"Sa wakas makikita ko na ulit ang traffic sa labas" wika ni Brayden na kanina pa nakagayak sa paglabas ng ospital.
Natatawang isinara ni Jane ang zipper ng bag na naglalaman ng mga damit nila. Ngayon ang araw ng paglabas nito sa ospital pero ang alam ng media ay bukas pa. Ayaw nilang pag piyestahan ng mga reporter na siguradong mag uunahan sa pag interview sa kanyang asawa.
"Ma'am, ready na po ang sasakyan sa baba. " sabay pa silang napalingon sa pinagmulan ng boses na iyon.
"Thank you, Lars," ani Jane.
"Let's go honey."
Hindi na hinintay pa ni Brayden na sumagot ang asawa. Kinuha na agad niya ang kamay nito at nag umpisang mag maglakad palabas ng kwarto, si Lars at tatlo pa nitong kasama ang nagbitbit ng mga gamit nila.
Pagdating sa bahay ay agad nilang tinungo ang dating silid na kanilang inuukopa two years ago. Nagtaka ang dalaga dahil tila hindi iyon nagamit, walang pinagbago ang ayos noon, napalitan lamang ang bedsheet at punda ng unan.
"Did you miss this room?" Hindi napigilang tanong ni Brayden sa asawa.
"Yeah, it looks exactly the same before I left."
"You're right, because I haven't used the room since you left. I just come in here to change the beddings."
"But.. what about her?" She was referring to Eve.
"She stays in the guest room, both of us. In separate room of course."
"What? Really?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Jane. Kaya naman pala gano'n na lang ang pagkahibang ni Eve. Hindi pala din nito tuluyang nakuha ang gusto.
"Why? You don't believe me?"
"Oh, I'm sorry. Of course I believe you, hon."
"I love you so much, hon. I will not allow anyone to ruin our memory inside this room. I'm sorry if I made a mistake to you before, please forgive me."
Nilapitan ni Jane ang asawa. Kinuha niya ang kamay nito at mahigpit na hinawakan. " I was the one to blame for why we have been separated for so long."
" No, I was the one who made a mistake. Something happened between me and Eve.. and she got pregnant," paliwanag ni Brayden.
Walang lakas ng loob si Jane na sabihin kay Brayden ang totoo. Mas minabuti na lang niyang manahimik muna, pakiramdam niya ay wala siya sa posisyon para ipaalam dito na hindi ito ang tunay na ama ng batang ipinagbuntis ni Eve.
Masasaktan panigurado ito sa katotohanang iyon kaya mas pinili ni Jane na huwag munang ipaalam dito.
"It's okay honey, I forgave you."
"I love you, but I would like to ask you one more thing, honey."
"A-ano 'yon?"
"Alam kong napakalaki ng naging kasalanan ko sa'yo dahil sa nangyari sa'min ni Eve. Pero mahal na mahal ko ang naging bunga ng pagkakamaling iyon. I love my daughter very much, sana matanggap mo siya."
Muling hinigpitan ni Jane ang pagkakahawak sa kamay ng kabiyak. Wala siyang maisip na sasabihin dito. Matagal na niyang tinanggap ang batang iyon bilang anak ni Brayden. In fact, ang batang iyon ang isa sa naging motivation ni Jane para makayanan ang buhay na malayo sa asawa.
Pinili niya ang mamuhay malayo kay Brayden dahil gusto niyang magkaroon ng pamilyang buo ang batang iyon. Alam niya kung gaano kahirap mabuhay ng walang mga magulang sa tabi. At ayaw niyang maranasan iyon ng bata. Kaya mas pinili niyang mamuhay sa malayo.
"I know the feeling of not having a parent. So I choose to live far away from you, so that Genivieve could have a whole family." Humigit ng isang malalim na hininga ang dalaga bago muling nagsalita. " I have something to tell you, honey."
Curious namang napakunot ang noo ni Brayden. " What is it, hon?"
"I know how much you love that child but I want you to know the truth," nag aalangang ani Jane.
" What? c'mon, honey. You're making me nervous right now."
"I- I'm sorry. Forgive me because you'll know about this from me. But you deserve to know the truth. I found out from Eve that you're not Genevieve's real father."
"What? What are you talking about? That's not true."
" I'm sorry, honey."
"Are you serious? Is this real?"
"Eve told when she came to me that day, I know I shouldn't be the one to tell you about it but you deserve to know the truth, honey. I'm so sorry."
Napahawak ang binata sa ulo nito at pasabunot na hinahawakan ang sariling buhok. Biglang sumakit ang kanyang ulo sa nalaman. Hindi matanggap ng kanyang utak ang mga sinasabi ni Jane.
Pabalik- balik na nagpapalakad-lakad si Brayden sa harapan ni Jane. Pilit na sinusubukang intindihin ang mga narinig ngayong gabi pero mas lalong sumasakit ang ulo niya.
Sinalubong ni Jane ng yakap ang asawa. Nahahabag siya dito. "I'm so sorry, honey."
"I can't believe I was fooled like this." He said in a raspy voice. "I endured to be with that woman for two years."
"I know, I was so surprise when I found out about this." She said sincerely.
Nakita ni Jane ang pangangalit ng bagang ni Brayden. Indikasyon iyon na labis ang nararamdaman nitong pagpipigil ng galit. Mas lalo niyang niyakap ng mahigpit ang binata at marahang hinimas ang likod nito.
Brayden felt a sudden comfort. Ang init ng palad ni Jane sa kanyang likuran ay nagpapakalma sa nagpupuyos niyang galit.
"Magpahinga ka na muna, honey. Hindi makakabuti sa pagpapagaling mo ang mga isiping kagaya nito." Ani Jane. Iginiya niya ang asawa patungo sa kanilang higaan.
"I'm sorry for letting this happen—,"
"Sshh!" Putol ni Jane sa iba pang sasabihin ng asawa. "Let's not talk about it for now. You need to rest. So that you'll have the energy to deal with it, okay?"
Kinumutan pa ni Jane ang asawa para mas kumportableng makapamahinga. Tatayo sana siya para patayin ayusin ang mga gamit nila mula sa ospital pero hindi siya hinayaan ni Brayden na umalis sa tabi nito.
"Please, stay with me. Don't go anywhere."
Ngumiti ang dalaga at nahiga sa tabi ng kabiyak. Kinabig niya pa ito palapit sakanya at parang baby na pinahiga sa kanyang mga braso. Isinubsob naman ng binata ang mukha sa dibdib ni Jane.
"I love you, Mrs. Lee"
"I love you too, honey."
"I love you so much."
Sa halip na tumugon ay maliliit na halik sa noo ang ibinigay ni Jane dito. Alam niyang hindi madaling tanggapin ang katotohanang natuklasan nito. Pero ngayong nandito na muli si Jane sa tabi ng asawa. Tutulungan niya itong maka moved on hanggang sa tuluyan na nitong matanggap ang masakit na katotohanang iyon.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romantizm"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...