Chapter 24

23 10 0
                                    

     Dahan-dahang nagmulat si Jane ng mga mata, bumungad sa kanya ang kulay puting pintura ng kisame at ang tunog ng aparatong nasa tabihan niya. Napansin niya ang oxygen mask na nakakabit sa kanya at ang dextrose na nasa kaliwang kamay.

     Marahan niyang iginalaw ang mga katawan ngunit nagtataka siya kung bakit hirap siyang maigalaw ang mga iyon, ramdam din niya ang makirot na pakiramdam sa loob ng kanyang sinapupunan.

     Biglang bumalik sa alaala ni Jane ang mga pangyayari. Ang tagpong namagitan sakanila ng asawa at ni Eve. Pati ang pamilyar na kirot sa kaibuturan ng kanyang puso ay bumalik din sa alaala ng dalaga.

     Kinapa niya ang ngayon ay impis na niyang tiyan. Tama, bakit impis na ang kanyang tiyan? Nasaan ang baby niya? Ang huling naaalala niya ay ang pag aaway nila ni Eve at ang.. tama ang dugo sa kanyang mga hita.

     Nahintakutan si Jane sa alaalang iyon, agad niyang iginala ang paningin para maghanap ng taong pwedeng pagtanungan kung nasaan na ang kanyang anak.

     Nakita niya ang isang babaeng naka suot ng hospital uniform, abala ito sa pagkuha ng mga detalye sa mga nakakabit na aparato sa kanya.

     "N-Nurse" tawag niya dito. Dali-dali namang nilapitan siya nito at may tiningnan na kung ano sa aparatong nasa tabi niya.

     "Ma'am, tatawagin ko lang po si Doc para matingnan kayo," anito saka lumabas na.

     Ilang minuto ang lumipas ay muling nagbalik ang nurse kasama ang matangkad na lalaking may nakasabit na stethoscope sa leeg.

     "How are you feeling, Mrs. Lee? I am doctor Mercado your personal doctor, your husband left for a while to settle things at the billing department." Nag sagawa ito ng check up sakanya saka muling nagsalita. "We are glad that you finally woke up after four days of being in coma."

"Coma.. Comatose? Siya?" Ulit niya sa isip sa sinabi ni Doc. Mercado.

     "D-doc, nasaan na ang baby ko? Diba dapat nasa tabi ko na ang baby ko? Nasaan na siya? Gusto ko siyang makita?" Sa wakas ay nasabi din niya, kanina pa niya gustong malaman kung nasaan na ang baby niya, excited na siyang mahawakan ito.

     "I'm sorry Mrs. Lee, but your son didn't make it." Malungkot na tugon ng doctor.

     Hindi agad naabsorb ng utak niya ang sinabi nito. Magtatanong pa sana siya ng biglang may pumasok sa pintuan ng silid, iniluwa niyon ang kanyang asawa. Agad itong pumunta sakanya at inabot ang kanyang palad.

     "Honey, thank God you're awake now," anitong bakas ang matinding Pag-aalala sa mukha." I thought you wouldn't wake up, I thought you would leave me too," pag susumamo pa nito.

     "L-leave you? Why? W-who left you?" Naguguluhang usisa na ng dalaga.

     "Maiwan ko na muna kayong dalawa para makapag-usap kayo," ani Doc. Mercado. Lumabas na ito kasama ang nurse kanina.

     Naiwan silang dalawa sa silid na iyon, naghihintay si Jane ng sasabihin ni Brayden ngunit ilang minuto na ang lumipas ay nananatili parin itong tahimik. Hawak-hawak nito ang dalawa niyang palad at nakayukong nakatitig lang doon ang paningin nito. "W-where is our child?" Lakas loob na tanong ni Jane.

Nagbuga muna ng hangin si Brayden bago sumagot. "I'm s-sorry, hon—" sinadya niyang wag ituloy ang sasabihin para mag-ipon ulit ng lakas ng loob sa dibdib.

     Kanina pa masama ang kutob ni Jane, bakit parang hindi yata maganda ang mga reaksyon nila sa tuwing tatanungin niya kung nasaan ang baby niya.

     "A-anong sorry? Bakit sorry? Nasaan ang anak natin?" Naiiyak na ang dalaga habang sinasabi ang sunod-sunod na tanong na iyon sa asawa.

     "H-he didn't make it, hon. Wala na ang baby nation," umiiyak na din si Brayden habang sinasabi iyon.

I am JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon