Chapter 2

126 63 127
                                    

     Naalimpungatan si Jane sa maingay na tunog ng kanyang alarm. Hudyat iyon na kailangan na niyang bumangon para umpisahan ang panibagong araw. Nakapikit pang bumangon ang dalaga at tinungo ang banyo.

     Naghilamos, saka bumaba patungo sa kanyang maliit na kusina. Nagsalang ang dalaga ng kaserola na may lamang tubig, sapat lang ang tubig na iyon para makapagluto ng instant pancit canton.

     Nagtimpla na din siya ng chocolate drink. Hindi kasi siya nagkakape kaya milo o kaya gatas lang ang option niya lagi.

     Nang makapag almusal ay hinugasan niya lahat ng ginamit saka umakyat uli sa kanyang kwarto para maligo. Ilang minuto ang nakalipas ay nakagayak na ang dalaga. Sa isang coffe shop siya ngayon nakaduty, part time job niya iyon tuwing araw ng linggo. 6am-2pm lang naman kaya may oras pa siya para sa mga labahin sa hapon. Walking distance lang mula sa inuupahan kaya swak na swak talaga sa kanya ang part time job na iyon.

     Hindi masyadong madami ang mga tao do'n kaya hindi siya ngarag, hindi katulad sa restaurant na halos wala siyang time mag suklay man lang. Malaking tulong sakanya ang mga trabaho niya ngayon para sa kanyang pag-aaral at pang araw-araw na din.

     Ulila na ang dalaga, hindi niya alam kung patay na ba ang mga magulang niya o sadyang wala lang talagang tiyaga ang mga ito na palakihin siya. Namulat siya sa bahay ampunan, nang tumuntong sa hustong gulang ay namaalam na siya sa pamunuan ng bahay ampunan na mamumuhay na siya ng kanya.

     Dahil sa lumaking mabuting tao at likas na mabait si Jane napapayag niya ang pamunuan ng bahay ampunan sa gusto niyang mangyari, pero nangako siyang bibisita sa mga ito kada katapusan ng buwan.

     Ilang minuto lang ang nilakad ng dalaga mula sa bahay ay narating agad niya ang coffeshop. Agad na bumungad sakanya ang masayang mukha ni Joy, siya ang kapalitan ng dalaga tuwing linggo.

     "Good morning!" Magiliw nitong bati sakanya.

     "Goodmorning din, mukhang dika napuyat ahh?"

     "Napuyat din kaso iba s'yempre kapag may kakwentuhan ka overnight."

     Napakunot ang noo ni Jane sa narinig. Pero nang magets ang ibig sabihin nito ay napangiti na lang din siya. Magdamag sigurong naka-online ang boyfriend nito.

     "Kaya ikaw girl, mag jowa ka na para ma-enjoy mo naman ang life," maharot na wika nito sakanya.

     "Nag-eenjoy naman ako, saka pag nakagraduate na ako pwede na siguro mag boyfriend,"natatawang tugon niya dito.

     Working student pa kasi ang dalaga, culinary arts ang kinukuha niyang kurso, kaya niya pinagtitiyagaan ang restaurant na pinapasukan niya kasi one day pangarap niyang maging chef doon.

     "Hay naku! sige na.. Study first nga pala ang motto mo sa buhay," umirap pa ito sakanya bago tuluyang hinubad ang suot na apron.

     Nang makapwesto na ang dalaga sa mini kitchen ng coffee shop ay masigla niyang ginampanan ang trabaho. Excited siya para bukas. Magluluto sila sa klase at sariling recipe ang gagawin. Madami siyang idea kasi hilig niya talaga ang pagluluto.

     Nang makita niyang may parating na costumer ay agad siyang nag paskil ng matamis na ngiti sa labi.
Samantalang si Joy ay pasenyas na lamang na namaalam sakanya.

     Nang sumapit ang alas dos ng hapon nag handa na si Jane para sa pag uwi, hinihintay na lamang niya ang kapalitan niya ngayong araw at ready to go na din siya. Natanawan niya sa labas ng coffee shop ang isang black van. Biglang ginapangan ng kilabot si Jane sa buong katawan, naalala niya bigla ang nangyari sakanya kagabi.

     Paano kong binalikan nga siya ng lalaking iyon?
     Anong pakay nito sakanya?

     "Lord, iligtas nyo po ako mula sa lalaking 'yon."

     Nagtago ang dalaga sa likod ng counter ng coffee shop pagkatapos ay pasilip niyang tiningnan kung bababa ang sakay ang kulay itim na van. Pagkatapos ng ilang sandali ay umalis na din ang van aa labas ng pinapasukang coffee shop.

     Nasa gano'n siyang ayos ng dumating ang kapalitan niyang si Gagay.

     "Hoy! Anong meron at nandiyan ka nagtatago?" Naupo din ito sa tabi niya na tila nagtatago din. "May tinataguan ka?" Usisa pa nito.

     Agad namang tumayo si Jane at inayos ang sarili."W-wala noh. N-nagpahinga lang ako saglit," pagsisinungaling ng dalaga. Ayaw niyang mag alala ito kaya minabuti niyang 'wag sabihin dito ang totoo.

     "Wehh? Di-nga?" Pag-iintriga pa nito sakanya.

     "Oo, nga.. "

     "Sigurado ka huh? Baka kung ano na yan? Ani Gagay.

     Tumango na lamang ang dalaga saka hinubad ang apron. Nagpaalam na din siya agad. Baka kung anu-anu pang itanong nito sakanya. Hindi siya magaling mag sinungaling.

     Habang naglalakad pauwi ang dalaga ay palinga-linga siya sa paligid. Baka kasi sinusundan na pala siya ng hindi niya namamalayan. Nagkaroon tuloy siya ng phobia ngayon.

     Nang makarating sa bahay ay agad siyang nag lock ng mga pintuan tinakpan ng kurtina ang mga bintana. Saka pa lamang siya nakahinga ng maluwag ng masigurong nakasarado na ang lahat nang pwedeng pasukan ng sinumang galing sa labas.

     Hinarap niya ang mga maruming damit, naglinis na din siya ng bahay saka tuluyang nagpahinga. Nasa loob na siya ng kwarto niya ng maisipang magbukas ng Facebook account. Hindi nagtagal ay minabuti na lamang niyang mag review.

     Bukas ay may pasok siya, major subjects pa naman lahat. Half day lang lagi ang pasok niya dahil sa hapon ay duty siya sa restaurant na pinapasukan niya at ng kaibigang si Klint.

     Irregular student lang siya sa school kaya di siya required pumasok araw-araw. Graduating na siya kaya hataw siya sa pagtatrabaho para sa ojt niya. Nakaipon naman na siya ng konti kaya medyo nakakahinga na siya ng maluwag.

     Sa loob ng ilang taon, wala siyang ibang ginawa kundi magtrabaho para sa kinabukasan niya. Pangarap niyang magkaroon ng sariling restaurant, para kung magkakapamilya man siya, hindi dadanasin ng mga anak niya ang mga pinagdadaanan niyang hirap ngayon.

     Simpleng tao lang ang dalaga, kaya naman simpleng buhay lang din ang gusto niya. Never siyang nangarap ng marangyang buhay. Pero hindi din niya pinangarap na manatili sa ganitong estado ng buhay. Gusto niya ng maayos at simpleng pamumuhay.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon