Chapter 14

61 40 21
                                    

     Maagang nagising si Jane kinabukasan, ihahatid kasi nila sa airport ang mga biyenan. Napagdesisyunan na ng mga ito na sa bansang Korea na mamalagi, maiiwan sa pamumuno ni Brayden ang lahat ng negosyo nila dito sa Pilipinas. Including ang malalaking kumpanya ng tahian na pinatatakbo ng mommy niya ay ang binata na ang mamamahala.

     Bilang nag-iisang tagapagmana, napakabigat na pasanin para kay Brayden ang mga responsibilidad na iyon. Pero malaki ang tiwala ng ama nito sakanya. Hindi sukat akalain ni Jane na hindi pala biro ang mga ari-arian ng mga ito. Sila ang pinaka mayaman sa mundo ng pagnenegosyo kaya pala may mga body guards lagi ang mga ito kapag lumalabas ng bahay, halos lahat ng makasalubong ng mga ito ay nagbibigay galang sa pamamagitan ng pag bow which is tradition sa bansang Korea. That is how they showed their respect sa kanilang respective boss.

     "Hija, ang aga mo yata magising?"bungad sakanyang kanyang biyenang babae.

     "Opo. Gusto ko po kasing sumama sa paghahatid sainyo sa airport."

     "Naku, hindi na kailangan hija, mapapagod ka lang sa traffic. Alam mo naman dito satin sa Pilipinas," pagtutol ng ginang sakanya.

     "Okay lang po mommy, atleast sa ganito man lang ay makabawi ako sa kabaitan ninyo saakin,"sincere na turan niya dito.

     "Siyempre naman hija, ikaw ang asawa ng aking si Brayden, ang sinumang mahal ng aming anak ay mahal din namin. Matagal na naming pinagtutulakan mag asawa ang aming anak pero napaka pihikan niyan sa babae, kulang na lang ay ipagkasundo namin sa mga anak ng kapartner namin sa negosyo, kaso ayaw naman naming pangunahan. Kaya ng dalhin ka niya dito at ipakilalang asawa saamin, kami na ang pinaka masayang magulang ng araw na iyon."

     "Salamat po kasi hindi kayo nagalit na ako ang pinakasalan ni Brayden, napakabait n'yo po sakin mommy, kayo po si dad."

     Imbes na sumagot ay lumapit sakanya ang ginang at niyakap siya. Hinagod- hagod pa nito ang kanyang likod.

     "Mamimiss ko po kayo,"naiiyak na wika pa ni Jane.

     "Ako din hija, mamimiss din kita. Wala kaming pagtutol na ikaw ang pinili ng anak namin. We can sense that you are a good person at sa maiksing panahon na nakasama ka namin, you proved it that you really are a good person. You are such a sweet loving person, Jane."

     Niyakap din niya ang biyenan. "Thank you, mommy."

     "Hey! Anong meron at nagyayakapan pa kayong dalawa d'yan." Boses iyon ni Brayden.

     "Naku, itong si Jane ay nalulungkot sa pag-alis namin." She answered.

     "Really, hon? Dont worry we will visit them kapag maluwag na ang schedule ko. For the mean time, gamitin na muna natin ang internet para hindi mo masyadong mamiss si mommy,"ani Brayden na nakiyakap na din sakanila.

     "Anak, alagaan mo itong asawa mo huh. Wag mong paiiyakin kung hindi uuwi ako dito para pagalitan ka." Pabirong pagbabanta nito sa anak.

     "Mom, why would I do that? I'm the last person who will make her cry, promise"

***

     Tanghali na ng marating nila ang airport at maihatid ang mag-asawa, pagkatapos ay naghanap sila ng restaurant para doon na magtanghalian. Isang Chinese restaurant ang napili ni Brayden.

     "Hon, try this masarap to, most requested ito dito."

     "Sichuan Pork?" Basa niya sa menu.

     "Yup, masarap yan. It is actually a pouched spicy slices of pork that is boiled in water instead of frying with a coating made from egg-white and starch to preserve its fressness and tenderness,"mahabang paliwanag pa nito.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon