Chapter 20

51 32 6
                                    

     "Hello, gorgeous!"

     Napaangat ng tingin si Brayden ng marinig ang boses na iyon mula sa pintuan ng opisina. Napakunot ang noo niya ng makita kung sino ang bagong dating na iyon.

     "Why are you here?" Matabang niyang sagot.

     "Well, I just wanna inform you personally that starting tomorrow mag-kaworkmate na tayo,"nakangiti nitong pag- aanunsiyo.

     Napakunot ang noo ng binata. "Why is that?" Takang tanong niya.

     "I requested it, my dad wants me to learn how to handle our business properly and he decided na dito ako sa office mo mag start. Magaling ka daw kasing teacher."

     Mr. Montecarlo was a good friend of his father and infact they were in good terms also mabait ang ama nito at father figure din niya. Wala naman siyang nakikitang masama kung doon ito mag tatrabaho.

     "It's okay, I will not disagree with that," walang ganang sagot niya sa kausap saka muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa. "As long as business matter ang pag-uusapan natin, I will not oppose."

     Lumapad ang ngiti nito sa tugon niya. "So it means lagi tayong magkikita, sir?" makahulugang anito.

     Napaangat muli ng tingin si Brayden at matamang tinitigan ang kaharap. Inilapat niya ang likod sa swivel chair saka namulsa.

     "Ms, Montecarlo I respect your father's decision na magtranaho ka dito sa kumpanya, this is a company and not a playground. So, if your plan is just to play around here mas mabuti pa sigurong sa ibang lugar mo na lang gawin 'yon," seryoso niyang pahayag.

     Nawala ang ngiti sa mapulang labi ni Eve, sinadya niya pa namang papulahin iyon para maging kaakit-akit sa paningin ng binata kaso parang deadma yata.

     "Bakit ba ang seryoso mo lagi, wala naman akong ibig sabihin sa sinabi ko."

     "Mabuti na 'yong malinaw para hindi tayo magkaproblema sa huli."

     "Don't worry boss, I'll behave promise,"mapanukso nitong sabi.

     Tiningnan ni Brayden ang suot na relo, pasado alas tres na ng hapon, maaga pa sa oras ng uwian pero ipinasya ng binatang umuwi na. Dadaan pa siya sa bilihan ng cake, para pasalubungan ang asawa ng gusto nitong moose cake.

     "Aalis ka na agad?" takang tanong ni Eve ng makitang tumayo na ang kausap at kinuha ang susi ng sasakyan na nakapatong sa ibabaw ng table nito.

     "My wife is waiting for me, bibili pa ako ng pasalubong kaya uuwi ako ng maaga."

     Hindi pa man nakakasagot si Eve ay tumalikod na ang binata, dinig pa niya ang pagmartsa nito sa likod kasunod niya. Pinagtitinginan na sila ng ibang empleyadong naroon, bagamat nakayuko ang mga ito sa tuwing mapapatapat sakanya ay hindi nakaligtas sa pandinig niya ang mga bulong-bulungan ng mga ito, bagay na kinaiinisan ng binata. Pero hindi siya sa mga empleyado naiinis kundi sa babaeng nakabuntot sakanya.

     Nang marating niya ang hallway kung saan naroon ang mga hilera ng elevator ay pumasok siya sa VIP pass kung saan tanging Lee family lang ang authorized na gumamit ng elevator na iyon pababa at pataas ng building nila. It was a private lift for thier family.

     Pero ngayon, sumakay siya doon para hindi na siya masundan pa ni Eve Montecarlo, ayaw niyang bastusin ito dahil malaki ang pag galang niya sa daddy nito, kaya mas minabuti niyang iwasan na lang ang dalaga. Sa lahat kasi ng pinaka ayaw niya ay ang mga babaeng habol ng habol sakanya.

     Pasado alas kwatro na ng makarating ang binata sa bahay. Malayo pa ay tanaw na niya ang asawang abala sa pag dilig ng halaman sa garden na sadyang ipinalagay niya para may pagkaabalahan ito habang wala siya. Akala niya walang hilig ito sa halaman pero sa nakikita niya ay mukhang nagkamali yata siya.

     "Honey, I'm home," masiglang bati niya na ikinatigil naman ng ginagawa nito.

     "Ohh, ang aga mo yata ngayon?"

     Lumapit si Brayden sa asawa at ginawaran ito ng halik sa labi.

     "Na miss kita agad kaya umuwi na ako."

     "Wehh? Talaga lang huh."

     Inilabas ng binata ang maliit na kahon mula sa likuran nito at ngumiti ng ubod ng tamis kay Jane. "Your favorite, moose cake."

     Namilog naman ang mga mata ng dalaga pagkakita sa bitbit na iyon ng binata. "Wow!"

     "Do you like it?"

     "Yes, thankyou," tuwang sagot ni Jane.

     Kulang na lang yata ay maubos ni Jane ang dalang pasalubong ng asawa, kung hindi lang niya check up bukas ay plano niyang solohin iyon, pero ayaw din niya mahirapan sa panganganak kaya dina-diet din niya ang sarili sa pagkain ng sobra, lalo pag matamis.

     "Hon, pre-natal check up ko nga pala bukas gusto mong samahan ako?" tanong ng dalaga sa pagitan ng pag nguya. Nasa ibabaw siya ng kama at may hawak na platito ng cake. Ibinigay niya kay Lars ang ibang cake at ibinilin niyang bahala na iyong paghati-hatiin nila sa kusina.

     Gustong- gusto ng binata na samahan ang asawa sa check up nito kaya nga lang ay may importante siyang schedule bukas, darating ang mga business partner nila galing Korea at kailangan niyang pakiharapan ang mga iyon.

     "Honey, gustong- gusto ko samahan ka, kaso nga lang bukas ang dating ng mga bisita from Korea sa kumpanya."

     "Its okay hon, I understand. Magpapasama na lang ako kay Lars."

     "I'm so sorry honey, babawi ako sa susunod promise," itinaas pa ni Brayden ang kamay na parang nag papanatang makabayan.

     "Okay nga lang, don't worry. Ang laki ng responsibilidad mo sa company at ayokong mapabayaan mo 'yon." anang dalaga sabay subo sa huling piraso ng moose cake na nasa platito nito.

     "Thank you sa pang unawa honey, promise next time palagi mo na akong kasama sa check-ups n'yo ni baby," bahagya pang lumapit ang binata at hinimas ang medyo umbok na puson ng asawa.

     Kinuha ni Brayden ang platitong hawak ni Jane at saka inilagay iyon sa bedside table. Pagkatapos ay pinindot nito ang intercom at nag request sa maid na kuhanin na iyon doon.

     "Ako na lang magbababa niyan, baka nagpapahinga na sila manang," anang dalaga.

     "Nope, baka madulas ka pa sa hagdan dahil lang sa platitong yan. Hayaan mo nang kunin dito yan kung sinong available sakanila."

     Lihim na natutuwa ang dalaga sa concern na ipinapakita ng asawa sakanilng mag ina. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya naranasang alagaan at pagtuunan ng pansin ng ibang tao. Masarap pala kapag may nag aalaga sayo lalo na kung yung taong yun ay mahal mo.

     She was just a simple woman who wanted a simple life. Hindi naman siya naghangad ng marangyang buhay pero God rewarded her the best life she could have and her husband is the best among those reward.

     "I love you Mr. Brayden Lee."

     "I love you more, honey"

     Kasunod ng mga katagang iyon ang mainit na yakap mula sa isa't- isa. Ngayong mas confirm na ang pag ibig nila, ano pa nga ba ang makatitibag ng pag-ibig na iyon.

     Mahal nila ang isa't- isa at sapat na iyon para mapagtagumpayan ang anumang hamon sa buhay na naghihintay sa kanilang dalawa. Mapalad ang sinumang nag mamahal, pero mas mapalad ang taong mahal din ng taong mahal niya. Because sometimes love is not shared by two person, it is sometimes one sided or the other half was taken.

     Kaya may mga martir sa pag ibig, kaya may mga kabit, kaya may mga taong nasasaktan sa tuwing magmamahal dahil ang iniibig nila ay may ibang itinitibok pala. That is why to be loved back by someone you love is really a blessing from the ceator above.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon