SIX

227 7 0
                                    

Shanelle

Pagpasok pa lang namin sa canteen ng kompanya ay napako na agad ang tingin ng mga empleyadong naroon at kumakain sa amin kaya hindi ko maiwasang mapatungo dahil alam kung sa amin nakatotok ang mga nagtatakang tingin ng halos lahat ng taong narito.

" sir pwede mo na sigurong bitiwan ang kamay ko ngayon. " mahinang sabi ko kay hero habang hinihila ang kamay kong hawak hawak niya.

" i told you to stop calling me sir andi. " matigas na sabi niya sa akin at hinila ako palapit sa mga naka display na pagkain ng hindi pa din binibitawan ang kamay ko.

" nasa trabaho tayo sir kaya dapat lang na galangin ko kayo dahil kayo ang boss ko. " matapang na sagot ko sa kanya dahilan upang mapalingon siya sa akin kaya naman napangiti ako ng pilit sa kanya.

" one more time if i heard you call me sir again andi im going to kiss you in front of all this people here and im not kidding. " mahinang banta niya sa akin kaya naman nanahimik nalang ako habang nakasunod sa kanya.

" good morning sir. " bati ng mga empleyadong nakakasalubong namin at hindi ko naman maiwasang mapaismid sa mga babaeng ang ganda ng ngiti habang bumabati sa kanya ngunit ang samang makatingin pag ako na ang tinitingnan tss.

" what do you want to eat? " tanong ni hero sa akin kaya napatingin naman ako sa kanya bago ako bumaling sa mga pagkaing naka display ngunit wala naman akong mapili.

" ikaw na ang bahala hindi naman ako mapili sa pagkain ehh. " sagot ko sa kanya hindi naman kasi ako nagugutom.

" ok, go find a vacant table first and just wait for me there I'll just order our food. " aniya at sa wakas binitiwan niya na din ang kamay ko kaya naman nagmamadali na akong naglakad palayo sa kanya at nagsimulang igala ang paningin ko upang maghanap ng bakanteng table at agad naman akong nakakita ng bakanteng pwesto sa may gilid kaya naman agad din akong lumapit doon at nakayukong hinintay si hero.

" a penny for your thoughts? " napaangat ang tingin ko ng magsalita si hero sa harap ko na hindi ko man lang napansing nakalapit na pala sa mesang napili ko.

" ehh? " nasabi ko nalang ng hindi ko masyadong makuha ang sinabi niya, naglalayag na naman kasi ang isip ko, iniisip ko ang napag usapan namin ni kuya kaninang umaga at dumagdag pa tong pakikitungong ginagawa ni hero sa akin ngayon.

" ang lalim naman ata niyang iniisip mo? Dahan dahan at baka malunod ka. " aniya na mas ikinakunot ng noo ko.

" here's your order sir. " hindi ko na siya nasagot ng may dumating na lalaking dala ang mga inorder ni hero na pagkain at inilapag isa isa ang mga ito sa mesa namin. " enjoy your food sir, maam. " nakangiting sabi ng lalaki bago ito umalis.

" i hope you'll like what i order for you. " sabi ni hero sa akin habang inaayos ang mga pagkain na nasa messa namin at binigay sa akin ang isang plate na may lamang napakaraming pagkain kaya naman napakunot ang noo  ko at napatingin sa kanya.

" hey! bakit ang dami naman ata niyan? hindi ako ganon ka gutom sir upang maubos yan. " sabi ko kaya sinamaan na naman niya ako ng tingin kaya napatakip tuloy ako sa bibig ko. " oops my bad, steve i mean. " sabi ko nalang, paismid niya namang inalis ang tingin sa akin at pinagpatuloy ang pag aayos sa mga pagkaing inorder niya, hindi halatang gutom na gutom siya ahh.

" stop staring and lets eat hon. " sabi na naman niya kaya mas lalo lang akong napatitig sa kanya, bakit ba kasi siya hon ng hon sa akin, kunti nalang talaga sir iisipin ko nang may gusto ka sa akin. Sabi ko nalang sa isip ko at pinag tuunan na ang pagkaing nasa harap ko dahil baka ano pang isipin niya pag nahuli niya akong naka titig sa kanya.

Heal His Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon