Nadatnan ni Brayden ang asawang si Jane na nasa terrace hawak ang isang basong orange juice. Pero nakatanaw lang ito kung saan at tila malayo na ang narating ng isip.
"Honey," tawag niya dito. Ngunit hindi man lang yata siya nito narinig kaya inulit niya ang pagtawag. "Honey!"
Saka pa lamang lumingon ang dalaga."Kanina ka pa?"anito sakanya.
"Hindi naman kadarating ko lang, bakit ka nand'yan? 'Yong juice mo hindi na malamig pero hindi mo pa nababawasan."
"Oo nga, mapait kasi sa panlasa ko kaya tinikman ko lang."
"How's your day?" Pinasigla ni Brayden ang boses.
"Uhm, okay lang gano'n padin. May mga gusto akong kainin pero wala dito sa bahay."
"Ano namang pagkain 'yon? Ipapadeliver ko na lang para makain mo."
"Wala yatang nagdedeliver ng mga ihaw-ihaw dito sa village, 'yong balot, adidas, betamax, helmet.. Namimiss ko na silang kainin."
Napaisip si Brayden sa mga binanggit na pagkain ng asawa. Wala yata siyang idea kung ano ang mga 'yon. Ang alam niyang adidas ay sapatos, meron siya no'n sa kwarto pero sapatos 'yon hindi pagkain, 'yong betamax narinig na niya iyon kaso hindi niya alam kung ano ba 'yon?
"Pwede ba tayong kumain ng ganon? Please?" Parang batang pinapungay pa ni Jane ang mata para lang kumbinsihin ang asawa.
Walang nagawa ang binata, hinalikan niya ang tungki ng ilong nito bago inginuso ang hallway papuntang kwarto, "Change your clothes, we'll buy those food," 'pano ba niya matatanggihan ang pagpapacute sakanya ng asawa.
Isang itim na denim short na korean syle ang suot ni Jane at loose t-shirt na may bunny design sa harap. Pumili ito ng rubber shoes na walang sintas saka ipinusod ang mahabang buhok. Lalong tumingkad ang ganda nito sa simpleng outfit na iyon, kapansin pansin ang mahahaba nitong binti sa suot na korean short. Walang kahit anong makeup na nilagay lip gloss lang at powder.
Lumapit si Brayden sa asawa na ngayon ay naka black tshirt at denim pants na lang. Niyakap niya ito mula sa likod, idinampi niya ang mga kamay sa parte ng puson nito.
"Kumusta na si baby, hindi ka ba niya pinapahirapan?" Malambing niyang wika sa asawa.
"H- Hindi naman masyado."
Umikot si Brayden sa harap ni Jane pagkatapos ay walang anu-anong lumuhod ito sa harap ng dalaga. Kinabig siya nito palapit at buong pagmamahal na hinalikan nito ang puson niya.
"Hi baby, I'm your daddy, I'm so excited to see you. Magpalaki ka ng maayos d'yan sa tummy ni mommy but make sure na hindi mahihirapan si mommy, huh," tila isang bata na ang kinakausap nito sa loob ng puson ng asawa.
Halos maiyak naman si Jane dahil sa ginawang iyon ni Brayden. First time nitong hinawakan ang tiyan niya at kinausap pa. Dalawang buwan niyang hinintay na mangyari ang araw na ito kaya hindi niya mapigilan ang nag uumapaw na kaligayahan. Hinagod niya ang ulo ng asawang kinikintalan ng maliliit na halik ang kanyang tiyan.
"Sana ganito na lang tayo palagi," usal niya sa sarili.
Pagkatapos halikan ang flat pang tiyan ni Jane, tumayo na si Brayden at mahigpit namang niyakap ang dalaga. He miss her so much, after two months ngayon lang niya ulit nagawang yakapin ito. Lagi na lang niyang pinakikiramdaman muna ang asawa baka ayaw pa nitong kausapin siya.
Simula kasi nang malaman nitong nagdadalantao siya hindi na siya nito kinausap. Kaya kanina sa terrace ay nag uumapaw na ligaya ang nararamdaman niya. Iniisip na lang ng binata na marahil dala ng pagdadalantao nito kaya parang iba-iba ang mood swing ng asawa.
BINABASA MO ANG
I am Jane
Romance"Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto ko lang ng maayos na buhay.. Iyon lang.. Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap? " usal ng dalagang hilam sa luha ang mga mata, nakayuko at nasa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Inabandona si Jane ng...