Chapter 40

577 14 0
                                    

Dedicated to: @ImiiKenji robertodelacruz384 @ElloMelloEvery @fantastic08 habe_raine


Unedited

Chapter 40

Aminado akong nagulat sa sinabi sa akin ni Tres na siya ang nagpapadala sa akin ng mga mensahe simula nang nakabalik ako rito sa Pilipinas. May naging kutob akong siya pero agad din namang nabura noong nakita ko ang phone number niya na binigay sa akin ni Jake.

Hindi ko lang inaasahan na may isa pa pala itong number na ginagamit at 'yon ang ginamit niya para lang ma-text ako simula nang nakabalik ako.

At mas lalong hindi ko inaasahan na lagi na itong magpapadala ng mga mensahe simula noong nag-usap kami. Simula noong sinabi ko sa kaniya na kahit papaano ay magsabi siya sa akin. Talagang nagulat lang ako kasi hindi ko inaasahan na gano'n ang gagawin niya.

Sapat na naman sa akin ang isang mensahe lang gan'yan pero hindi ko lubos na inaasahan na halos maya't-maya siya kung magpadala. Kulang na lang ay kulitin niya ako. Sabagay, parang gano'n na rin naman ang ginagawa niya.

Kinukulit niya ako sa text kapag hindi agad ako nakakapagreply. Hindi ba siya busy?

Kaya nga hindi ako mabilis mag-reply kasi inaalala kong may trabaho siyang ginagawa. Busy siyang tao kaya kahit papaano, pinipigilan ko ang sarili ko kasi ayokong makaabala sa kaniya.

Ayokong maging abala kahit na kanino kahit na sabihin pa nitong okay lang.

Minsan pa nga ay tinatawagan pa ako nito kahit nasa kalagitnaan sila ng meeting. Gusto niya lang daw mapakinggan ang boses ko pati paghinga ko. Ang weird niya, hindi ba?

Kaya madalas, si Uno ang pinapakausap ko sa kaniya. Lagi rin namang tinatanong sa akin ni Uno ang ama niya.

"Mama..." Lumapit sa akin ang anak ko. Paharap itong umupo sa may kandungan ko. Hinawakan nito ang mukha ko.

"Yes, baby?" Mahinahong tanong ko. Marahan kong pinisil ang kaniyang magkabilang pisnge.

Nakakagigil kasi...

"Aalis pa po ba tayo?" Bigla tuloy akong napaisip sa naging tanong sa akin ni Uno.

My initial plan was not staying here for good. We have our own life sa Canada at kung maaari, gusto kong doon na lang muna pero napag-isip-isip ko rin na hindi ko naman pwedeng ilayo si Uno kay Tres ng mahabang panahon lalo na at halos ngayon lang din sila nagsamang mag-ama.

Ayokong alisin ang kasiyahan nilang dalawa dahil sa gusto kong mangyari.

Ngumiti ako sa batang kaharap. Hinalikan ko muna ang kaniyang noo at ilong bago ito muling tiningnan.

"Gusto mo pa bang...umalis dito?" Maingat na tanong ko.

Hangga't maaari, ayokong biglain ang bata. Isa pa, kung gusto niyang manatili rito sa Pilipinas kasama ang ama niya ay wala naman itong kaso at problema sa akin.

Basta kung saan masaya ang anak ko ay doon ako.

"Ayaw ko po..." Nakalabing sagot nito sa akin kaya hinawakan ko ang labi niya.

"Bakit naman? Ayaw mo na ba sa Canada?"

"Hindi naman po," sinabayan niya pa ito ng pag-iling. "Dito si Papa kaya mas gusto ko po rito."

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon