Chapter 29

14 4 0
                                    

     Inilibot ni Jane ang paningin sa bulwagang sila din ang nag gayak, bawat sulok ng bulwagang iyon ay may mga bulaklak, mas marami nga lang ang nasa stage, may mga upuang pambata at pang adult na katulad nila.

     May nakahaing pagkain na sponsored naman ng restaurant ni Klint, siyempre with catering services na kasama. It was a simple ambiance fit for a kid and adult. May mga floating balloons din na kulay asul, pink at puti.

     Nagsisimula nang marelax ang dalaga sa paligid nang umakyat sa stage ang inupahan nilang radio DJ para maging master's of ceremony.

     "Ladies and Gentleman, tonight we are truly bless to witness this very important event in Angel's Home. The shelter for tomorrow's future and a home for every child who had been dreaming to have a much secure and brighter future."

     Marami pang sinabi ang emcee, naka focus lahat halos ang nandoon pwera kay Jane na abala sa pag aayos ng table ng darating na bisita, sinisiguro niyang maayos ang dadatnan ng mga ito bilang pagpapakita na din na lahat silang naroon ay buong-puso ang pasasalamat sa tulong na ibinigay ng mga ito sa ampunan.

     Nasa ganoon siyang pag- iisip nang isang kamay ang humablot sa braso ng dalaga at hilahin siya palayo sa karamihan ng tao. Wala siyang nagawa kundi sabayan ang malalaking hakbang nito, ayaw niyang mag cause ng gulo sa okasyon na iyon.

     Nang marating nila ang ilalim ng puno ng mangga, saka lamang siya binitawan nito. Ngunit parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Jane nang mapagsino ang taong humila sakanya.

     "B-Brayden?" Gulat na gulat na turan ng dalaga.

     "Ako nga, are you not expecting me to be here?" kalmadong tugon naman ng binata.

     Hindi naka imik si Jane, siyempre expected niyang darating ito pero ang hindi niya inaasahan ay ang pag uusap nila ngayon. Agad na bumilis ang sikdo ng dibdid ng dalaga.

     "I-I know you're coming pero hindi ko inaasahan 'to." pag amin ng dalaga. Akala niya masosorpresa niya ito kapag nakita siya nito sa bahay ampunan.

     "Bakit ano bang inaasahan mo?"

     "W-wala, pwede ba bumalik na tayo sa loob? Let's just pretend na hindi tayo magkakilala." Kita niya ang pag tiim ng bagang nito at pagkuyom na kamao.

     "Why would I do that?" Tigas nitong tanong.

     "Look, hindi naman sobrang liblib ng lugar na 'to para hindi maging updated sa balita Brayden, Alam kong masaya ka na ngayon, kayo ni Eve at ang anak ninyo and I don't want to butt in with your happy life." Nakadama ng kirot ang sariling dibdib ni Jane habang binibigkas ang mga salitang iyon. "Please, Let's just continue to be what we are for two years."Pagkasabi niyon ay humakbang si Jane paalis na sana sa lugar na iyon nang muli siyang hilahin nito.

     "Bakit? Masaya ka na ba ngayon kay Klint?" malungkot na tanong nito sakanya na bahagyang ikinakunot ng noo n Jane.

     "What?"

     "Are you happy with him kaya ganyan ka kalamig sakin, Jane?"

     Medyo nasaktan siya sa pag tawag nito sa pangalan niya, nasanay kasi siyang honey ang tawag nito sakanya. "Anu bang sinasabi mo d'yan? Bakit nadamay dito si Klint?"

     "Just answer me!" Pasigaw na utos ni Brayden.

     Natigagal naman si Jane sa sigaw na iyon, medyo kinabahan siya but she immediately regain her composure.

     "He's my best friend even before we met and he's been my friend to this day. What the hell are you trying to impost?" Gigil na singhal na ng dalaga.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon