Narinig ni Jane ang pagbukas ng pintuan, bahagya niyang iminulat ang mga mata para aninawin ang nangyayari sa paligid. Naramdaman niyang ibinaba siya ng lalaki sa malambot na kama.
Hinayaan niya ang katawang lumapat doon, ngunit na alarma siya ng marinig ang tawanan sa loob ng silid na iyon.
Inilibot niya ang paningin, bagamat nahihilo at tila nagdadalawa ang paningin niya hindi parin siya pwedeng magkamali. Hindi lang sila ng lalaking ito ang laman ng silid. Marami sila, hindi siya sigurado kung ilan pero ang alam niya madami sila at halos hindi niya iyon mga kilala.
"Oh, ako muna ang mauuna pagkatapos ko kayo naman," narinig niyang wika ng lalaking nagdala sakanya doon.
"Sige lang pre, ayos na ayos lang. Sa tindi ng tama niyan baka hanggang bukas 'di pa rin normal 'yan."
"Ilan ba ang inilagay mo sa baso nito kanina?" Tanong pa uli ng lalaki.
"Tatlo pre, akala ko kasi titikman lang niyan 'yong juice, inubos pala."
Hindi maintindihan ni Jane ang sinasabi ng dalawang nag-uusap. Basta naririnig niya iyon pero hindi nag re-retain sa pang unawa niya. Naduduwal siya sa amoy ng sigarilyo at alak sa loob ng kwartong iyon.
Naramdaman ng dalaga ang paghimas ng kamay ng kung sino sa hita niya, kahit nakasuot siya ng pantalon ay talaga namang kinilabutan siya. She felt her body shivering. Ang malamlam na ilaw sa kwartong iyon ay nagbabadya ng panganib sa dalaga.
Ibinaluktot niya ang katawan, trying to embrace herself para mapigilan ang panginginig niyon. Ngunit naudlot iyon dahil sa marahas na kamay na humila sa mga paa niya. Naramdaman din niya ang mabigat na katawang umibabaw sakanya.
Gusto niyang itulak ito palayo pero wala siyang sapat na lakas para gawin iyon. Tumayo ang lahat ng balahibo ni Jane ng haklitin nito ang suot niyang damit, napunit iyon at lumantad sa hangin ang malulusog niyang dibdib na tanging ang kapirasong saplot na lamang ang nagbibigay tabing sa tinatago niyang yaman sa bahaging iyon.
Narinig niya ang pagsigaw ng lalaki. "Wow!" hayok na hayok ito sa laman, tila isang leon na handa siyang lapain anumang sandali. Kasunod niyon ay naramdaman ng dalaga ang paghalik nito sa kanyang leeg, "nakakadiri" anang isip niya. Ngunit sa sandaling iyon wala siyang lakas para manlaban man lang.
Hindi na nakatiis ang mga kasama ng lalaki, nagsilapit na din ang mga ito sa kanila, at parang mga asong ulol na pinagtulungang alisin ang lahat ng saplot niya sa katawan.
"W-wag, please.." pabulong na pagtutol ng dalaga.
Kahit nanlalambot ang dalaga ay sinubukan niyang mag ipon ng sapat na lakas, kailangang may gawin siya para mapigilan ang mga ito sa binabalak na gawin sakanya. Buong lakas na kinalmot niya ang mukha ng lalaking naka kubabaw sakanya. Dahilan para mapasigaw ito sa sakit at umalis sa ibabaw niya.
"Shit!" Narinig niyang sigaw nito.
Ngunit pagkatapos ng sigaw na iyon, isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha niya, hindi lang isa kundi dalawa. Hindi pa ito nakontento dahil sinuntok pa siya sa sikmura.
Namilipit sa sakit ang dalaga, hindi na halos siya makagalaw. Tila nabingi din siya sa lakas ng mga sampal na tinamo niya. Nang muli siyang kubabawan ng lalaki ay hindi na niya kayang manlaban pa. Tanging pag iyak na lang ang kaya niya.
Muli siyang hinalikan nito, ang nakakadiri at magaspang nitong labi ay malayang pinaglalakbay sa kanyang leeg, patungo sa isa niyang dibdib, habang ang isang kamay nito ay naglalakbay naman sa kanyang mga hita. Walang magawa ang dalaga kundi ang umiyak.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...