"Jane! Jane!"
Napalingon ang dalaga sa pinanggalingan ng boses. Natawa pa siya ng bahagya ng matanaw si Klint na humihingal sa kakahabol sakanya.
"Bakit ka nandito? Mas malapit ang bahay mo sa school, hiningal ka pa tuloy,"natatawang puna ng dalaga sa kaibigan.
"May binili akong gagamitin ko sa project malapit dito sainyo kaya sabi ko dadaanan na lang kita para sabay na tayo," sagot ng kaibigan sa pagitan ng paghingal.
"Ganon ba, dahil diyan sagot ko pamasahe mo ngayon," masayang aniya kay Klint.
"Wag na, alam kong mas kailangan mo ang pera, ako na ang bahala sa pamasahe natin," tanggi namn ng binata sakanya.
"Minsan lang ako manlilibre kaya grab mo na lang," natatawang saad ni Jane.
"Sige ba, ikaw ang bahala."
Kinapa-kapa ng dalaga ang walket niya sa bag pero nakakailang balik-balik na ang kamay niya sa loob ay wala parin siyang makuhang wallet.
Bahagya pa niyang ipinatong sa tuhod ang bag niya para mas makita niya ang loob nito pero bigo siyang makita ang pitakang hinahanap.
Pinagpawisan ng malamig ang dalaga, nasa wallet niya kasi ang atm card ng savings niya. tapos halos lahat ng government id's at school id niya. Paano siya makakapasok sa campus nito. No id no entry ang policy ng school nila.
"May problema ba, Jane?" Usisa ni Klint. Napansin siguro nitong pinagpapawisan siya ng malamig.
"Nawawala yata ang wallet ko eh,"kinakabahang sagot niya.
"Ha? Kelan pa? Baka nasa boarding house mo?Tara, balikan nation." Hinila na siya ng kaibigan pabalik sa inuupahang bahay.
Hinalungkat na nila ang buong bahay pero hindi nila nakita ang wallet ng dalaga.
"Saan mo ba huling ginamit ang wallet mo, Jane?" Nag aalala din na tanong ng binata sa kaibigan.
Napaisip ang dalaga sa tanong ni Klint, "Saan nga ba?" Lalong nanlamig ang dalaga nang maalala kung saan ang huling beses na ginamit niya ang pitaka.
Napilitan siyang ikwento dito ang nangyare sakanya ng gabing iyon. Ang lalaking nakipag share sakanya ng upuan at pagkatapos ay nanghabol sakanya at ang itim na van.
Nanlulumong lumabas ng bahay ang magkaibigan, hawak ni Klint ng mahigpit ang kamay ng dalaga. Alam niya ang mga pinagdaraanan hirap ng kaibigan para lang kumita ng pera. Lalo siyang nahabag dito.
Nasa labas na sila ng gate nang makasalubong ang ilang mga schoolmate nilang magkaibigan.
"Oh? Live in na kayo? Ayos ahh."
Nagpanting ang tenga ni Klint sa sinabing iyon ng pinaka bossing yata ng grupong iyon.
"Pare, hindi ito ang tamang timing para mag joke ka ng ganyan, ayusin mo yang dila mo pre," yamot na turan nito sa nagsalitang lalaki.
"Bakit? Nabuntisan mo na ba? Hanep ang lupit mo pre.. Ganda ng katawan ng chicks mo," pang iinsulto pa nito.
Hindi nakapag pigil si Klint kaya naman tumama sa nguso nito ang isang straight punch galing sa kamao niya. Saka pa lamang parang natauhan ni Jane na kasalukuyang tulala kakaisip sa nawawalang wallet, nakita niyang humandusay sa lupa ang sinuntok ng kaibigan.
"Klint, tama na." Saway niya dito.
"Pumili ka ng babastusin pare, o kaya maghanap ka ng ibang pagti-tripan," banta pa ng binata. "Hindi gano'ng klaseng babae ang kaibigan ko."
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...