This is it guys hanggang dito na lang po ang ang love story ng ating hero steve at shanelle andrea 😊, maraming maraming salamat po sa lahat ng mga nagtyagang basahin ang story nila hero at shanelle, im so happy to know that you reach until the end of this story guys 🥰, once again thank you so much mwaaahhhhhh 😘😘 i love you all 😍😍😍....
Hero
Five years later.......
Malamig ang dampi ng hangin sa balat ko habang nakatayo at nakatingin sa pangalan niyang kulay ginto na nakaukit sa itim at makintab na marmol, maraming taon na ang lumipas pero sariwang sariwa pa din sa ala ala naming lahat ang malagim na pangyayaring yun sa buhay namin, lahat kaming involve ay hindi pa din makalimutan ang pangyayaring yun na hindi na ata talaga mawawala sa mga isip namin hanggat nabubuhay kami sa mundong to.
" i'ts been five years but the pain im feeling right now is still the same when the day she left me. " napalingon ako sa katabi ko ng magsalita siya.
" im sorry dude, i know how you feel and i don't really know what to say, i don't know how to help you ease the pain you're feeling right now, alam kong masyadong masakit para sayo ang pagkawala ng taong pinakamamahal mo, dahil minsan ko na ding naramdaman yan nung muntikan nang mawala sa akin ang babaeng mahal ko. " ani ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa malawak na tanawin sa aking harapan, masakit isiping wala tayong magagawa upang maibalik ang buhay ng taong nawala sa atin.
" it's fine dude, im ok, masakit pa din para sa akin ang pagkawala niya sa buhay ko pero tanggap ko naman na, dahil wala din naman akong magagawa kung hindi ang tanggapin ito, I believe that everythings happens for a reason dude, hindi lang siguro talaga kami ang para sa isat isa at alam kong masaya na siya saan man siya naroroon ngayon, kaya kailangan ko na ding maging masaya dito dahil alam kong yun din ang gugustuhin niyang gawin ko ang ipagpatuloy ang buhay ko kahit wala na siya, dahil kahit hindi ko na siya kasama ay nanatili naman sa aking puso't isipan ang magagandang alala naming dalawa na magkasama noong siya ay nabubuhay pa sa mundong to. " humanga ako sa mga sinabi niyang yun, dahil kung ako siguro ang nasa kalagayan niya ay baka matagal na akong sumuko pero iba siya dahil ang tatag niya at nakayanan niyang ibangon muli ang pagkatao niyang nalugmok ng mawala ang pinakamamahal niya at saksi ako sa mga paghihirap na pinagdaanan niya sa mga panahong yun, saksi ako nung muntikan na siyang sumuko hanggang sa dumating ang araw na napag isip isip niyang ibangon muli ang sarili niya.
" Talagang hinangaan kita dahil jan sa katatagan mo dude, nakayanan mong ibangon ang sarili mo sa pagkakalugmok noong mawala ang babaeng mahal mo, dahil kung sa akin nangyari ang nangyari sayo baka hindi na ako inabot ng ilang taon dahil sumunod na ako sa mahal ko sa kabilang buhay. " senserong sabi ko sa kanya.
Napangiti muna siya bago sumagot sa akin. " well hindi rin dahil minsan ko na ding naisip na sumuko na at sumunod nalang kay denise dahil para sa akin ay kasama niya nang inilibing ang puso ko, at iniisip ko pa lang na magpatuloy ng wala na siya ay para akong dahan dahang pinapatay sa sakit na nararamdaman ko, kaya nga nagpapasalamat ako sa inyo dahil nanjan kayo upang damayan ako sa oras na sobrang down na down ako, hindi niyo ako iniwan at pinabayaan kahit hindi niyo naman talaga ako kilala. " aniya na may ngiti pa din sa mga labi niya.
" napalapit na din kasi si andi kay denise kaya nga sobrang nalungkot siya nung malamang namatay si denise, at hindi din maatim ng konsensya namin na pabayaan ka nalang lalo na si andi dahil alam mo namang sarili niya ang sinisisi niya sa mga nangyari sa panahong yun kahit wala naman talaga siyang kasalanan. " napalingon naman siya sa akin at malungkot na ngumiti.
" hindi niya naman dapat sisihin ang sarili niya dahil hindi naman siya ang bumaril kay denise at isa pa napahamak din siya sa insidenteng yun at muntikan din siyang mawala sa inyo, walang may gusto ng pang yayaring yun kaya wala tayong dapat sisihin kung hindi ang mga taong gumawa ng masama sa atin, pero wala na din tayong magagawa dahil wala na din dito ang mga taong may sala, kaya ang dapat nating gawin ngayon ay ang magpatuloy nalang sa ating buhay baon ang magandang ala ala na iniwan ng mga mahal nating nasa kabilang buhay na. " napangiti naman ako sa sinabi niyang yun at mas humanga pa ako sa pang intindi niya sa mga bagay bagay.
BINABASA MO ANG
Heal His Broken Heart
RomansaShanelle Andrea Arcadia the daughter of the owner of Arcadia Group of companies choose to turn her back at the life that her parents wants her to live, because of the arrange marriage her parents planed for her she left her wealthy life and decided...