"Are you okay, Miss?"
Iyon agad ang narinig niyang tanong.
Narinig niya ang pagsara ng pintuan ng sasakyan at ang pag andar ng makina nito.
Dahan-dahang iminulat ni Jane ang mga mata. Bumungad sakanya ang nag-aalalang mukha ng gwapong lalaki.
"Are you alright?" Tanong pa uli nito sakanya.
"S-sino ka? A-anong kailangan mo sakin?" naiiyak na tanong naman dito ng dalaga.
"I'm Brayden Lee"
"B-Brayden? "Kabadong usal ng dalaga sa pangalan nito.
"Yes, that's right," bahagyang ngumiti ang binata.
"H-hindi kita kilala, anong kailangan mo sakin? Saan mo'ko dadalhin?" Sunod-sunid na tanong ditk ni Jane.
"Hey, relax, I'm not a bad person," seryosong wika nito.
Hindi maiwasan ng dalagang titigan ito sa mukha, napakagwapo nga naman nito para pagkamalan niyang masamang tao, ang amoy ng pabango nito na dumikit na yata sa ilong niya ay makakapagsabing galing ito sa maayos na pamilya.
Tiningnan niya ang dalawang lalaki sa unahan ng sasakyan. Waring naunawaan naman agad ng binata ang namumuong tanong sa utak niya.
"Those are my bodyguards, including the people inside the car behind us." Paliwanag ng binata.
Ngayon lang napansin ng dalaga ang itim na kotseng kasunod nila.
"Anong kailangan mo sakin?" Tanong pa uli ng dalaga.
"Actually, I just wanted to give this to you." Inilabas nito sa bulsa ang isang wallet na pambabae.
Nanlaki naman ang mga mata ni Jane ng makita ang sariling wallet.
"You left that on the table sa convenient store, remember?"
"Ito yung dahilan kaya hinahabol mo ako ng gabing yun?" Gilalas na tanong ni Jane dito.
"Precisely, but you run away too quickly, am I look like a bad person to you?" nababahalang tanong ni Brayden sa dalaga.
Biglang nabalot ng hiya ang katawan ni Jane ng mga sandaling iyon, kung pwede nga lang maglaho na lang siya bigla sa harapan ng kausap. Hindi niya sukat akalain na ang pinag-iisipan niyang masama ay mag sasauli lang pala ng wallet niyang naiwan.
"I'm sorry, I've got a wrong idea about you." Nakayukong hingi niya ng paumanhin dito.
"Sabi ko na nga ba napagkamalan mo akong masamang tao," natatawang sambit ng binata.
"I-I'm very sorry.. "
"It's okay, sa tingin ko naman nakabawi na ako," pabirong saad nito habang nakasulyap sa mga labi ng dalaga. "I'm sorry if I kissed you, it is the only way I thought to stop you from screaming."
Nag init ang pisngi ng dalaga sa tinuran nito, at alam niyang hindi maikukubli ang pamumula niyon sa harap ng binatang kaharap niya.
"Can I ask you something? " Seryosong tanong ng binata.
Bagamat nahihiya ay tiningnan ng dalaga ang kausap, nabakas niya sa mukha nito na sincere itong nagtatanong.
"A-anu yun?"
Nag aalangan ngunit lakas loob na din na nagtanong ang binata."Is it your first kiss?"
Hindi kayang sagutin ng deritso ni Jane ang tanong na iyon ng binata, nagbaba siya ng mukha na tila gustong itago ang mga iyon.
"Y-you don't have to answer that, I think I already knew what's on your mind."
Kung anuman ang nasa utak ng lalaking ito, ay wala na siyang pakialam. Basta never nitong malalaman na siya ang unang umangkin sa mga labi niya.
"Can I ask you to have a breakfast with me?" Nag aalangan parin na turan ni Brayden. Pero umaasa siyang sana ay pumayag ang dalaga.
Tatanggihan sana ito ni Jane kaso hindi nakisama ang tiyan niya, talaga namang ngayon pa kumulo. "Haisst!"aniya sa sarili.
"I guest its a yes, right?" Natatawang kumpirma ni Brayden na ang tinutukoy ay ang pagkulo ng tiyan niya.
Sa isang korean restaurant sila humantong ng umagang iyon. Obviously, korean ang binata kaya malamang korean food ang hanap nito. First time in her life na makakakain siya ng korean dish, magandang opportunity din to para magka-meron siya ng idea kung anong lasa ng korean food.
Hinayaan lang niyang umorder ang binata para sa kanilang dalawa. Korean sea food noodles ang inorder nito. Nang maihain ay may kasama pala laging side dishes every order ang mga authentic korean restaurant, at least ngayon alam na niya.
"Flight ko na mamayang after lunch pabalik ng Korea," wika ng binata sa kanya.
So it's confirmed, korean nga ang lalaking ito. "G-gano'n ba? have a safe trip sayo kung gano'n"
"Matatagalan siguro bago ako makabalik ulit dito sa Pilipinas."
Tama ba yung naririnig niya? Bakit parang malungkot yata ang boses nito ng sabihin iyon. Saka bakit sakanya nito sinasabi ang mga 'yon gayong stranghero pa naman sila sa isa't- isa.
"Koraeno ang itsura mo pero ang fluent mo mag tagalog? Matagal ka na dito?" Pinasigla niya ang boses para maibsan ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Saka para na din ilihis ang topic.
"Dito ako nag aral, kaya marunong ako mag tagalog. Kung hindi nga lang related sa family business hindi ako babalik sa Korea."
"Maganda naman ang reason ng pagbalik mo kaya di mo kailangang malungkot d'yan," kunwaring natatawa niyang wika.
Natigilan ang binata sa sinabi niya, bakit nga ba parang ang bigat ng pakiramdam niya sa pag alis niya ngayon. Ilang beses na siyang nag paroo't parito pero parang ngayon lang niya gustong magtagal pa sana.
Nagsimula 'yon ng makita niya ang kaharap sa tapat ng convenient store, he was so fascinated with her. Naupo pa nga siya sa harap nito para mapansin siya nito ng araw na 'yon. Kaya naman sobrang disappointed siya ng bigla itong tumayo at umalis.
Matagal na niyang nakitang naiwan ng dalaga ang wallet niya pero pinalipas muna niya ang ilang minuto bago iyon damputin at isauli. Gusto niya kasing malaman kung saan ito nakatira. Kaya palihim niya itong sinundan, unknowingly na nakita siya ng dalaga kaya bigla itong nawala sa paningin niya. Ang ending, napagkamalan siyang masamang loob.
Nakita niyang student ang dalaga sa school na 'yon kaya inabangan niya talaga ang dalagang dumating kaninang umaga sa tapat ng school. At hindi niya inasahan ang mga sumunod na nangyari.
Natatawa si Brayden kapag naaalala niya ang reaksyon ng dalaga ng makita siya sa school, para itong nakakita ng multo sa sobrang takot.
"Sana pagbalik ko, magkita uli tayo."Anang binata .
Hindi naman malaman ng dalaga kung gugustuhin niya pa ba itong makita muli o hindi na. Sa dami ng nakakahiyang pangyayaring namagitan sa kanila. Pakiramdam niya wala na siyang mukhang ihaharap dito.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...