Chapter 8

88 49 68
                                    

     Pasado alas otso na ng gabi nang marating ni Jane ang inuupahang bahay. Pasalampak na umupo ang dalaga sa upuang nasa sala. Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido, sumasakit ang ulo niya kakaisip ng pwedeng gawin para hindi maapektuhan ang pag-aaral niya sa nangyaring gulo sa restaurant kanina.

     Konting panahon na lang ang ilalagi niya sa school nila at ayaw niyang magkaroon pa ng problema. Kahit medyo nahihirapan ay pursigido ang dalaga makapagtapos ng pag aaral. Ito lang yung pakonsuwelo niya sa sarili, sa kabila ng hirap at pagod ng nararanasan, gusto niyang makita at mahawakan ang diplomang inaasam-asam niya.

     Pagkalipas ng ilang sandali, tumayo na ang dalaga at pabagsak na nahiga sa kanyang kama. Hindi niya namalayang unti-unti na pala siyang nilalamon ng antok.

     "You may now kiss the bride," anang pari sa harapan ni Jane.

     Nakita niya ang lalaking nasa tabi niya. Matangkad, gwapo at nakasuot ng puting american. Dahan-dahan nitong itinataas ang puting belo na tumatakip sa maganda niyang mukha.

     Habang ginagawa iyon ng lalaki, matamang nakatitig lang ang dalaga sa mukha nito. Sinisipat niya ang bawat detalye ng gwapo nitong mukha, nakita na niya ang mukhang iyon pero hindi niya matandaan, hindi niya kilala ang taong ito.

     Dahan-dahang bumaba ang mukha ng lalaki sakanya, gusto niyang pigilan ang gagawin nitong paghalik sakanya ngunit ayaw sumunod ng kanyang katawan, hindi niya maigalaw ang kanyang kamay, kahit ang kanyang mga paa ay hindi niya maihakbang paatras para maiwasan ang mukha nito.

     Gahibla na lamang ng buhok ang pagitan ng kanilang mukha ng bigla itong nag pause, pinag-aaralan din nito ang bawat detalye ng kanyang mukha. Wari mo'y binabakat ng paningin nito ang bawat anggulo at hugis niyon.

     "I love you.. " anas nito sakanya.

     Natigilan ang dalaga sa narinig. Kasunod niyon ang paglapat ng kanilang mga labi. Mainit, malambot at higit sa lahat matamis ang mga labi nito. Tinugon niya ang mga halik na iyon at habang tumatagal na magkalapat ang kanilang mga labi nasisiguro niyang minsan na niyang nahagkan ang mga labi nito at ang mga halik na iyon ay pamilyar na sakanya.

     "I Love you too," usal ng dalaga sa pagitan ng mga halik.

     "Jane..." mahinang tawag nito sa kanyang pangalan.

     "B-Brayden..."

     Napabalikwas ng bangon ang dalaga, pinag masdan niya ang paligid. Nang masigurong nasa sariling silid siya ay huminga siya ng malalim.

     "Panaginip lang pala,"usal niya sa sarili.

     Kinapa niya ang sariling mga labi. Parang totoo ang mga halik na iyon. Hindi siya makapaniwalang mapapanaginipan niya ang lalaking iyon. At hindi lang basta panaginip, ikinakasal siya dito at nag palitan pa sila ng I love you. Bahagya siyang natawa ng maisip iyon. Sa panaginip ay may asawa na siya.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon