Chapter 19

56 34 6
                                    

     Madaling araw ng magising si Jane sa ingay ng flash ng inidoro sa loob ng cr nila sa kwarto. Mukhang nakalimutan isara ng asawa ang pintuan kaya naririnig niya iyon.

     Lumabas ang binata habang nakabaluktot ang katawan at himas-himas ang tiyan. Napabalikwas ng bangon si Jane ng makita ang itsura nito, tinulungan niya ang asawa na makarating sa kanilang kama.

     "A-anong nangyari? Bakit namamaluktot ka? Masakit ba ang tiyan mo?" sunod- sunod na tanong niya dito.

     Inginuso ni Brayden ang cr sa dalaga. "I've been there almost 5 times."

     Naalala ng dalaga ang kinain nitong street foods. Marahil ito ang dahilan kaya pabalik-balik ito sa cr ngayon.

     "Sabi ko na kasi sayo hinay-hinay ka lang sa pagkain ng ihaw-ihaw kahapon ayan tuloy."

     Ibinaon ng binata ang mukha sa unan. Hindi lang niya masabi na kung hindi dumating yung Klint na 'yon ay wala talaga siyang balak kumain ng street foods, gusto niyang magpakitang gilas sakanya kaya ginawa niya iyon.

     Tumayo si Jane at may kinuha sa drawer ng kanyang side table. Pagkatapos ay umikot sakabilang side at kumuha ng tubig sa maliit na ref na nandoon. Sinlaki lang ng isang kahon ang peraonal ref na iyon kaya bottled water at ilang chocolate lang ang inilalagay nila.

     "Nagpasiguro na ako ng gamot para sa sakit ng tiyan kahapon," hinagod niya ang likod ng nakadapang asawa. "Maupo ka muna at inumin mo to."

     Tumalima naman si Brayden at parang batang paslit na sinunod ang sinasabi ng asawa. Pagkatapos uminom ay muli siyang nahiga.

     May pag aalalang natatawa naman ng lihim si Jane sa itsura ng asawa. Kung dangan kasing ang yabang kahapon kaya ayan ang napala.

     Bumalik siya sa higaan at tinabihan ang asawa. Nagulat pa siya ng pumihit paharap sakanya ang asawa. Inilatag nito ang mahaba at matipunong kanang braso na tinatapik-tapik ng kaliwa. "Come here, hon," narinig pa niyang sabi nito sakanya.

     Umunan si Jane sa braso ng asawa, iniyakap naman nito sakanya ang kabilang kamay. Sa totoo lang, gustong-gusto ni Jane ang posisyon nilang iyon. Pakiramdam niya ay safe na safe siya sa mga brasong nakapulupot sakanya.

     "I love you, honey."

     Natigilan si Jane na salitang iyon. Ramdam niya ang kilig sa kanyang puso ng mga oras na iyon. Parang may nag sasayawang paru-paru sa kanyang tiyan sa tindi ng kilig na nararamdaman niya. Ginantihan niya ng yakap ang asawa.

     "I love you too."

     Napadilat si Brayden sa narinig na tugon ng asawa. Nananaginip na ba agad siya o hallucination lang.

     "What? Paki ulit nga ng sinabi mo," bahagya niya pang inilayo ang sarili para mas makita ang mukha ng dalaga.

     "Sabi ko I love you too, bingi!"

     Lumapad ang mukha ni Brayden sa pagkakangiti dahil sa sinabing iyon ng asawa. Dalawang buwan niyang hinintay na marinig ang mga salitang iyon sa labi ni Jane at talaga namang nag uumapaw sa ligaya ang puso niya ngayon. Isang mahigpit na yakap at mariing halik sa labi ang iginawad niya dito.

     "Hindi mo lang alam kung gaano mo'ko pinasaya sa sinabi mong iyan, honey."

     "Bakit naman?" Curious na tanong ni Jane sa asawa.

     "Akala ko kasi hindi mo ako mahal, akala ko galit ka kasi pinilit kitang pakasalan ako, tapos bigla nabuntis na agad kita. Akala ko hindi ko na maririnig na sabihin mo sa'kin na mahal mo din ako. That's why I'm so happy. Mahal na mahal kita, Jane, since the first day I saw you." Madamdaming pagtatapat ni Brayden sa dalaga.

     Napaawang naman ang labi ni Jane habang pinakikinggan ang bawat sinasabi ng asawa. Napakalaking pagkakamali pala ang lahat ng iniisip niya tungkol dito.

     Akala niya kasi naguguilty lang ito sa nangyari sakanilang dalawa sa club kaya pinakasalan siya nito, at akala din niya ay hindi nito gustong nabuntis agad siya, parehas lang pala silang iniisip. Nagkakapaan ng mga damdamin ng bawat isa. Pero ang totoo parehas lang nila pinahihirapan ang kanilang mga sarili dahil sinusupil nila ang pag-mamahal na nararamdaman sa bawat isa.

     Naramdaman ni Jane ang masuyong halik ng asawa sa kanyang buhok. Walang pagsidlan ang kilig at kaligayan niya sa mga oras na ito. Ngayong malinaw na sakanya ang damdamin ni Brayden wala ng hadlang para maipakita at maipadama niya ang tunay na damdamin para dito.

     Ipinapangako niya sa sarili na simula ngayon ay gagampanan niya ang pagiging maybahay nito ng walang pag aalinlangan. Babawiin niya ang mga panahong nasayang dahil hindi sila halos nag-uusap na mag asawa.

     Iniangat ni Jane ang mukha para makita minsan pa ang gwapong mukha ng asawa.

     Nagtama ang kanilang paningin, pakiramdam ng dalaga ay naroon nanaman ang mga maliliit na paru-paru sa kanyang sikmura. Ang titig ni Brayden Lee ay nagpapasikdo sa puso niya, ang mapupulang labi nito ay nang aakit na halikan niya.

     Napakagat labi si Jane sa isiping iyon, she was secretly longing to taste those natural red lips. Ramdam niya ang pag-init ng mukha kaya siguradong hindi maikakaila ang pamumula niyon sa harap ng asawa.

     Napaigtad ang dalaga ng maramdaman ang mga kamay ni Brayden sa kanyang beywang.Inilapit nito ang mukha sa punong tenga niya na nagpatayo ng lahat na yatang balahibo sa kanyang katawan. Se feel that same sensation she felt during their first night at the club.

     "Honey, you look amazing when you are blushing," bulong nito punong tenga niya. Lalong nag init ang mukha ni Jane."I want to kiss you,"he added.

     Dahil halos magkadikit na ang mukha nilang dalawa, ipinikit ng dalaga ang mga mata bilang pag sang-ayon sa gusto ng asawa.

     Hinalikan ni Brayden ang mga labi niya, sa una ay banayad na halik lamang iyon, ngunit nang maramdaman ang pagtugon nito sa mga halik niya ay mas nilaliman pa niya ang bawat halik na ipinagkakaloob niya dito.

     He tasted the sweetness of her lips that makes him more aggressive to ask for more than just a kiss. A burning sensation is reigning over his body. Para siyang baliw na may hinahalukay sa loob ng bibig ng kanyang asawa, he wanted for more. Hindi siya makokontento sa mga labing iyon kaya namn inumpisahan niyang pagapangin ang mga labi paibaba sa leeg nito, papunta sa likod ng tenga.

     "I love you, Jane," anas niya nito.

     "Ohh.. Brayden, I love you too." Halos hindi na marinig ang boses na iyon ni Jane ngunit malinaw na narinig iyon ng binata.

     That was it, the signal has been sent for him to continue, sa pagkakataong ito hindi na mapipigilan pa ang binata. Binuhat niya ang asawa para ihiga ng maayos sa kanilang malambot na kama saka nagtakip ng kumot. Kung anuman ang kanilang balak gawin sa ilalim ng kumot na iyon it was just for the two of them.

     Past 8 in the morning ng magising si Jane, nakapulupot parin ang kamay ng kanyang asawa sa hubad niyang katawan. Nangiti ang dalaga ng maalala ang nangyari kaninang madaling araw. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay nito para alisin sa pagkakayakap sakanya ngunit nabigo siya dahil mas lalong humigpit ang mga iyon.

     "Where are you going?" Nakapikit na tanong ng binata.

     Hindi sigurado ang dalaga sa isasagot "Ahm, babangon na?"

     "Dito ka lang maaga pa," lalo pang idinikit ni Brayden ang katawan sa asawa.

     Walang nagawa si Jane kundi pagbigyan ito, hindi din naman talaga niya planong kontrahin ito dahil infact gustong-gusto niya iyon. Ang matipunong braso ni Brayden ang isa sa hinahanap- hanap ni Jane, she feel it like a hard wall at safe na safe siya kapag nakakulong siya sa mga bisig na iyon.

     Sa kauna-unahang pagkakataon, nagniig silang dalawa ng walang agam-agam. Pinagsaluhan nila ang bawat sandali nang buo ang kanilang mga nararamdaman, walang duda o kaya pag-aalangan. They made love for the first time. No hesitation. No doubt. Just love.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon