Pagkatapos kumain ng almusal inihatid siya ni Brayden sa pinapasukang paaralan. Umalis din ito agad dahil malelate na daw ito sa flight niya.
Akala niya it was just an ordinary day na katulad ng dati. Hindi pala.Pagpasok niya ng campus ay matatalim na mata ang bumungad sakanya, nagbubulungan ang ilan sa mga kapwa niya studyante habang nakatingin sa mga cellphone nito.
Buti na lang maagap talaga ang kaibigan niyang si Klint, hinila siya palayo sa karamihan at ipinakita sakanya ang scandal patungkol sakanya.
Two scandal in a day.
Naka published na agad ang nasabing scandal sa kanilang Campus Online Newspage. Ang unang scandal ay tungkol sa pakikipag live-in daw niya sa kanyang matalik na kaibigan, kuha ang picture sa kanyang boarding house. Magkahawak sila ng kamay habang magkasabay na palabas ng gate.
Ang ikalawang scandal ay ang pagiging immoral daw niyang babae. Nakuhanan pala sila ng picture ni Brayden habang magkahalikan. Nakita pang isinakay siya nito sa loob ng sasakyan at magkasamang umalis sa paaralan.
Napakadaming bashers niya ngayon sa online world ng kanilang campus. Nakilala ang uniform na suot niya kung saang department siya at doon katakot-takot na batikos ang natamo niya.
Isa daw siyang dakilang kahihiyan sa kanilang skwelahan, Nabubuhay daw siya dahil sa pakikipagrelasyon kung kani-kaninong mayaman. Madami pa siyang nabasang masasakit na salita galing sa mapanghusgang mga schoolmates.
Daniel dito, ipinatawag siya sa opisina ng kanilang paaralan para magpaliwanag patungkol sa kinasasangkutang issue, nadepensahan naman nilang magkaibigan ang tungkol sa kanilang dalawa pero hindi niya nagawang depensahan ang litrato nilang dalawa ni Brayden.
Paano nga ba niya ipapaliwanag 'yon? Nakipaghalikan siya sa isang estranghero?
Paano niya patutunayan na wala silang relasyon?
Bakit nga ba siya makikipaghalikan doon kung wala silang relasyon?
Paano niya ipapaliwanag yung pagbuhat sakanya ng binata papasok ng sasakyan?Sumasakit ang ulo si Jane sa mga isiping iyon. Sabagay wala din naman siyang pakialam sa sinasabi ng iba, hindi naman niya hinihingi sa mga ito ang ipinangtutuition niya. Pero kahit na, sa kaibuturan ng kanyang puso nasasaktan siya.
Reputasyon niya ang nadungisan, gusto niyang ipagsigawan sa mga ito na hindi siya gano'ng klase ng babae, matino siya. Nabubuhay siya ng marangal, taliwas sa mga iniisip nila patungkol sakanya.
Warning ang natamo ng dalaga mula sa kanilang guidance counselor at kapag naulit pa ang eksenang kinasangkutan kanina ay expulsion na ang ipapataw sakanyang parusa.
Gano'n pa man, tuloy ang buhay. Kapag ngayon pa siya masisiraan ng loob sayang lamang ng pagpapakahirap niya ng maraming taon. Malapit na din naman siyang mamaalam sa campus na iyon. "Konting tiis na lang, konting-konti na lang... "
Iyon na lamang ang pampalubag niya sa sarili. Ang katotohanang malapit na siyang magka diploma.
***
Pagdating ni Jane sa school kinabukasan ay hindi parin mamatay-matay ang issue tungkol sakanya, pero pinatigas na niya ang puso para hindi na maapektuhan ng mga mapanuring mga kapwa etudyante lang din niya.
Papasok siya nang canteen para doon sana mag almusal. Pumila siya sa student lane para kumuha ng pagkain.
"Eww, parang nakakawalang gana naman yata kumain ngayon ng breakfast may mabahong amoy kasi akong naaamoy," anang isang babae na walang kasing arte ang tinig.
"Saan? Wala naman ah?" Suminghot-singhot pa ang kasama nito. Ngunit ng mapatapat sakanya ang pang amoy nito ay biglang ngumiwi ang mukha nito. "Eww, oo nga.. Ang lansa ng amoy."
Ayaw niyang patulan ang grupong iyon dahil kilala ang mga ito sa pambubully ng mga kapwa estudyante sa campus nila. Ayaw niyang maging pulutan ng mga ito.
"Excuse me, doon ka nga sa dulo.. Para ganahan naman kaming kumain. Yung hindi ka namin maaamoy,"deretsang patutsada sakanya ni Eve.
Pakiramdam ni Jane ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. Gustong-gusto na niyang upakan ang babaeng ito. Huminga ng malalim ang dalaga. Wala siyang mapapala kapag pinatulan niya ang grupo nito. Mas minabuti niyang wag na lang mag almusal sa canteen ngayong araw. Kaysa naman mapa-away pa siya. Hindi niya babaliin ang motivation niya sa buhay.
"Konting tiis na lang.... "
Palabas na siya ng canteen ng makasalubong ang grupo ng mga lalaking nakabangga nilang dalawa ni Klint sa tapat ng kanilang gate. Iiwasan sana niya ang mga ito pero parang nananadya naman yata ang mga ito dahil sinadya ng isa sakanila ang bungguin siya sa balikat.
Pabalya siyang napaupo sa pathway, bahagya pang nanabog ang dala niyang mga gamit. Sumakit ang balakang niya sa pagkakabagsak na iyon.
"Uuyyy, si Miss mapagbigay pala to," umpisa ng lalaking bumunggo sakanya.
"Bakit Miss mapagbigay? "Malokong tanong ng isa pang kasamahan ng grupo.
"Aba, akalain mo pati kaibigan pinagbibigyan."
Sabay-sabay na nagtawanan ang mga lalaking iyon. Nababastusan na talaga ni Jane pero nagtitimpi parin siya. Ayaw niya ng gulo. Tumayo siya at akmang dadamputin isa-isa ang mga kwardernong nahulog sa pathway. Ngunit bago pa man niya yun nadampot ay nahablot na iyon ni Luis. Yung lalaking nakatanggap ng straight punch kay Klint.
"Pwede kitang tulungan pero, pwede mo din ba kaming pagbigyan? "Mahalay na bulong nito sa kanyang tenga.
Nagtayuan ang balahibo ng dalaga sa ginawang iyon ni Luiz, napaka bastos ng bibig ng lalaking ito. Dapat lang talaga dito ang masapak paminsan-minsan.
"Sige na, sigurado akong magaling ka sa kama, biruin mo kahit outsider nakaka bingwit ka, 'wag ka namang madamot sa'min, Jane." Pagkasabi no'n ay hinawakan pa nito ang dalaga sa braso.
Doon na hindi nakapag pigil ang dalaga. Otomatikong lumipad ang kamay niya at pinadapo iyon sa pisngi ni Luiz.
Paaak!
Parang tumigil sandali ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Kitang-kita ni Jane ang pag baling ng mukha nito papunta sa kabila dahil sa lakas ng pagkakasampal niya.
Siguradong masakit iyon dahil ang kamay niya mismo ay nanakit sa tigas ng mukha nito.
"Walanghiya ka!.."galit na galit na baling nito sa kanya.
Kitang-kita niyang lumipad sa ere ang kamay nito. Sigurado siyang dadapo din iyon sa mukha niya. Wala siyang ibang nagawa kundi ipikit ang mga mata at hintaying maramdaman ang mga kamay na iyon sa kanyang mukha. Hindi pa man din iyon dumadapo sa mukha niya ay nag uunahan ng lumabas ang mga luha sa magkabila nilang mga mata.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...