoko na ayoko.

"Hey, Nic, pansinin mo naman ang beauty ko here. Huwag mong deadmahin ngayon kasi ilang oras ko rin tong ginawa—" natigil ito sa pagsasalita nang balingan ko ito ng tingin at alam kong kaya ito napatigil ay dahil may kakaiba na sa tingin ko.

After seeing it, she just looked down. Panay din ang pagsinghot nito. Nagpakawala tuloy ako ng isang malalim na buntong-hininga.

"Rox..." I called her. "Roxanne..." this time, tumingin na siya sa akin. She knows that I hate repeating myself and she also knows that when I called her by her name, I am serious.

"Sorry, Nic..." gamit ang maliit niyang boses ay sinabi niya ito sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko. "I know that you really hate waiting lalo na kapag may pasok then, I've made you waited for me..."

I remained quiet.

"Sorry na talaga, Nic! Never ko ng uulitin talaga!" Sinabayan niya pa ito ng pagtaas niya ng kaniyang kanang kamay.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya ngayon. Really, ha?

"Ows?" Hindi naniniwalang tanong ko sa kaniya.

"Promise na nga, e, Nic! I won't do it again..."

"How sure are you?" I asked.

"Uh..." I cut her off.

"You don't know, kasi nga you can't do it. Okay lang naman na magwait ako sayo, anytime. Ang akin lang, sana, kapag alam mong may ganito, medyo agahan mo ang gising mo para tapos ka na kapag aalis na tayo. Be cooperative, Rox. Hindi lahat worth it pagdating sa paghihintay." I don't know kung bakit ko nasabi 'yung line na pahuli. Kusa na lang kasi itong lumabas sa bibig ko.

"Opo. I'll try my best. My very best to do it next time. So... bati na tayo?" I nodded. As if naman na kaya kong magalit sa babaeng 'to. Hanggang inis at tampo lang ang nagagawa ko, e. "By the way..." napalingon naman ako rito na nagtatanong. "About doon sa huli mong sinabi, para sa akin ba talaga 'yon o para na sa'yo?"

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Of course, para sa'yo 'yon! Bakit naman magiging para sa akin?" Naguguluhang tanong ko rito.

"Para sa akin ba talaga? Bakit parang hindi lang para sa akin? Bakit parang double meaning na?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin. Nakuha pa nitong ipaharap ako sa kaniya kaya ngayon, kaharap ko na talaga siya. Nakatagilid ako sa pagkakaupo ko at gano'n din siya.

"A-Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Hindi ko alam kung bakit nautal pa ako.

"Let say... para nga sa akin tapos para rin sa'yo!"

"Hindi nga, e. Para sa'yo nga yon, e!"

"Aminin mo na kasi, Nic. Wala namang mawawala, hello!" Pangungulit nito sa akin so, I just rolled my eyes at her.

"Hindi ako aamin kasi wala naman akong dapat aminin," umayos na ako ng pagkakaupo ko habang siya ay nanatili pa rin sa gano'ng pwesto.

"Sabi mo, hindi lahat worth it pagdating sa paghihintay so, suko ka na rin? Hindi mo na siya hihintayin?"

"Pinagsasabi mo diyan, Rox? Sari-sari ka na!" Natatawang pagmamaang-maangan ko sa kaniya.

"You know what I mean, Nic at kilala mo rin kung sino ang tinutukoy ko. Ikaw ang mas higit na nakakakilala sa kung sino man ang tinutukoy ko..."

I turned to look at her again. "I-I dont know, Rox. I dont know..." I answered, almost a whisper.

"So, stop on liking him, Nic. That's the only way you can get rid your feelings for him," concerned na sagot nito sa akin.

As if naman na ganon lang yon kadali.

"You know how many times I tried that, Rox. I tried so many times but nothing happened. Parang mas lalo lang lumala 'yung pagkagusto ko sa kaniya..."

"I know that, Nic. I am with you kaya!" She said as she rolled her eyes at me. Back on being conyo again. "But you know what... I have this feeling na talagang masasaktan ka sa taong' yon. I am not against naman, e. Feeling ko lang talaga. Gut feeling gano'n but don't mind me na lang. I'll always support you!"

I just answered her with a smile. Hindi na lang din ako nagkomento pa sa sinabi niya kasi may punto naman talaga. Hindi lang naman siya ang nakakaramdaman no'n. Me too, as well. Feeling ko rin talaga ay masasaktan at masasaktan ako sa taong 'yon but here I am... can't help myself to stop liking him.

I just can't and why was that?

Maybe, I should start dating someone para hindi ko na siya magustuhan? I should start entertaining someone para mawala na 'to? Baka sakaling kapag gumawa ako ng mga paraan para malibang ako at hindi ko na siya maisip pa ay talagang makatulong na sa akin para tuluyan ko na siyang makalimutan, lalong-lalo na itong nararamdaman ko na umuusbong para sa kaniya.

And I think, it is a sign. I'll take this a sign na talaga para tigilan ko na. Wala rin namang mararating, e. Wala rin namang mangyayari.

I should start to move on kahit na walang kami. Kahit na ako lang 'yung may feelings para sa aming dalawa. Wala naman sigurong masama kung magmomove on din ako kahit sa umpisa pa lang, wala na talaga kaming naging relasyon. Naniniwala ako na para naman sa lahat ang pagmomove on.

Hindi naman para sa kaniya itong gagawin ko at para sa akin naman. Ngayon, sarili ko naman ang uunahin ko... ang mamahalin ko.

Itutuloy...

_

A/N: If you like this update, don't forget to vote and comment! Thank you!!!

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon