Jane remain in silent inside the car beside her husband. Her head hurts and feeling dizzy. It was a strange feeling. Maayos pa kasi ang pakiramdam niya kanina ng umalis ng bahay.
"Are you okay? Namumutla ka." Nag-aalalang tanong ni Brayden sakanya.
Tumango siya. "Okay lang ako, siguro dahil sa init lang to kanina sa labas ng restaurant," aniya habang nakapikit ang mata.
Naalala nanaman ni Brayden ang lalaki kanina sa restaurant, pamilyar ito sakanya pero hindi niya alam kung saan niya ito nakita. Para maibsan ang iniisip lakas loob na siyang nagtanong sa dalaga.
"Sino siya?"he asked in bitter tone.
Nagmulat ng mata ang dalaga, para kumpirmahin sa mukha ng asawa kung tama ba yung tono ng boses nito na narinig niya. Mataman itong nakatitig habang hinihintay ang sagot niya.
"He's my friend," maiksi niyang tugon.
"I don't like you being touched by someone else," he fiercely said.
"He is like a brother to me, saka inalalayan niya lang ako kanina."
Hinawakan ni Brayden ang kamay ng asawa na nakapatong sa kanyang hita saka bahagya niya itong isinandal sa sariling dibdib. Pinalis na lamang niya ang selos na nararamdaman at mas inunawa ang kalagayan ng asawa.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"Nahihilo parin ako pero medyo okay na kumpara kanina."
"Dadalhin kita sa doctor para matingnan ka."
"Hindi na kailangan, I just need some rest. Mamaya magiging maayos na ako."
"Are you sure?"
Tumango si Jane bilang tugon. Kampante niyang inihilig ang ulo sa dibdib ng asawa, his manly scent make her more relaxed. Hindi na niya namalayan kung paano nakarating ng bahay. Hindi niya mapigilan ang pagbigat ng talukap ng mata at mahulog sa mahimbing na pagtulog.
The next day morning, nagising si Jane sa pangangasim ng sikmura, napabalikwas siya ng bangon at patakbong tinungo ang kanilang banyo, halos mailabas na niyang lahat ang laman ng tiyan pero hindi parin tumitigil ang pag duwal niya, nanlulumong napaupo ang dalaga sa tabi ng toilet. Good thing na araw- araw kung maglinis ang maid nila kaya siguradong malinis ang toilet na iyon.
She was there for a couple of minute bago nakaipon ng sapat na lakas para makatayo at maglakad pabalik ng kama. She saw a sticky note posted on her side table with a piece of stemed rose. "Honey, I didn't wake you up. I'm off to work. See you later, i love you."
Nangiti si Jane sa extra sweetness ng asawa. Muli siyang nahiga, pahuhupain lang niya ang pangangasim ng sikmura saka bababa.
Brayden was busy in front of his executive table reading some documents and studying financial report.
"Sir, may naghahanap po sainyo sa labas anak po ni Mr. Montecarlo," magalang na turan ng kanyang secretary.
Napakunot naman ang noo ng binata, hinapuhap muna niya sa isip kung sino ang tinutukoy na bisita. Si Mr. Montecarlo ay investor ng kanilang kumpanya pero hindi niya kilala ang mga anak nito.
"Ano daw kailangan niya?"
"Gusto daw po kayong makausap ng personal."
"Ok, let her in."
"Yes, sir."Nang lumabas ang kanyang secretary ay kasunod naman nitong pumasok ang isang mistisang babae. Na-disappoint ang binata ng makilala ang dumating.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...