Dahan-dahang inilapat ni Jane ang likod sa kamang tila kanina pa naghihintay na higaan niya. Sa tuwing uuwi siya sa inuupahang bahay, saka lamang niya nararamdaman ang pagod ng maghapon.
Kahit week days ay pinilit ng dalagang mag overtime, gusto niya pag-uuwi siya ng bahay ay hindi na magkakaroon ng chance ang lungkot na gambalain siya. Ilang linggo na ang nakakaraan mula ng ma-highlights ang pangalan niya sa Campus dahil sa scandal na kinasangkutan niya.
Kahit alam niya sa sarili niya na hindi siya masamang tao, hindi niya magawang ipaglaban ang sarili sa ibang tao.
Muling bumukal ang masaganang luha sa kanyang mga mata, pagod na pagod na siya. Hindi niya alam kung hanggang kelan siya makakapagtimpi. Hindi niya alam kung hanggang kelan niya kayang tagalan ang mapanuring mata ng karamihan.
Krinnng! ... Krinnng!
Napabalikwas ng bangon ang dalaga ng marinig ang tunog na iyon. Alarm clock. Automatic na bumangon ang katawan niya at nagtungo sa cr. Pagkalipas ng ilang sandali ay bagong ligo na siyang lumabas ng banyo.
Bago tuluyang magbihis ay sandali niyang sinipat ang sarili sa salaming nasa harap niya. Namayat siya. Maganda ang hubog ng katawan ng dalaga, pwede itong pang modelo kung tutuusin, matangkad siya sa karaniwang babae dito sa Pilipinas, biniyayaan ng malusog na dibdib, bilugang balakang at makinis ang kanyang morenang balat.
Napako ang mata niya sa kanyang mahabang buhok, abot hanggang bewang iyon. Natural ang packs-unat na akala mo'y nagparebond. Isa iyon sa maituturing niyang asset bukod sa mala barbie doll niyang katawan. Sinipat-sipat niya iyon saka dinampot ang gunting sa ibabaw ng lamesang nasa tabi ng kanyang higaan.
Sinuklay niya ang buhok na nasa tapat ng mukha saka kumuha ng kapiraso at pinutol.
"Bangs" wika ng dalaga sa kanyang isip.
Makailang gupit pa ang ginawa niya hanggang makuha ang saktong hugis at haba ng bangs na gusto niya. Sariling sikap ika nga. Sayang kasi kung sa parlor pa siya magpapabangs.
Nang ma satisfy sa buhok ay agad nag bihis ang dalaga. Ngayon ang tour nila sa Kusina at Dahon Restaurant at ayaw niyang mahuli dahil excited na nga siya sa tour nilang gagawin.
Natanawan ni Jane ang bus na nakaparada sa tapat ng school nila.
"Jane!" Moses iyon ng kaibigang si Klint, mukhang kanina pa siya nito hinihintay.
"Ang aga mo ahh?" nakangiting bungad niya dito.
"Inagahan ko talaga para sayo, baka pagtripan ka nanaman ng mga classmates natin," ani Klint na pabiro ang tono.
Sumeryoso naman ang mukha ni Jane. "Salamat huh, lagi mo akong ipinagtatanggol."
"Sus, wala yun. 'Lika na nga mag da-drama ka pa d'yan ang aga-aga."
Hindi pa man din nakakasagot ang dalaga ay hinila na siya ng kaibigan papasok sa loob ng bus. Dalawahang upuan ang pinili nito para sa kanila.
Nang makaupo na ay dumukot ito sa bulsa ng bag at iniabot sakanya ang inilabas na headset. Nangingiti ang dalagang kinuha iyon at inilagay sa tenga ang isang earpiece.
Labing- limang minuto na ang lumipas ay saka pa lamang naramdaman ng dalaga ang pag andar ng kanilang sinasakyan, nakapikit siya habang nakikinig ng acoustic music sa cellphone ng kaibigan.
Dalawang oras din ang itinagal ng kanilang biyahe bago narating ang destinasyon.
"Okey class, before tayo bumaba ng bus dapat alam nyo muna kung saang area kayo ma aasign" anang kanilang guro.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...