"Kulang pa ba ang nabasag mong mukha no'ng nakaraan? Gusto mong dagdagan? " anang pamilyar na tinig na nagpamulat ng mga mata ni, Jane. Nakita niya ang kaibigang si Klint, hawak ang braso ni Luiz na nakatapat sa mukha niya.
"Nananakit yang chikas mo brod, "ani Luiz.
"Huwag mo akong tawaging brod, hindi tayo magkapatid," matigas namang tugon ni Klint."Binabalaan kita, kapag ginulo mo pa ulit si Jane tutuluyan ko talaga yang mukha mo."
"Easy, easy.. Pagsabihan mo din yang chicks mo na 'wag mananakit, tingnan mong ginawa sa mukha ko," itinuro pa nito ang ngayon ay namumula ng pisngi.
"Umalis na kayo, hindi nananakit si Jane ng walang sapat na dahilan."
Padabog na tumayo si Luiz, nagpagpag pa kunwari ng damit. Nag iwan ng matalim na tingin sa kanilang dalawa saka tuluyang umalis.
Tinulungan naman ni Klint ang dalagang likumin ang mga nagkalat na gamit saka inalalayan para tumayo.
"Wag ka ng umiyak, sa susunod na pupunta ka dito sa Campus siguraduhin mong kasama mo ako para hindi na maulit 'to".
Lalo namang humagulhol ang dalaga sa sinabi ng kaibigan, mapalad pa rin siya kasi palagi itong nand'yan sa tabi niya. Paano na lang kung hindi ito dumating kanina, baka kung nabigwasan nga siya ng Luiz na iyon.
"Tahan an, 'lika nga dito," pang aalo pa ni Klint sa dalaga. Niyakap niya ito para maibsan ang paghihirap ng kalooban.
Ang tagpong iyon ay hindi nakawala sa mga mata ng mga nanonood sakanila. May mga nagsasabing confirm nga daw ang relasyon nilang dalawa. Meron din namang nagsasabing nakaka touch ang friendship nila, ngunit may mga pares ng mga matang nag aapoy sa galit habang pinapanood sila.
Si Klint Mendoza, varsity player ng kanilang Campus, one of the most valuable player. Magaling talaga siya sa larangan ng sports. Hindi lang sa basketball kundi sa lahat ng ball games. Pati board games umiiskor din ng maganda si Klint. Kaya naman maraming kababaihan sa campus nila ang nagkakandarapa sa kanya para lang mapansin nito. Kaya lang masyadong mailap ito sa mga babae, bukod tanging si Jane lang ang babaeng nakakalapit dito.
Nagpapart time job siya hindi dahil wala siyang pang tustus sa pag-aaral niya. Ginagawa niya iyon para makasama si Jane, gano'n ito ka importante sa kanya. Pero never itong nag confess ng love feelings sa dalaga.
Kahit minsan hindi siya nagpakita ng motibong higit pa sa pagiging magkaibigan nila. Kung ano man ang tunay na nararamdaman nito o kaya tunay na motibo, kung bakit napaka protective nito sa kanya, siya lang ang nakakaalam no'n. Wala ng iba.
Napaka hirap para sa dalaga ang kalahating araw na ititigil niya sa school, minsan ayaw na niyang pumasok dahil sa kaliwa't kanang mga masasakit na salitang naririnig niya sa mga tao. Kung pwede nga lang niyang hilahin ang mga araw para matapos na agad ang isang buong lingo.
Bagamat mahirap sinisikap ng dalagang 'wag maapektuhan ang kanyang pag-aaral. Isa siya sa mga nakikitaan ng magandang performance sa klase nila. Kaya hindi siya papayag na masira ang kanyang pag-aaral.
"Okay class, tomorrow we will be having a tour in some of the finest restaurants here in the Philippines. We chose three five star rated restaurant. And tomorrow we are going to the famous "Kusina at Dahon" restaurant. Siguro naman pamilyar kayo sa kainang ito. Talaga namang dinadayo sila ng mga kababayan natin both local and abroad. Sikat na din siya sa ibang bansa lalo na sa Korea." Mahabang litanya ng kanilang guro.
"Sir, yan po ba yung kapag kumain ka sa loob ay hindi uso ang kutsara?"
"Correct, you will experience extra ordinary adventure when it comes to their kitchen kasi kakaiba din ang way of cooking nila."
Nakaramdam ng excitement ang dalaga ng marinig ang announcement na iyon ng kanilang teacher.
"And another thing, all of you will be their one day crew, from kitchen to dinning until the very last part of their process you will be involved, magbubunutan na lang tayo kung saan area kayo mapapalagay para fair, is that okey? " dagdag pa ng teacher nila.
"I suggest na sa dish washing na lang si Jane kasi perfect na niya ang job na 'yon right Jane? " si Eve yun na halata ang pagkadisgusto sakanya.
Nagtawanan ang iba sa mga kaklase nila. Hindi na lang umimik ang dalaga para hindi na humaba ang usapan.
"I said magbubunutan para fair.. Kung ayaw n'yo magbunutan I will be the one to assign kung saan kayong area. At mag babase ako sa grades n'yo." anang guro.
"Bunutan na lang po sir para fair," wika naman ng kaklase niyang nasa bandang dulo. Bahagya pa itong ngumiti sakanya.
Kahit papa'no pala meron pala sa klase nila ang magbibigay ng ngiti sakanya.
"Okay we're settled then. Magkita-kita tayo bukas 5am sa labas ng campus. Ihahatid tayo ng school bus papunta sa lugar. So, that would be all for today. Goodbye class."
"Goodbye, sir!"
Ilan lamang sakanila ang tumugon sa kanilang professor busy na din kasi ang lahat magligpit ng kani-kanilang gamit.
"Hey you! Fish," napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig.
Si Eve 'yon, nagpalinga-linga pa siya para kumpirmahin kung siya ba talaga ang tinutukoy nitong fish.
"Wag ka nang lumingon-lingon d'yan, ikaw lang naman ang may malansang amoy dito," mataray na turan pa nito sakanya.
Ipinagpatuloy lang ng dalaga ang ginagawang pagliligpit ng gamit. Ang pinaka effective na gawin ay ang umiwas sa mga katulad ni Eve. Para iwas gulo. Pero sadya yata talagang ang hanap nito ay gulo. Dahil lumapit pa ito sakanya at isinabog ang mga gamit na katatapos lang niyang ayusin at ligpitin.
"Napipikon na ako sa'yong babae ka. Sa tingin mo natutuwa ako sa ginagawa mong pang de-deadma sakin?" Mataray na turan nito sakanya.
Tinitigan ni Jane ang mga nanabog niyang gamit. Nagpupuyos na ang dibdib niya sa inis. Konting-konti na lang papatulan na niya ang babaeng to. Mariin niyang naikuyom ang mga palad. Hudyat iyon na sobra na pagpipigil niya sa sarili.
She decided to be calm and still, she took a deep breath and started to gather her stuff again. Pero wala talagang plano si Eve na palampasin siya ngayong araw, gusto nitong makita kung paano siya magalit at masagad ang pagtitimpi.
Muli nitong isinabog ang mga gamit ng dalaga. Pagkatapos ay tumawa ng may halong pang iinsulto.
"Ganyan ka ba pinalaki ng parents mo?" Halos lahat ng nasa loob ng classroom na iyon ay napalingon sa pinanggalingan ng boses. Isang matipunong lalaki ang pumapasok ng dahan-dahan sa silid-aralan.
"Si Klint Mendoza!" Anang isa nilang kaklase. Biglang natigilan si Eve nang marinig ang pangalan ng lalaki.
"Akala ko napalaki ka ng maayos ng magulang mo, dahil meron kang mamahaling damit sa katawan, latest gadget sa kamay at nag-aaral sa magandang paaralan.. Pero ayon sa nakikita ko, mukhang nagkamali yata ako ng akala," anang binata.
Si Klint na din mismo ang naglikom ng mga gamit ni Jane. Ngunit bago tuluyang lumabas ang magkaibigan sumulyap pa ang binata kay Eve at sa mga kasama nito. It was a warning look for them. He left no words but his message is clear enough to understand what he wanted to tell Eve and his friends.
Walang nagawa ang grupo ni Eve kundi panoorin ang pag lakad ng dalawang magkaibigan. Nang tuluyang makalayo ay saka pa lamang naka pag react si Eve.
"That wicked woman! Makikita niya!" Galit na galit si Eve ng sabihin iyon. Tinadyakan pa nito ang isang upuang nakaharang sa dadaanan. Doon ibinuhos ang inis na nararamdaman kay Jane.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...