Chapter 35

24 2 0
                                    

     Nine months later...

     "Honey, breakfast is ready." Tawag ni Brayden sa asawang hanggang ngayon ay nakahiga pa.

     Pumihit ng higa si Jane paharap kay Brayden na nakatayo sa pintuan ng kanilang silid. Saglit na iminulat ang mga mata ngunit muli ring ipinikit.

     Napapatawa ng impit si Brayden sa gesture na iyon ng asawa. Lumabas ang matamis na ngiti ng binata ng mapatuon ang paningin sa nakausling tiyan ni Jane, siyam na buwang buntis ito at excited na siyang makita ang kanilang anak.

     Todo ang pag-iingat nilang mag-asawa mula ng malamang nagdadalatao na uli si Jane. Lumapit siya sa kinaroroonan nito at marahang hinimas ang tiyan umbok nitong tiyan.

     "Hon, kumain ka na muna. Baka nagugutom na si baby."

     "Five more minutes, please," ungot ni Jane.

     Ngunit agad ding nagmulat ito ng paningin at mahigpit na napahawak sa kamay ni Brayden na nakapatong parin sa umbok niyang tiyan.

     "Why? What's wrong? " usisa ni Brayden dito.

     "Gutom na nga yata si baby,"hindi aiguradong tugon ni Jane.

     "Sabi ko na sa'yo gutom na 'yan. C'mon let's go to the kitchen."

     Inalalayan ni Brayden ang asawa para pumunta sa kusina, ngunit nakakailang hakbang pa lamang sila nang muli ay mapahigpit ang pagkakahawak nito kanya, kasabay ang pagkalukot ng mukha nito

     "Honey, are you okay? " usisa uli Brayden.

     "I guess he's coming out," tugon ni Jane na halata sa boses na nahihirapan ito.

     "What? Pero hindi mo pa due date diba? Shall we go to the hospital?"

     Gustuhin man mag relax ni Brayden ay hindi niya magawa, nagpapanic siya dahil sa nakikitang paghihirap ng asawa.

     Dali-dali niyang dinampot ang bag na inihanda nila para sa pagkakataong ito, pagkatapos ay inalalayan ang asawa palabas ng silid.

     Nang makapasok sa sasakyan ay agad na pinaandar iyon, wala pang sampung minuto nang marating nila ang ospital. Agad silang sinalubong ng ilang mga hospital crew at nurses dala ang stretcher na paghihigaan ni Jane.

     "Honey, just relax okay. Everything will be alright." Pagpapalakas ng loob ng binata sa loob ni Jane.

     "I can't relax hon, it's so painful at hindi ko na kayang pigilan, lalabas na talaga siya! " ani Jane na bakas sa mukha ang sakit ng labor pain.

     "Sir, hanggang dito na lang po kayo," wika ng nurse na kasama nila.

     "What? No way, hindi ko iiwan ang asawa ko."

     "Pasensya na po, bawal na po talaga kayo sa loob," magalang na wika ng nurse.

     "Honey, It's okay. You have to trust them. It is a hospital rule and we have to follow. Don't worry it won't take long," ani Jane sa pagitan ng pagngiwi dahil mas lalong tumitindi ang sakit na nararamdaman.

     "Are you sure you can do it without me?" paniniguro ni Brayden.

     Tumango si Jane at nagawa pang ngumiti sa asawang kanina pa nag aalala.

     Tatlumpong minuto na ang lumipas ngunit wala parin balita si Brayden kung ano nang nagyayari sa loob. Kulang na lang ay mapudpod ang suot niyang pambahay na tsinelas sa kapapabalik-balik ng lakad sa tapat ng delivery room.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon