Umuwing bigo si Brayden na maiuwi ang asawa sa kanilang tahanan. Malungkot man ay mabuti na rin iyon dahil hindi pa niya naaayos ang tungkol sa set-up nila ni Eve.
Agad niyang tinungo ang silid at nanlalambot na inihiga ang katawan sa kamang naroon. Sumakit ang ulo niya, pati ang buong katawan niya ay parang bateryang na lowbat.
Hinayaan niya munang makapag-isip si Jane, siguro nabigla lang talaga ito kaya hindi ito sumama sakanya.
Mahal na mahal niya si Jane, at hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya. Kaya naman nakahanda siyang gawin ang lahat bumalik lang ito sakanya. Alam din niyang may nararamdaman pa ito sakanya, ramdam niya bawat pagtugon nito ng mga halik sakanya at sapat na iyon para hindi siya sumuko dito.
***
Padabog na pinatay ni Eve ang television na nasa harapan niya, laman kasi ng balita ang muling pagkikita ni Brayden at Jane sa bahay ampunang napili ng LGC na suportahan.
Pabalik-balik ang ginawang paglakad ni Eve habang hawak ang sariling sentido. Kailangan niyang makaisip ng paraan para tuluyan nang mabura sa buhay ni Brayden si Jane.
Dinukot niya ang cellphone sa Louis Vuitton niyang bag na nakapatong sa ibabaw ng couch na naroon. Tinipa niya ang numero ni Luis saka ito tinawagan. Nakadalawang ring lang at sumagot naman agad ito.
"Hello Luis, magkita tayo same place, same time." Agad na wika ni Eve sa kausap na nasa kabilang linya.
"Won't!, sounds like urgent."
"Yes it is, so don't you dare not to come."
"Sure, I'll come."
"Okay, bye!" Agad na nag bihis si Eve saka lumabas ng bahay.
Tinapunan niya pa ng tingin ang silid ni Brayden na bahagyang naka-awang hudyat na naroon na ito. Umismid lamang si Eve saka tuluyang umalis.
Pagdating ni Eve sa restaurant na siyang lugar na malimit nilang maging tagpuan ni Luis ay halos mabali na ang leeg niya sa kakatanaw kung dumating na ba ang kausap.
She picked up her phone and compose a text message.
...Where are you, stupid?
Walang natanggap na reply si Eve kaya nadagdagan pa ang yamot niyang nararamdaman. Lumipas pa ang ilang minuto ay saka pa lamang niya natanaw ang hinihintay.
"Wherehave you been?"Inis na tanong ni Eve sa katagpo.
"Na traffic ako, ano bang pag-uusapan natin at mukhang bugnot ka nanaman yata, did something happen beyond your control?" Usisa ni Luis, nahalata kasi niya ang inis sa mukha ni Eve.
"It's about Jane, you have to help me again. Umaaligid nanaman siya kay Brayden and she should never come to Brayden again." Nag-aalalang wika ni Eve.
"It's about her again? You know what, ano kaya kung tigilan mo na si Jane? Since college tayo mainit na ang dugo mo sakanya. Wala naman ginagawang masama 'yong tao sa'yo."
"Hindi pwede! Akin lang si Brayden kung kinakailangang magpabuntis ulit ako saiyo gagawin ko h'wag lang siya mawala sakin," gigil na wika ni Eve.
Napatiim bagang si Luis sa sinabing iyon ni Eve, it's true, siya ang ama ni Genevieve. At totoong nagpabuntis lang ito sakanya para may maipakitang bata kay Brayden Lee.
Hindi siya sang-ayon noon pero napapayag din siya nito. May lihim siyang pagtingin kay Eve, kaya naman sinamantala din niya ang pagkakataon para magkaroon ng koneksiyon dito.
"You have to kill her for me, Luis."
"A-ano? Nababaliw ka na ba? Gusto mo akong gawing mamamatay tao?" Gilalas ni Luis dito.
"I want her gone! Hindi kami magiging masaya kapag nand'yan ang babaeng 'yon," nababalisang turan ni Eve. "I will kill her myself, kung ayaw mo akong tulungan, ako na lang ang gagawa."
Nagulat si Luis ng bigla itong tumayo at mag umpisang lumakad palabas. "Hey! Wait, Eve!" Tawag niya dito, pero wala na itong narinig at patuloy lang sa paglalakad.
Lakad-takbo ang ginawa ni Luis para maabutan ito, saktong pasakay na ito ng sasakyan ng mahagip niya ang braso nito. "Eve, are you out of your mind? It's a crime to kill someone," pigil niyang wika dito.
Nagulat siya nang bigla itong humalakhak ng malakas. Pagkatapos ay parang kisap mata ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito, nabalot ng galit at tila nanlilisik ang mga mata.
"I will kill her! Akin lang si Brayden. Hindi ako papayag na maagaw siya sakin ng Jane na 'yon! Akin lang si Brayden! Akin lang siya!"
"Alam kong gusto mo ang lalaking iyon pero hindi tamang manakit ka ng tao para lang makuha mo ang puso niya."
"Napakadami ko ng isinakripisyo para lang mapasaakin siya at hindi ko hahayaang mauwi lahat 'yon sa wala," matapang na turan ni Eve na taglay parin ang nanlikisik na mga mata.
Nahintakutan naman si Luis at hindi na nakahuma sa tinuran na iyon ng kaharap, tila kasi wala na sa sariling katinuan si Eve at labis niyang ikinabahala iyon.
Agad na sumakay si Eve sa sasakyan at pinaharurot iyon paalis. Wala nang nagawa si Luis kundi ihatid ng tingin ang sasakyang papalayo.
College days pa lang ay gusto na niya si Eve, in fact lahat ng pinagtitripan nito sa school ay pinagtitripan din niya, including Jane. Kaya niya binastos noon si Jane sa school ay dahil alam niyang binubully ito ni Eve, until now nakikipag kutsabahan parin siya dito. Pero parang may iba ngayon kay Eve, parang hindi na yata normal ang mga ikinikilos nito. Kung obsession man iyon kay Brayden, sigurado siyang may mali sa dalaga.
At siguro panahon na para kumilos siya ng ayon sa kanyang kagustuhan at hindi para magustuhan siya ni Eve. Mahal niya ito at hindi niya hahayaang mapahamak si Eve. Hindi na maganda ang naidudulot kay Eve nang pagkagusto nito kay Brayden Lee. At hindi niya hahayaang tuluyang sirain nito ang sarili para lang makuha ang bagay na alam naman niyang kailanman ay hindi magiging sakanya.
"Hindi ko hahayaang mapahamak ka Eve, kung kinakailangang isiwalat ko ang buong katotohanan para lang matauhan ka, gagawin ko." Determinadong pahayag ni Luis sa sarili.
Nilisan ni Luiz ang lugar na iyon dala ang desisyong alam niyang makabubuti para sa lahat. Kahit siguradi siyang hindi iyon magugustuhan ni Eve, determinado siyang gawin ito dahil iyon ang tama. Ang ituwid ang mga nagawa nilang pagkakamali.
Hindi siya masamang tao, nagbulag-bulagan at nag bingi-bingihan lang siya sa kagustuhang mapalapit kay Eve. Pero sukdulan na ang ginagawa nito, at hindi niya kayang magpakasama ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...