2 years later..
"Jane, mamaya mo na ituloy yan, halika na muna magmeryenda!" tawag ng matandang madre na nasa may ilalim ng puno ng mangga, inilalabas nito ang dalang mga pagkain ng kanilang bisita.
"Sandali na lang po ito, sister Julie!" tugon niya. Pagkatapos masaid ang sampaying nasa batya ay lumapit na siya sa mga ito.
Matamang nakatitig sakanya ang lalaking kani-kanina lang dumating.
"Ohh, bakit ganyan ka makatingin may dumi ba ako sa mukha?" nakangiting tanong ng dalaga.
"Naku, namiss ka lang niyang si Klint. Kung malapit nga lang itong bahay ampunan sa restaurant nila ay baka araw-araw iyang narito," tudyong wika ng Madre.
Tipid na ngiti lang ang itinugon ng binata sa turan na iyon ni Sister Julie, saka hinarap ang kaibigan. "Kumusta ka naman dito, Jane?" Seryosong tanong niya dito.
"Okay naman, bakit mo naitanong?"
"Wala lang, para kasing nawiwili ka na dito, hindi ka pa ba babalik sa Manila?"
Nawala ang ngiti sa labi Jane sa sinabing iyon ni Klint. Dalawang taon na ang nakalipas, simula ng lisanin niya ang Maynila.
"Jane? What happened? " nagtatakang tanong ni Klint ng dumating ang dalaga sa kanyang opisina.
"Klint.. " naiiyak na tawag nito sakanya.
Mababakas sa mukha nito ang matinding pagdadalamhati, namamaga na rin ang mga mata nito na halatang matagal nang umiiyak. Agad niyang sinalubong ng yakap ang kaibigan at inalalayang makaupo.
Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang nangyari ditong pagkakaospital at ang pagkawala ng baby nito, she visit her in the hospital but she was in a coma during that time.
And the next day, nalaman niyang na discharged na pala ito. Dadalawin niya dapat ang kaibigan sa weekend para kumustahin, kaya naman laking gulat niya nang makita ito ngayon at nasa ganoong itsura.
Her long hair was gone, her eyes were swollen and she look miserable. Ilang minute din ang lumipas nang unti-unti na itong tumahan sa pag iya, binigyan niya ito ng bottled water na nasa ibabaw ng kanyang table para kumalma.
"Here, take this," aniya dito saka inabot ang tubig.
She told him the whole story, at hindi makapaniwala si Klint na lahat ng iyon ay nangyari sa kaibigan. Matagal na panahon niyang prinotektahan ito noon, nawalan na lang siya ng pagkakataong gawin iyon ng mag asawa na ito.
"Hindi parin talaga nagbabago ang Brayden Lee na iyon," tiim bagang na turan niya.
"Can I ask you a favor, Klint? "Anang dalaga habang nagpupunas ng luha.
"Go ahead, tell me."
"Gusto kong lumayo sa lugar na'to, kahit saan basta huwag lang dito," humihikbi nanamang wika ng dalaga.
Inabot niya ang kamay ng kaibigan at marahang pinisil iyon. Nahahabag siya sa kalagayan nito ngayon, hindi niya kayang tiisin ito na nasa ganoong kalagayan. He promised to her mom that he will take care of her.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...