Chapter 12

66 42 24
                                    

     Matiyagang naghintay si Jane sa pagdating ng kanyang asawa mula sa business trip nito sa korea. Dalawang araw lang pero pakiramdam ng dalaga dalawang linggo na itong nawala sa tabi niya.

     Hindi niya mapigilan ang excitement habang tinitingnan ang orasang nakasabit sa dingding ng kanilang kwarto. Napabalikwas pa siya ng bangon ng marinig ang katok sa pintuan.

     "Jane,"anang tinig sa labas.

     Bagamat na disappoint ng konti si Jane dahil akala niya ay boses na ni Brayden ang maririnig niya ay bumangon parin ang dalaga at pinagbuksan iyon. Boses kasi iyon ng kanyang biyenang babae.

     "Hija, hindi ka ba naboboring sa kwarto mo?" anang matandang ginang.

     "H-hindi naman po m-mommy,"nahihiyang tugon niya. Hindi pa siya gaanong sanay na tawagin itong mommy.

     "Darating na mamaya si Brayden, gusto mo bang mag shopping o kaya mag pa make-over sa salon? Pasasamahan kita sa driver natin? "

     "H-hindi na po mommy, okay lang po ako."

     "Hija, sige na. Dapat magandang maganda ka 'pag dumating ang asawa mo. Sige na, pasasamahan kita kay Lars at mang Tony," giit pa ng matanda na ang tinutukoy ay ang ladyguard nila at driver.
"Sige na hija, para kapag dumating ang asawa mo ay mas lalo siyang mabighani sa'yo."

     Natagpuan na lamang ni Jane na nasa loob na siya ng isang kilalang salon and spa, nakatayo sa di kalayuan niya si Lars na siya niyang body guard ng araw na iyon. Pinili ni Jane na mag pa-massage na lamang at konting make over, natuwa naman siya dahil binigyan pa siya ng mga tips para ma-maintain daw ang natural niyang ganda kahit nasa bahay.

     Pauwi na sila ng mapadaan sa coffee shop na pinapasukan dati ang sasakyan nila, nakita niya si Klint na nakatambay sa labas ng shop.

     "Making, pwede n'yo po'ng itabi sandali?"aniya.

     "Sige po, ma'am."

     Bumaba siya ng sasakyan, nang mapansing kasunod niya ang bodyguard ay tumigil siya sandali at hinarap ito.

     "Okay lang ba kung sa sasakyan mo na lang ako hintayin?" wika niya dito sa tonong nakikiusap.

     "Pero bilin po sakin ni Madam Lee na 'wag akong lalayo sainyo, maam."

     "Don't worry, d'yan lang naman ako sa coffee shop na 'yon, may kakausapin lang akong kaibigan."

     Tinanaw pa nito ang tinutukoy niyang coffeeshop bago pumayag.

     "Sige po ma'am, pero sa labas ng sasakyan po ako maghihintay sainyo."

     "Thank you, sandali lang ako promise."

     Agad ng tinungo ng dalaga ang kinaroroonan ng kaibigan. Excited siyang lumapit dito.

     "Klint!"

     Kita ni Jane ang pagmulagat ng mata nito ng makita siyang parating. Nang tuluyang makalapit ay nagulat siya sa mahigpit nito pagyakap sakanya.

     "K-Klint, teka hindi ako makahinga,"angal niya sa kaibigan.

     "Saang lungga ka nanggaling, Jane? Ang tagal ko ng naghahanap sayo?"

     Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. Naawa bigla ang dalaga sa kaibigan. Bakit nga ba hindi niya naisipang tawagan ito o itext man lang.

     "S-sorry, nawala sa isip kong kontakin ka," paliwanag niya dito.

     "Anu? Nawala sa isip mo? Alalang- alala ako sa'yo, akala ko kung napaano ka na. Ang sabi ni Eve, huling nakita ka daw niya sa bar may kasamang mga lalaki, anong ginagawa mo sa bar?"

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon