Chapter 22

40 19 3
                                    

     Tanaw ni Jane ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng bintana, may kulog at may kidlat ding wala na yatang planong tumigil.

     Pasado alas onse na ng gabi pero wala parin si Brayden. Nag aalala siya, ngayon lang ito ginabi ng uwi, wala ding paalam kahit through text o kaya tawag. Kanina pa niya tinatawagan ang cellphone nito pero walang sumasagot.

     Sumidhi ang pag-aalala sa dibdib ni Jane. Solo lang ito kanina nang pumasok sa trabaho walang body guards na kasama, simula kasi ng umalis ang mga magulang papuntang korea hindi na ito masyadong nag deploy ng body guards, madalas nandito sa bahay naiiwan ang mga tauhan para siya ang bantayan, nasa walong buwan na ngayon ang kanyang tiyan, pinagbabawalan siyang mag kikilos ng kanyang doctor dahil mababa na daw ang posisyon ng kayang baby at anytime ay pwede itong lumabas. Bed rest ang ipinayo sakanya.

     Muli niyang tinipa ang numero ng asawa at tinawagan ito, ngunit wala parin sumasagot. Naupo siya sa kama dahil nakakaramdam siya ng ngalay, kanina pa siya nasa tapat ng bintana at hinihintay ang pagdating ng asawa.

     Inilapat niya ang likod sa kama, hihintayin na lamang niya si Brayden habang nakahiga. Lumipas ang isang oras hindi na namalayam ni Jane na iginupo na pala siya ng matinding antok. Nakatulog siyang hawak ang kanyang cellphone at naghihintay ng sagot mula sa asawang si Brayden.

***

     Sa isang sikat na hotel, ginanap ang dinner meeting nina Brayden kasama ang buong team ng Lee Group of Companies, at ang iba pang shareholders ng kanilang kumpanya.

     Ang balak niya ay 8pm uuwi na siya dahil siguradong naghihintay ang kanyang asawang si Jane. Pero dahil nagkatuwaan, napadami ang nainom niyang soju, buti na lang at nasa hotel siya. Madaling kumuha ng room para doon magpahulas ng kalasingan.

     Isang vip suite ang pinareserved niya para sakanya para na doon magpahinga. Papunta na siya sa elevator ngunit para siyang tanga na isang hakbang pauna ngunit dalawang hakbang pabalik ang lakad sa sobrang kalasingan.

     "Hey, mukang naparami ang nainom mo huh."

     Tiningnan niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Napangiwi siya ng makita si Eve papalapit sakanya. Muli siyang humakbang ngunit muntik na siyang magtaob sa sobrang pagkahilo.

     Tinulungan siyang makatayo ni Eve. Nagtawag pa ito ng isang hotel staff. Para may katuwang ito sa pagbuhat sakanya.

     "Do you have available rooms?" Ani Eve sa staff ng hotel.

     "Yes, maam, meron po."

     "Okay, ipagreserved mo ako ng isa para makapag pahinga itong si Mr. Lee," anitong halatang nabibigatan ang boses.

     "Meron na pong pinareserved si Sir, vip suite #209, nasa 10th floor po maam."

     "Ganon ba, sige tulungan mo na lang akong dalhin siya doon."

     Nang marating nila ang nasabing kwarto, inihiga agad nila ang lasing na si Brayden. Umalis din kaagad ang staff dahil may naiwan itong trabaho sa baba.

     Pinagmasdan ni Eve ang nakapikit na lalaki, namumula ang pisngi nito dahil sa kalasingan, lumapit siya para alisin ang necktie nito.

     "Hmmm.." ungol ng binata.

     Natigilan si Eve sa ginagawa, isang pilyang ngiti ang lumabas sa mga labi nito saka nagpatuloy. Hinubad niya hindi lamang nicktie ni Brayden kundi pati ang damit nito, sinunod niya ang sapatos, medyas at pantalon.

     Tumambad sa harap niya ang matipuno nitong katawan, lalong napangiti si Eve ng mapako ang paningin sa umbok na bahagi ng pagkalalaki nito.

     Isang mapanganib na tawa ang pinakawalan niya saka nag tanggal ng sariling damit, iniitsa niya sa kung saan-saan ang mga hinubad na damit saka kampanteng nahiga sa tabi ng natutulog na binata.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon