Chapter 32

15 0 0
                                    

     Tahimik na nakaupo si Jane sa tabi ni Brayden na nakahiga sa hospital bed. May nakakabit na oxygen dito at nababalot ng benda ang ulo. Kinuha niya ang kamay nito na may nakakabit na dextrose at ikinulong sa sariling palad.

     "Please, wake up. Pinapangako kong hinding- hindi na kita iiwan kahit anong mangyari," nag umpisang bumikig ang lalamunan ng dalaga, hudyat na naiiyak nanaman siya. "Honey, please wake up."

     Tuluyan na ngang naiyak si Jane, tatlong araw na kasing nakaratay si Brayden sa ospital na iyon simula ng mabaril ni Eve at hanggang ngayon hindi parin ito nagkakamalay.

     Ang sabi ng doctor ay stable na ang kalagayan nito at anumang oras ay maaari ng magising ang binata. Pero tatlong araw na ang lumipas mula ng sabihin iyon ni Doctor Gonzalvo ang neurologist na may hawak kay Brayden.

     Walang maisagot sakanya ang doctor kapag tinatanong niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nagigising ang kanyang asawa.

     "Normal lahat ang test niya Mrs. Lee, even his vitals are all stable. Hindi ko masabi kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang malay."

     "Doc, nag aalala na po ako sakanya."

     "Don't worry Mrs. Lee, as long as he's stable there's nothing to worry about. Maybe, makakatulong kung palagi mo siyang kakausapin. Naririnig ka niya kahit nakapikit ang mga mata niya. Marami akong naging patient na in-coma like your husband pero agad nagigising dahil narinig daw nila ang mga mahal nila sa buhay na nagsusumamong magising sila, there's no medical explanation with regards that matter but sometimes, miracles do happen," mahabang paliwanag ni doc.

     Pinahid ni Jane ang mga luhang malayang naglalakbay pababa sa kanyang mukha. "Thank you, Doc." Muli niyang pinisil ang kamay ng asawa saka umob-ob sa higaan nito.

     Nagpaalam na ang doctor matapos masigurong nasa maayos na kalagayan na ang kanyang pasyente.

     Napatunayan ni Jane na hindi pala talaga niya kayang tuluyang mawala si Brayden sakanya. Siguro noon, nakayanan niyang malayo dito dahil kahit papaano ay nakikita niya ito. Kahit medyo nasasaktan siya dahil may iba na itong kasama kinakaya parin niya dahil kahit paano buhay ito at malaya niyang nasisilayan sa malayo.

     Pero ngayon, kasama nga niya ito pero wala namang malay at walang nakakaalam kung hanggang kailan ito mananatili sa ganitong kalagayan.

     Malapit na sanang lamunin ng antok ang dalaga ngunit kasing bilis ng hangin ang pag balik ng kanyang diwa ng maramdaman ang marahang pisil sa kanyang kamay.

     Agad siyang nag-angat ng mukha para tingnan ang binabantayang asawa, muntik na siyang mahulog sa kinauupuan ng makitang nakamulat na ang mga mata nito at deritsong nakatingin sakanya.

     Naluha si Jane sa nakikita, walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon, gising na si Brayden, gising na ang kanyang asawa.

     "H-honey, salamat sa Diyos at gising ka na. Akala ko iiwan mo na ako," wika ni Jane habang patuloy sa pag-iyak. Lumapit siya dito at niyakap ng mahigpit ang kabiyak.

     Marahang haplos sa likod ang naramdaman ni Jane, lalo siyang naiyak sa ginawang iyon ni Brayden, akala niya hindi na niya mararamdaman ang mainit nitong mga palad sakanya.

     Ilang saglit pa ang lumipas bago tuluyang umalis sa pagkakayakap si Jane, tinungo niya ang intercom at nagsalita doon.

     "Doc, he's awake."

     Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok ang dalawang nurse kasunod si Doctor Gonzalvo, pagkatapos ng ilang pagsusuri ay inalis na ng mga nurse ang nakakabit na oxygen kay Brayden. Hinarap naman siya ni Doc para pagbilinan.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon