Chapter 27

23 8 0
                                    

     Inaayos ni Brayden ang suot na business suit habang buong kisig na binabagtas ang hallway papunta sa VIP pass, kasunod ng binata ang secretary niyang si Ms. Kim at ang apat na body guard.

    Papunta siya ngayon sa isang inaguration ceremony na gaganapin outside the City. Siya ang naimbitahan mag speak bilang youngest Multi-billionaire and highest gross earner sa buong bansa.

     Nasa tapat na siya ng VIP pass ngunit napakunot ang noo niya ng makitang nasa 6th floor level ito at pababa. Indikasyon na may nakasakay sa loob niyon.

     "Ms. Kim, meron ba tayong VIP na dumating ngayon?" kunot noong tanong ng binata sa sekretarya.

     "Wala po sir info, at wala din pong VIP data na pumasok sa tablet ko, " nagtataka ding sagot ng sekretarya.

     "Then who is the VIP riding the elevator today? Unless it was a family member hindi talaga mag registered sa database mo yan." Nasa level four na ngayon ang elevator.

     "I'll call the technical department right now sir," pagkasabi niyon ay umalis ito sa harap ng binata at may tinawagan. Pagkatapos ng ilang sandali ay muling bumalik si Ms. Kim sa harap ng amo.
"Sir, according to the data from the cctv inside the VIP pass, a woman with a short hair is riding the Elevator right now, She used the VIP passcode via retenal recognition."

     "Retenal recognition? Ibig sabihin she's part of the family—" napatda ang binata sa realization na iyon. Tiningnan niya ang numero sa tapat niya "3rd floor" ang nakalagay. Walang sabi-sabing tinakbo niya ang ordinaryong elevator at sumakay, pandalas ang pag pindot niya sa close button niyon hanggang sa magsarado ng tuluyan ang pintuan niyon.

     "Sir! " tawag pa ng kanyang sekretarya, ngunit huli na para pigilan pa siya nito.

     Malakas ang kutob ng binata na si Jane ang sakay sa elevator na iyon, kaya kailangan niyang magmadali para maabutan ito.

     Kulang nalang madurog niya ang button ng elevator sa paulit- ulit na pag pindo. Nasa ground floor na siya pero napakabagal magbukas ng pintuan ng elevator.

     Nagulat pa ang lahat ng empleyadong nabungaran niya nang sa wakas ay iluwa siya nang sa pakiwari niya'y mala pagong sa bagal na elevator.

    Pinuntahan niya ang VIP pass ngunit nadismaya siya ng makitang bukas na iyon at wala ng tao sa loob. "Damn!" he cursed.

     Nagpalinga-linga siya sa paligid sa pag-asang makikita ang asawa. Hanggang makarating siya sa exit door ng kumpanya. Hingal na hingal siyang napahawak sa mga tuhod, wala siyang inabutan doon kundi ang kotseng paalis na pero hindi naman niya maaninaw ang nasa loob dahil tinted ang mga bintana nito.

     Nanlulumong napa luhod ang binata sa pagod habang patuloy na nag hahanap ang mga mata.
"Jane, where are you? " usal niya sa sarili. Dalawang taon niyang hinintay ang araw na muling magpapakita ang asawa, dalawang taon na din siyang halos mabaliw sa kakaisip kung nasaan ito, kung nasa maayos ba itong kalagayan.

     Hindi napigilan ni Brayden ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata, yumuko siya para itago ang mga luhang iyon. Luhang matagal na niyang sinasarili at ikinukubli mula sa paningin ng mga tao.

     Who would have thought that this high and mighty Brayden Lee was actually a lonely and miserable inside, he's missing his wife like crazy. But he can't do anything about it because he's guilty of the reasons why she left him.

     Simula nang gabing may mangyari sakanila ni Eve Montecarlo parang bangungot na sakanya ang mga sumunod na nangyari. After losing his son, she also lost his wife para siyang masisiraan ng ulo pero hindi lang doon natatapos ang lahat dahil pagkatapos ng tatlong buwan, Eve told him that she's pregnant.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon