Two weeks later..
"I'm very sorry sainyong dalawa, napakalaking kasalanan ang nagawa namin ni Eve sainyo. Handa akong pagbayaran lahat iyon, I truly deserve to be punish, " pahayag ni Luis.
Nasa isang restaurant silang mag-asawa ngayon kaharap ito. Sa kasamaang palad ay nasa isang Mental hospital na si Eve at doon naka confined. Tuluyan na itong tinakasan ng katinuan.
"What about Genevieve? Ikaw ba talaga ang totoo niyang ama? " lakas loob na tanong ni Brayden.
"I'm so sorry.. Hindi ako sang-ayon sa kagustuhan ni Eve na ipasalo sayo ang anak namin. Pero sobrang mahal na mahal ko siya, to the point na pinagtatakpan kong lahat ang kasamaang ginagawa niya, "
Naikuyom ni Brayden ang dalawang kamao, hindi niya sukat akalaing matagal na panahon siyang napaikot ni Eve sa mga palad nito. Gusto niyang magwala sa galit pero mas pinili niyang magpakahinahon. At least ngayon tapos na ang lahat. Umaasa siyang makakapagsimula na ulit sila ng panibagong buhay ni Jane.
Naramdaman ng binata ang mainit na palad na pumatong sa kanyang mga kamao. Dahilan para dahan-dahang niyang ibuka ang mga kamay at piliin na lamang na ikulong sa kanyang mga palad ang mga kamay na iyon.
"I promise to take care of her, " wika pa ni Luis.
Pagkalipas ng ilang minutong pag-uusap, nagpaalam na si Luis sa kanilang dalawa. Wala na silang balak kasuhan ito. Umaasa sila na lahat sila ay makapag-umpisa na ng panibagong buhay.
Mas pinili nilang magpatawad at mamuhay ng tahimik. Maluwag sa dibdib na pinagkatiwala ni Brayden ang pangangalaga sa inaakalang anak na si Genevieve sa tunay nitong ama. Pero humingi siya ng permiso na kung pwede nilang dalawin ito anumang oras. Hindi naman tumutol ang lalaki at sinabing maaari nila itong dalawin kahit kailan nila gustuhin.
Tahimik parin silang nakaupo sa sulok ng restaurant na iyon. Ngunit si Brayden ang unang bumasag sa katahimikang kanina pa lumalamon sakanila.
"I'm so sorry, Jane sa lahat ng mga panahong nagdusa ka dahil sa'kin, I've been so stupid and foolish, I hope you can forgive me,"
Isang tipid na ngiti ang itinugon ng dalaga sa tanong na iyon ng asawa. Nang makita niya na nasa bingit ng kamatayan ito, ipinangako niya sa sariling hindi na muli pang lalayo dito. Kahit maulit pa ang mga pangyayaring naganap sakanila mas pipiliin na niyang magtiis sa piling ng pinaka mamahal na asawa.
"I love you, Jane Imperial Lee. Hindi ko na hahayaang may sumira pang muli sa ating dalawa," madamdaming turan ni Brayden
"I love you too, and I will always love you no matter what happens."
Tumayo sa kinauupuan ang binata at lumigid sa kinaroroonan ng asawa, niyakap niya ito ng mahigpit at ginawaran ng maliliit na halik ang buhok nito kasabay ng banayad na paghagod ng binata sa likod ni Jane.
Nilisan nila ang lugar na iyon dala ang pag-asang magiging masaya na ang kanilang buhay mag-asawa kapiling ang isa't-isa.
***
Sa isang private resort sa Tagaytay napiling magbakasyon ng dalawa. Pag-aari ito ng binata at tanging ito lamang ang nakakaalam ng lugar na iyon.
Malamig ang simoy ng hangin at nakakarelax ang berdeng kapaligiran nito. Mula sa kinaroroonang silid ni Jane ay natatanaw niya ang mga high rise building at maliliit na establishment na nakatayo sa ibabang bahagi ng Tagaytay.
Nasa mataas na lugar sila kaya nagmistulang mga laruan sa paningin ni Jane ang tanawing iyon.
"Did you like the place,Honey?"
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...