Eleven-fifteen ng matapos ang pre-natal checkup ni Jane. Malapit lang sa office ng asawa ang clinic ng OB niya kaya naisipan niyang mag take-out na lang ng pagkain at sorpresahin ang asawa para sabay silang mag tanghalian.
Isang white top shirt, ripped jeans at rubber shoes ang suot niya, maliit pa naman ang tiyan niya kaya keri niya pang mag jeans, mukha nga siyang hindi nagdadalantao dahil sexy parin siya at wala pang masyadong pagbabago sa katawan niya except from her mouth na lahat nlng yatang pagkain ay gustong tikman, paminsan-minsan na lang siya kung atakihin ng morning sikness.
"Good morning, Mrs. Lee,"bati sakanya ng nasa information desk. Tinugon naman ito ng dalaga ng matamis na ngiti.
"Nand'yan ba si Brayden?" Tanong niya dito.
"Yes ma'am, andiyan po si sir. I'll call her secretary po para ma confirm natin kung tapos na ang meeting niya."
"No, it's okay."pigil niya dito. "I can wait. Sa office na lang siguro ako maghihintay sakanya," dagdag pa niya.
"Sure ma'am, I'll show you the VIP pass po."
"Ako na ang bahala kay ma'am, I'll escort her papunta sa office ni sir." wika naman ni Lars na ngayon ay personal secretary na niyA at body guard at the same time.
Ginamit nga nila ang VIP pass paakyat sa office ng binata. Wala pang tao do'n nang dumating sila kaya may time pa para mag hain ang dalaga. Ang office ni Brayden ay may receiving area, isang hindi naman kalakihang table at sofa ang naroon. Doon naisip ng dalagang ihain ang mga dalang pagkain.
Saktong tapos na ang ginagawa niya ng bumukas ang pintuan ng opisina. Nasa gilid ang part na iyon kaya hindi agad siya kita ng sinumang darating sa loob niyon.
"Let's eat lunch sa labas, Bray," anang boses babae.
Napasilip si Jane sa pagitan ng mga librong naroon para matingnan kung kaninong boses iyon. Pati si Lars at napasilip na din.
"Come on gutom na ako, kaya pagbigyan mo na ko," maktol ng babae.
Napakunot ang noo ni Jane sa nakikita, nakatalikod ang babae kaya hindi niya makilala ito pero naiinis na siya sa pagpapacute nito sa asawa niya.
"You can eat outside if you want, Eve, marami pa akong gagawin and mas prefer kong magpadala na lang dito ng pagkain kaysa lumabas pa."
"Eve? "Ulit niya sa isip ng pangalan ng babae.
Pinasadahan niya ng tingin ang nakatalikod na babae, at tama nga siya ng hinuha. Si Eve Montecarlo nga ang babaeng iyon. Lalong nakaramdam ng inis ang dalaga dahil dito.
Dumukwang pa ito sa lamesa ng asawa niya at sa tabas ng damit nito ay sigurado siyang kita na ang dibdib nito na sinasadya yata talaga nitong ipakita kay Brayden. Hindi na napigilan ni Jane ang sariling huwag umiksena.
"Ehem!"
Sabay pang napatingin sa dako niya ang dalawa. Napatayo ang binata sa kinauupuan ng makita siya nito. Samantalang si Eve ay nakasimangot na nakatingin sakanya.
"Hi, may dala akong lunch baka gusto n'yong dito na lang kayo kumain?" Bakas ang inis sa boses niya ng sabihin iyon.
"Honey, kanina ka pa d'yan?" ani Brayden na halatang nagulat.
"Yes, infact kanina ko pa nga kayo pinapanood." Humalukipkip ang dalaga habang sinasabi iyon at deritsong nakatingin sa babaeng ngayon ay kaharap na niya.
"J-Jane, what are you doing here?" ani Eve na parang nahuli sa akto na gumagawa ng kremin.
"This is my husband's office, may masama ba kung nandito ako? Ikaw bakit ka nandito?" pikang sagot niya. Nagulat siya sa lumabas na iyon sa bibig niya, hindi niya character ang magtaray pero sa ngayon pwede niyang subukan. Preggy hormones thanks to you.
Napipilan si Eve sa sinabi ng dalaga, ngayon lang niya nakitang magalit ang mukha nito, nakadama siya ng pagkatinag pero hindi siya papayag na hindi makabawi.
"Brayden and I are in good terms, workmates kami, anong masama kung nandito ako? "Taas kilay na balik niya dito.
"Ows, really? The fact that I am here is enough reason for you to get out of this room, Eve." Humakbang pa si Jane para mapalapit lalo sa kausap. "We need some privacy or baka naman gusto mo kaming panoorin?" aniya in sarcastic voice.
Napasimangot na lang si Eve at katakot- takot na irap ang iniwan kay Jane saka nag-martsa palabas ng opisina.
Natawa naman si Jane sa inasal nito, madali lang pala ito e-eliminate aasarin mo lang lalayas na. Binalingan niya ang asawang hindi magawang umimik sa usapan nila ni Eve kanina. Kitang- kita niya ang ngiti nitong kulang na lang yata ay umabot sa magkabilang tenga.
"Hey! Anong nakakatawa Mr. Brayden Lee? "Asik niya dito. Napalitan ng halakhak ang kanina'y malapad nitong ngiti.
"Brayden Lee!" asar na tawag pa ni Jane sa pangalan ng asawa.
"I'm sorry honey, hindi ko kasi akalain na mapapatiklop mo ang babaeng 'yon, saka first time kitang makitang nagtaray." Anito sa pagitan ng pagtawa.
Humaba naman ang nguso ni Jane, mukhang pinagkakatuwaan siya ng mokong na'to. Pero nang makita niya ang singkit nitong mata na nagtago na yata dahil sa pagtawa nito ay hindi na din niya napigilang mapatawa.
Maririnig hanggang sa labas ng opisina ang malutong na tawanang iyon, napapalingon pa sa gawi nila ang mga empleyadong naroon at tila nahahawang nakiki tawa na din sakanila.
Eksaktong alas-kwatro nang lisanin nila ang opisina, hindi na kasi siya pinauwi ni Brayden, sa halip ay ang PA nitong si Lars na lang ang pinauna niya.
Tinatapos ng binata ang mga dokumentong kailangan ng urgent signature niya, panaka-nakang sinusulyapan niya ang asawang busy magbuklat ng mga magazine sa ibabaw ng table sa receiving area ng opisina niya. Culinary magazine ang hawak nito. Culinary student nga pala ito at hindi pa nakukuha ang diploma dahil nagpakasal at nabuntis na ito.
Balak niya sanang pag aralin ito pero siguro after na lang nito manganak.
After two hours, natapos din niya ang ginagawa, pinuntahan niya ang asawa na ngayon ay payapang nakapikit ang mga mata yakap ang isang magazine.
Tinanggal niya ang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito. Her wife was a real beauty, kahit tulog. He smile and planted a kiss into her forehead. She gently open her eyes.
"Hi, did I sleep that long?" Pupungas- pungas na wika ni Jane.
Umiling ang binata. "Let's go para makapagpahinga na ka na?"
Magkasabay na lumabas ng building ang dalawa, walang kamalay-malay sa dalawang pares ng mga matang nakatingin mula sa di kalayuan. Nagbabaga ang mga mata nito sa galit at selos na nararamdaman. Katulad ito ng mga mata ng isang leon na handang manilo ng kanyang mabibiktima. Mga matang pagmamay-ari ni Eve Montecarlo.
"Hindi ako papayag na maging masaya ka Jane, lahat na lang ng dapat na akin ay inaagaw mo. Lagi ka na lang umeeksena sa buhay ko. I will eliminate you. I will make your life miserable!"galit na galit na saad ni Eve sa sarili.
Hindi siya sanay na hindi nakukuha ang gusto, kaya lalong sumidhi ang nararamdaman niyang poot kay Jane dahil parang lahat na lang ng magandang pagkakataon ay in favor dito. "Damn you flirt! "
Pagkasabi niyon ay agad na nitong pinaharurot ang sasakyan palayo. Taglay ang binuong plano kung paano patatalsikin sa buhay ni Brayden. Sinisiguro niyang kusa itong lalayo sa gagawin niya.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...