Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Brayden bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay, hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa asawa.
Marahan niyang binuksan ang pintuan ng kanilang silid at patay malisyang pumasok sa loob niyon.
Sumalubong sakanya ang mga mata ni Jane na tila namamaga, pati ang ilong nito ay namumula, halatang galing sa pag iyak. Nakatayo ito paharap sakanya malapit sa may bintana.
"You're home, nag-alala ako sa'yo magdamag," mahinahon ang tinig na iyon ni Jane.
"I- I'm sorry kung hindi ako nakapag inform na uumagahin ng uwi."
Pagkatapos no'n ay isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sakanilang dalawa. Hinihintay ni Jane na magpaliwanag ang asawa kung anuman ang nangyari dito kagabi, bakit si Eve ang sumagot sa telepono nito nang tumawag siya? at bakit sila magkasamang dalawa?
Gusto niyang marinig itong magpaliwanag dahil hindi niya alam kung paano magtatanong. Natatakot siya na baka hindi niya kayang tanggapin ang magiging sagot nito.
Ilang beses naman ang ginawang paglunok ni Brayden, pakiramdam niya bumibikig ang kanyang lalamunan, hindi niya alam kung paano kakausapin ang asawa. Ayaw niyang malaman nito ang nangyari sakanila ni Eve, kung meron man.
Ayaw niyang masaktan ito.Kinakain ng matinding konsensya ang dibdib niya subalit wala siyang lakas ng loob para ipagtapat dito ang totoong dahilan ng hindi niya pag uwi buhat kagabi.
"Kumain ka na ba?" ani Jane na mas piniling basagin ang katahimikang bumabalot sa loob ng kanilang silid.
"Yeah.. T-tapos na."
That awkward situation are making a lot difficult for Brayden to compose himself, he wanted to tell her the truth but he was afraid she might get hurt.
"H-how 'bout you, kumain ka na ba? "Balik tanong niya kay Jane.
"W-wala akong ganang kumain," mahinang tugon naman ng dalaga.
Namayani muli ang katahimikan pero hindi iyon katulad ng kanina. Hindi na kasi mapaglabanan ni Brayden ang kanina pa niyang nangungulit na konsensya.
"I-I'm sorry, kung hindi ako nakapag inform kagabi na hindi makakauwi. I got drunk last night and I decided to stay on one of the hotel suite." Gusto niyang I-congratulate ang sarili dahil nasabi niya iyon ng hindi nag i-stammer.
Hindi sumagot si Jane sa turan na iyon ng binata. Bukod kasi sa sinabi nitong iyon, ang paliwanag na mas gusto niyang malaman ay kung bakit kasama niya si Eve. Pero may tatlumpong segundo na yata ang nakaraan ay hindi pa niya naririnig ulit na magsalita ang asawa.
Pumihit si Jane patalikod sa binata, pinagmasdan niya ang mga butil ng tubig na nasa ibabaw ng mga dahon na kapag nagdikit-dikit ay bumibigat iyon at dumadausdos pababa saka pumapatak sa lupa, parang luha sa mga mata niyang knina pa gustong kumawala. Kumikirot ng husto ang puso niya kapag naaalala ang sinabi ni Eve kagabi.
"He's sleeping, napagod siya sa ginawa namin kagabi."
"He's with me over night, gusto mong gisingin ko para sayo?"
Ang mga katagang iyon na paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang nagpapakirot ng puso niya. Gusto niyang kumprontahin ang asawa pero natatakot siya, napakahina niya, sa dami ng hirap na pinag daanan niya sa buhay natrauma na yata ang puso niyang masaktan. Oo tama, takot na siyang masaktan lalo na ngayong labis-labis na niyang mahal ang lalaking pinag alayan niya ng buhay.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...