Chapter 31

10 0 0
                                    

     "Jane, magmadali ka. May dumating tayong bisita, padala daw siya ng LGC." Natatarantang balita ni Sister Julie.

     Halos hindi pa siya nakakapag moved on sa nagyari noong Sabado ay heto nanaman at parang may mangyayari nanamang makakapagpagulo ng utak niya.

     "Uy! Jane," untag pa uli ng madre sa dalaga.

     "P-po? S-sige po sister susunod na po ako. "

     "Dalian mo at mukhang mataray yung bisita natin, ibang-iba doon sa mga naunang dumating na dito sa'tin na galing sa kumpanya ng asawa mo."

     Napakunot noo ang dalaga sa sinabi ng kausap.

     "Sino naman kayang mataray na babae ang tinutukoy nito ni sister?" Aniya sa sarili. Dahil talagang curious na siya sa bisita nila ay sumabay na siyang bumaba kay sister Julie.

     Nasa huling baitang na ng hagdanan ang mga paa ni Jane ng pumihit paharap sakanya ang matangkad na babaeng kanina ay nakatalikod mula sa kinaroroonan niya.

     Hindi nakahuma si Jane dahil sa pagkagitla noong una ngunit agad din nakabawi ng mapagsino ang babae.

     "So, it's so true that you're really here, Jane," taas kilay na turan nito sakanya na pinag salikop pa ang mga braso.

     "Anong kailangan mo? Bakit ka nandito? "

     "Well, I came here to visit you, my friend."

     Napangiwi si Jane sa sinabi nito, kailanman ay hindi niya naging kaibigan ang babaeng ito. At kapag ito ang kaharap niya, nauubos ang kabaitan niya sa katawan.

     "Wala akong natatandaan na naging magkaibigan tayo, Eve," matigas niyang tugon.

     "Woahh, ganyan ba kayo tumanggap ng bisita sa bahay-ampunan na ito? Gosh, I wonder why ito ang napili ng LGC as main foundation to support, ang sama naman pala ng hospitality ng mga tao dito."

     Napatiim-bagang si Jane sa sinabi nito. Nahiya din siya kina Mother superior at Sis. Julie na mababakas ang pag-aalala sa mga mukha. Sinenyasan niya ang mga ito kung pwedeng iwanan muna silang dalawa. Marahang tango naman ang itinugon ng mga ito sakanya saka isa-isang lumabas ng living room.

     "Ano ba'ng pakay mo sa pagpunta dito, Eve?"

     Humakbang ito palapit sakanya bago nagsalita.

     "Simple lang naman ang ipinunta ko dito, gusto ko lang ipaabot sayo na masaya na kaming nagsasama ni Brayden at dahil sa pagsulpot mo ginugulo mo ang kasiyahang iyon."

     Napalunok si Jane sa sinabi ng kausap. Nasaktan ang sulok ng puso niya pero determinado siyang itago iyon lalo na sa paningin ng babaeng kaharap.

     "Talaga? Masaya kayo? Kung gano'n, bakit gusto na akong iuwi ng asawa ko?" Aniya na diniinan ang huling salita.

     Kitang-kita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito, mula sa pagiging mataray ay naging parang balisa.

     "That's not true! Sinasabi mo lang yan para matakot ako."

     "Why would I do that? In fact, kahit wala akong gawin Eve, dapat lang talaga na matakot ka dahil kung gugustuhin ko pwedeng-pwede ko siyang bawiin sayo."

     "Walang hiya ka!"asik ni Eve sa dalaga. Lumagapak sa mukha ni Jane ang palad ni Eve, hindi niya iyon inaasahan kaya hindi siya nakailag. Ramdam niyang nag init ang kaniyang kaliwang pisngi dahil sa sampal na iyon. "Hindi mo siya maaagaw sa'kin tandaan mo yan! Akin lang siya!" sigaw pa nito sakanya.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon