Chapter 28

15 4 0
                                    

     "Jane, nabalitaan mo na ba? "Excited na tanong ni Sis. Julie sa dalaga.

     "Ang alin po?" clueless namang tanong din ni Jane.

     "Tayo ang napiling bigyan ng unlimited support ng LGC, ibig sabihin no'n major foundation na nila ang Angel's Home," masayang pagbabalita pa ng madre sa dalaga.

     "Talaga po sister?" Napatalon pa ang dalaga sa tuwa. "Matutuwa ang mga bata kapag nalaman nila 'to, ang saya- saya ko din po Sister!"

     "Dahil d'yan, kailangan natin paghandaan ang okasyon sa Saturday."

     "O-okasyon?" Hindi yata siya nainformed tungkol do'n.

     "Hindi pa ba nasasabi sa'yo? Magkakaroon tayo ng appreciation program sa sabado, guest speaker yung CEO ng LGC. Balita ko bata pa daw 'yon at gwapo, malay mo matipuhan ka?" Pabirong turan ni sister Julie.

     Natahimik naman si Jane sa narinig, hindi alam ng mga ito na asawa niya ang tinutukoy nitong CEO.

     Bumilis ang tahip ng dibdib ng dalaga nang mag sink-in sa utak niya ang mga sinabi ni Sister Julie. Paano na ngayon? Imposibleng hindi mag krus ang landas nilang mag-asawa.

     Hindi naman pwedeng maglaho na lang siya bigla sa sabado, paniguradong magtataka ang mga kasama niya dito sa bahay ampunan.

     "Ikaw ang naka assign kay Mr. Lee, nakalagay dito sa committee list," ipinakita ni Sis. Julie sa dalaga dalang listahan.

     Lalo naman napipilan si Jane, wala na talaga siyang lusot, siguro nga panahon na para magkaharap silang muli ng asawa. Sa totoo lang miss na miss na niya ito kaya lang sinisikil niya ang sariling damdamin, ayaw niyang ipakitang nasasaktan parin siya hangggang ngayon.

     Parang sinaksak ng tatlong beses ang puso niya nang mabasa sa diyaryo ang pagkakaroon nito ng anak kay Eve Montecarlo, isa iyon sa dahilan kung bakit hindi niya ipinaalam sa pamunuan ng ampunan na siya ang nawawalang asawa ng batang CEO.

     Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sakanila, ayaw niyang titingnan siya ng mga ito na parang kinaaawaan siya dahil kahit ilang beses niyang itanggi, durog na durog parin siya hanggang ngayon.

     "Sister Julie, maiwan ko po muna kayo. May nakalimutan po ako sa kwarto ko,"paalam niya sa kausap. Hindi na niya hinintay na sumagot ito, tumalikod na siya agad dahil nagbabadya sa mga mata niya ang pag patak ng luha.

     Padapang humiga sa kama si Jane, isinuksok niya ang mukha sa unan upang doon ikulong ang anumang boses na lalabas sa kanyang lalamunan. Kanina pa niya pinipigil ang pag-iyak, nananariwa ang kirot sa kanyang dibdib.

     Bukod sa pagkawala ng kanilang anak, ang labis na nagpapahirap ngayon sa dalaga ay ang katotohanang may ibang babae na sa buhay ang asawa. Hindi lang iyon, parang balewala lang dito ang pagkawala niya, ni hindi nga siya nito hinanap.

     Sabagay, atleast nagawa nitong lampasan ang three-months rule. Oo, sa usaping pag-ibig kapag nagkahiwalay ang dalawang magkasintahan kailangan hindi sila magkaroon ng karelasyon sa loob ng tatlong buwan. Pero mag asawa sila, hindi lang sila basta magkasintahan. Bakit kailangan nitong palitan siya agad?

"I have to show him that I'm better now than I was before, katulad niya na mukhang naka- moved on na," kausap ni Jane sa sarili.

***

     "Balita ko may out of time work ka daw?" Si Eve iyon, nasa loob siya ng opisina ni Brayden ngayon.

     "I always have an out of town job, what's new about that?" Matabang na sagot ng binata, ni hindi nito tinapunan ng tingin ang kausap.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon