Chapter 1

269 65 140
                                    

     Maririnig ang mga kalansing ng mga pinggan sa buong paligid, mga kobyertos at basong gamit sa restaurant na iyon. Sa isang sulok ng kusina ay naroon ang isang dalagang nakasuot ng apron at nakaharap sa lababo.
     "Jane, dalian mo na d'yan marami pa dito, oh." Sigaw ng isang babaeng may katandaan na.
     "O-opo, madam." Tugon naman ng dalaga.

     Dali- daling tinapos ni Jane ang mga hugasin sa lababo at agad pinuntahan ang pwesto ng matandang tumawag sa kanya kanina. Nang bumalik ang dalaga sa lababo ay tangay- tangay nito ang patong-patong na plato, sa dami ng mga platong iyon ay muntik ng matakluban ang mukha ng dalaga.

     Inilapag niya ang mga iyon sa counter at agad inumpisahan ang paghuhugas. Hindi pa man nangangalahati ang dalaga ay sandamakmak na hugasing baso naman ang inilapag sa tabi niya ng kanyang kasamahan.

     "Jane, okey ka lang ba d'yan?"
     Ngumiti ang dalaga at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

     Alas siyete na ng gabi ng hubarin ni Jane ang suot na apron, nakahinga na ng maluwag ang dalaga dahil sa wakas ay natapos din ang shift niya. Dapat ay alas-singko ng hapon lang ang oras niya sa restaurant na pinapasukan. Pero dahil araw ng sabado pinili niyang mag overtime. Sayang naman ng kikitain, pandagdag na sa allowance niya 'yon.

     "Jane, sandali lang.. Wait mo'ko." Tawag sakanya ng lalaking halos ka-edad niya lang.

     "Sige hintayin kita sa labas," tugon niya dito.

    Nagpauna ng lumabas ang dalaga para doon maghintay. Makalipas ang ilang sandali ay natanawan niya ang kasamang papalabas na din, may bitbit itong supot.

     "Iuwi mo na daw to sabi ni madam, para di kana bibili ng pagkain mo sa boarding house."

     "Talaga? Ang bait talaga ni madam," tuwang wika ng dalaga.

     "Tara na, baka maiwan tayo ng bus," yaya sakanya ni Klint.

     Matagal na silang magkaibigan ni Klint, kaya komportable na sila sa isa't-isa. Minsan napagkakamalan pa silang mag jowa dahil sa sobrang sweet nila sa bawat isa.

     Nang makasakay ng bus ay agad naupo ang dalawa sa makatabing upuan, naglabas ng headset ang binata isinaksak sa cellphone ang dulo saka ibinigay sa kanya ang kalahating earpiece. Isang acoustic music ang pumailanlang sa pandinig ng dalaga.

     Pati ang gusto niyang genre ay alam na alam na din ng kaibigan. Bahagyang inantok si Jane kaya naman inihilig niya ang ulo sa balikat ng kaibigan. Hinawakan naman nito iyon bilang suporta para hindi maalog habang tumatakbo ang bus.

     Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman ng dalaga ang pagtapik sakanyang balikat.

     "Jane, gising na malapit ka ng bumaba."

Agad namang nagmulat ang dalaga at inayos ang sarili. Nang maramdaman ang pagtigil ng bus ay tumayo na agad ang dalaga.

     "Text ka pag nakarating ka na sainyo," bilin niya sa kaibigan.

     "Lagi naman, sige na baba na at nakaharang ka sa daan," anang binata.

     Agad na lumakad ang dalaga pababa ng bus. Nag flying kiss pa siya sa kaibigan bago tuluyang tinahak ang daan pauwi ng boarding house niya.

     Naisip niyang dumaan muna sa convenience store para bumuli ang sabon at shampoo. Baka sarado pa bukas ang mga tindahan kaya bibili na siya ngayon pa lang. Madaling araw ang alis niya bukas para pumunta sa sunday job niya. Habang naglalakad ay kinakapa na ni Jane ang wallet niya para pag dating sa counter ay ready na ito.

     Hindi pa man tuluyang nakakapasok ang dalaga nang makuha ang kinakapang wallet sa bag, agad na niya itong inilabas, nagmamadaling isinukbit niya ang bag sa balikat at tuluyang pumasok sa loob ng convenience store.

     Pagkatapos mamili ng mga kailangan ay nakaramdam ng pagkalam ng sikmura ang dalaga kaya minabuti niyang kumain ng instant noodles.

     Nakapwesto na siya as isang lamesa, dala ang noodles at biskwit na siyang ilalaman niya sa sikmura bilang hapunan ngayong gabi. Bukas na lang niya kakainin ang ipindalang pagkain sakanya kanina sa restaurant.

     Habang kumakain ay napansin ng dalaga ang isang itim na van na pumarada sa tapat ng convenience store. Iniluwa nito ang isang lalaking mahigit anim na talampakan yata ang taas, matipuno ang katawan at mukang koreano ang itsura.

     "Gwapo" anang isip niya.

     Muntik na siyang mabulunan ng marinig ang boses nito. Nakalapit na a gas mask ito sakanya at kinakausap siya.

     "Hi, can I sit here? " Tanong ng lalaki.

     Kinakabahang ngumiti ang dalaga saka marahang tumango.

     Ilang higop pa lang ang nagagawa niya sa biniling noodles ay napilitan na siyang tumayo. Panay kasi ang tingin sakanya ng katabi. Nanghihinayang sana siya sa iiwang pagkain kaso, hindi din naman niya kayang lunukin pa iyon dahil sa lalaking nakisalo sa upuan niya.

     Nagmamadali siyang tumayo at malalaking hakbang ang ginawa niya para tuluyang makalayo sa lugar na iyon. Lalo pa niyang nilakihan ang hakbang dahil paglingon niya ay tila hinahabol siya ng lalaki kanina. Kinain ng sobrang takot ang dibdib niya, bakit naman siya hahabulin ng lalaking iyon? Hindi naman sila magkakilala.

     Sa muling paglingon ng dalaga ay patakbo na siyang hinahabol ng lalaki, wala siyang maisip na gawin kundi ang tumakbo na lang din para makalayo ng lubusan sa lalaki. Lahat na yata ng kanto ay nililikuan ng dalaga, pinipilit niyang iligaw ang lalaki para hindi na siya masundan pa nito.

     Nang matanawan ang gate ng kanyang inuupahan ay mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo, agad siyang pumasok sa loob at inilock ang gate, nang makapasok sa boarding house ay sumilip pa siya sa bintana ng kanyang kwarto. Hindi niya muna binuksan ang ilaw para aninaw niya ang nasa labas. Nasa ikalawang palapag ang kwarto niya kaya naman tanaw niya ang sinumang nasa labas ng gate.

     Nakapa niya ng mahigpit ang dibdib ng makita ang isang humihingal na lalaki sa labas ng inuupahang bahay, ang lalaki sa convenience store. Nagpapalinga-linga ito at tila may hinahanap. Natutop ni Jane ang bibig pinipigilan ang sariling 'wag mapasigaw.

     "Ako ba ang hinahanap ng lalaking ito?"Aniya sa sarili.

     Nakita niya ang apat na lalaking pare-pareho ang suot na damit, magkakaiba lang ang mga kulay nito. Lumapit ito sa lalaking humahabol sakanya. Nag usap-usap ang mga ito saka magkakasamang umalis pabalik sa direksyon ng convenience store.

     Hindi naman makapaniwala ang dalaga sa nakita, sindikato yata ang mga iyon at gusto siyang mabiktima. Parang nauupos na kandilang nahiga ang dalaga sa kama, iniisip ang mga nangyari. Hindi siya makapaniwalang mararanasan ang bagay na iyon ngayong gabi.

     Kailangan niya ng doble ingat.

     "Lord, salamat hindi nyo ako pinabayaan.. " usal ni Jane.

Dahil sa matinding pagod, nakatulog ang dalaga ng hindi na namamalayan.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon